[22] ♔ Hospital

1.8K 47 4


Nagising ako dahil may tumatapik saakin. Idinilat ko yung mga mata ko at nakita ko yung doktor ni Hana. Tch. Anong ginagawa nito dito?

“Hanniel Curtis, right?”

“Problem?”

“Pwede na kayong lumabas mamayang hapon. Di na naman siya nilalagnat kaya okey na siya.” paliwanag niya.

“Okey sige. Susunod nalang ako para bumayad ng bills.” lumabas na yung doktor at may sumunod ng nurse. Tinurukan siya sa dextrose niya. Buti nalang at tulog siya.

Pagkalabas ng nurse lumabas din ako. Pagkatapos kong bumayad lumabas ako ng hospital. Ang dilim pa pala. 4:15am palang. Masyadong maaga pa. Bumili akong ng pagkain namin. Binilisan ko lang kasi baka magising na siya at hanapin ako. Nagvibrate yung cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko.

Phia Calling...

[“Hello?”]

[“Hanniel, kamusta si Hana. Okey na ba siya?”]

[“Okey na siya. Lalabas kami mamayang hapon. Salamat sa pag-aalala. Paano mo pala nalaman?”]

[“Sinabi ng mga kaibigan mo.”]

[“Sige. Ibababa ko na ito. Nagmamadali kasi ako.”]

[“Sige.”]

       *toot* *tot* *toot*

Mabilis akong nakarating sa hospital. Habang papunta sa room ay pinagtitinginan ako ng mga nurse at doctor. Alam ko naman talaga na gwapo ako. Gwapo, mayaman, mabait, may puso, malakas ang dating, lahat-lahat na yata na saakin na. Nakarating ako sa kwarto niya. Natutulog pa. Naabutan ko rin yung doktor. Mukhang palagi naman siyang bumibisita dito ah.

“May problema ba, dok?” tanong ko. Iba kasi kung tumingin eh.

“Mmm... Stress na siya masyado. Pagbawalan mo muna siya sa alak. Kawawa siya.”

“Wala kang karapatan na kaawaan siya.”

“Tch. Oh ikaw ba? Naawa ka sakanya? Hindi naman di ba?” sabi niya. Mabilis na nag-init ang ulo ko. Mabilis ko siyang kwinelyuhan.

“Kung gusto mo pa yung trabaho mo. Wag na wag kang mangingialam sa aming MAG-ASAWA.” diniin ko talaga yung huling salita na sinabi ko.

Mabilis ko siyang binitawan dahil may kumakatok. Inayos niya yung sarili niya. Tch.

Pagbukas ng pinto nakita ko yung mga kaibigan ko. Lumabas na yun tangnang doktor na yun.

“Woi! Pare ayos ka lang?” tanong ni Zane.

“Tsh. Frustrated.” bulong ni Yuan ng dinaan niya ako kaya narinig ko.

“Kamusta siya, dude?” tanong ni Tyler habang nakatingin kay Hana na mahumbing na natutulog.

“Lalabas na kami mamayang hapon.” sabi ko.

“Ang laki pala talaga ng mansion mo, pare.” manghang-manghang sabi ni Zayde.

“Laki rin naman mansion nyo ah. ” singir ni Khian.

“Pero di naman ako dun tumitira.” sabi ni Zayde.

“Edi don ka tumira para nalaki rin yung sayo, gago nito.” sabi naman ni Axel.

Patuloy lang ang kalokohan nila buti nalang di nagigising si Hana.

Kung napapansin niyo si Yuan talaga ang pinakatahimik saamin. Siya yata lagi ang most bahave saamin eh.

Si Tyler naman ang sumusunod na pinakatahimik. Magkababata sila ni Angel. Grabe ang pinagsamahan nilang dalawa. Kaya di na ako magtataka kung mafall sila sa isa't-isa pero mukhang imposible yung sa side ni Tyler. Di sya marunong ngumita. Teka----halos pala lahat kami. Tumatawa lang kami kapag kami lang ang nakakakita. Ang weird dba? Yun kami eh. Siya ang pinakamaraming admirers.


Casanova's  WifeRead this story for FREE!