[21] ♔ My Side

1.9K 55 3

Hana's POV

ANG sakit ng ulo ko. Di ko alam kong anong nangyari. Basta pag-gising ko nasa kwarto na ako ni Hanniel. Nakalimutan ko man yong nangyari noong lasing ako pero yung ginagawa nina Hanniel at Phia ay di ko makakalimutan. Nangdidiri ako sakanilang dalawa. Sa bago nila ginawa ang bagay na iyon sa inisip nila kong may masasaktan. Kanina pa umalis si Hanniel at di ko alam kong ano ang pinagsasabi niya bago siya umalis. Nag-aalala daw siya, sinong niloko niya? Tangna niya.

Tch. Magsama silang dalawa. Naiisip ko, sa buhay nila parang ako yung kontrabida. Sa istorya nila ako ang hadlang. Pero sa istorya ko siya ang hadlang. Ang gulo.

Ang sakit ng katawan ko. Nahihilo ako. Ang hirap pala mailagay sa relasyong di mo alam. Di mo inaasahan na ganito. Sana alam ko na may ganoon para alam ko kung ano yung gagawin ko. I miss my Mama. Gusto ko siyang kausapin. I want hear her voice.

Mama dialing...

[Mama?]

[Napatawag ka, anak? Ayos ka lang ba sinasaktan ka ba niya?]

[Mama, namimiss lang po kita.]

[May good news si Mama sayo, anak.]

[Ano po yun?]

[Uuwi na kami ng Papa mo. Mukhang magtatagal kami dyan. Namimiss kana din kasi ng Papa mo.]

[Kailan po Mama?]

[Secret. Surprise namin yun]

[Mama naman eh!]

[Teka, umiiyak ka ba?]

[Ano ka ba Mama! Kailan po ba ako umiyak? Wala yatang nagpapaiyak sa isang Hana Fernandez dahil ako ang nagpapaiyak sa kanila.]

[Whahahahaha. Wala ka parin talaga ipinagbago. Sige, nandito na mga investors anak. Ibababa ko na. Ingat ka!]

[I love you Mama]

[I love you too]

Di ko kinaya yung mga salita ni Mama. Umiiyak talaga ako. Ganito kasing may sakit ako siya yung nag-aalaga saakin. Biglang may kumatok. Panira naman ng moment. Nagdadrama pa ako eh. Si Manang siguro.

“Pasok!”

“Hana, may naghahanap po sayo.”

“Sino daw?” wala naman ako inimbita para pumunta dito.

“Di po nagsabi ng pangalan.”

“Sige po. Bababa nalang po ako.”

Isinara ni Manag yung pinto. Nagbihis lang ako pinunasan naman ako ni Hanniel eh. Bwahahaha. Teka! Galit ako! Galit!

Pagbaba ko may narinig akong tawanan kaya pumunta ako sa pool dahil doon ko naman yun naririnig.

“Hana!” biglang sigaw nilang. Ay, namiss ko sila.

“Anong ginagawa niyo dito?”

“Tumawag si Tita, sabi niya puntahan ka daw namin.”

“Bonding tayong apat! ”

“Apat?”

“Oo nandito ako no?”

“Angel? ”

“Mmm... The one and only. Bwahahaha.”

“Group hug tayo? ” alok ni Cyrus.

Yeah! Nandito sila. Gavin, Cyrus, and Angel. Di ko alam kong paano ni Mama nalaman na bored na ako. Buti nalang di siya nag-react na di ako pumasok.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!