Chapter 3

842 37 2
                                        

Baekhyun's Pov

Ang hirap pala maging buntis. ""Pag gising ng umaga banyo agad ang punta ko dahil sa morning sickness. Palagi akong inaantok at parating gutom. Kung dati di ako masyadong kumakaen ngayon kailangan kong kumaen ng doble para sa akin at sa baby ko.  3 weeks old na yung baby ko sa tyan pero di ko pa din masabi sa ama nya. Natatakot ako sa maaring mangyari.

"Baekhyun kailan mo sasabihin sa tatay ng anak mu yang kalagayan mo?" Tanong sa akin ni Luhan habang nag aagahan kame.

"Hindi ko alam,natatakot kasi ako sa maaring mangyari"

"Subukan mo sabihin, may karapatan naman niyang malaman na may anak kayo." Oo may karapatan siyang malaman pero natatakot ako baka di sya tanggapin ng tatay niya.

Pagkatapos namen mag agahan sabay sabay kameng pumasok sa opisina. As usual tambak nanaman yung mga gawain ko.

"Guys.. May announcement si Sir Chanyeol lahat daw mag punta sa may conference room." Sabi ng katrabaho ko.
Agad naman kame nag punta sa may conference room. Mga ilang saglit lang at dumating na si Mr. Park.

"Andito na ba ang lahat?" Tanong nya.

"Yes Mr. Park andito na po lahat"

"Kaya ko kayo pinatawag ay dahil gusto kong icongratulate ko kayong lahat dahil sa kasipagan niyo sa trabaho. Ng dahil sa mga galing nyo naging top 1 ang ating kumpanya ngayong 1st quarter ng taon. Tumaas ang sales naten sa mga produkto na binebenta naten. At dahil dyan mag outing tayo. Parang team building na din naten yun. Para naman mas makilala ko pa kayo. Alam niyo naman na sandali palang tayo nag kakasama at di ko pa kayo masyadong kilala. At para magkaroon tayo ng isang magandang working harmony."


Excited ung mga ka workmate ko. Syempre makakapag relax sila. Palabas na si Mr. Park ng magkatinginan kami. Parang gusto kong sabihin na buntis ako at siya ang ama pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kasi baka masira ko yung pangalan niya. Hay ang hirap ng sitwasyon ko,dinaanan na lang niya ako.



"Nak sorry baka hindi kita mabigyan ng isang buong pamilya. Pero wag kang mag alala mamahalin kita ng buong puso." Bulong ko habang hinihimas yung tyan ko.



Dumating yung araw ng team building namen sa may Anilao Batangas yung resort kung saan kame mag stay. Tamang tama malapit lang dito ung bahay namen. Pwede akong umuwi pagkatapos ng team building. Sa may office yung meeting place namen bago kame pumunta ng Anilao. Isang bag lang yung dala ko may mga damit naman ako na naiwan sa bahay pwede naman ko tong gamitin. Pag dating namen halos puno na yung 2 van na gagamitin di pa kame nakasakay nila Kyungsoo. Di pa naman namen dala yung sasakyan.

"Nako paano yan wala nang place paano tayo nito makakasama?" Tanong ko



"Problema ba yun halika...." Hinila ako ni Kyungsoo palapit kay Mr. Park.


"Sir sorry pero pwede po bang  makisabay kame sa inyo puno na kasi yung dalawang van na ni rentahan eh" nabigla ako ng itulak ako ni Kyungsoo palapit kay Mr. Park muntikan na ko mahulog buti na lang at nahawakan ni Mr. Park yung bewang ko. Shet naman nakakahiya.. Tumingala ako at kitang kita ko ung mukha nya. Ang gwapo pa din niya swerte ng anak ko at gwapo ung tatay niya.



"Ehem... baka gusto nyo na pong bumitiw sa isa't isa tatanghaliin na po tayo  sa daan."  Bumitaw kame sa isa't isa at tinignan si Kyungsoo at Luhan na ang lapad ng ngiti.




"Pumasok na kayo.  " pupuwesto sana ako sa likodan pero inunahan ako ng dalawa kong ulopong na best friend at nilagay nila yung mga gamit nila sa mag kabilaan nila sa totoo kasya pa ako kaso ung mga gamit nila yung nag pasikip sa loob ng kotse. Kaya no choice ako na umupo sa harapan katabi ni Mr. Park. Ang hirap naman hatakin yung seat belt.


"Ako na, medyo mahirap na siyang hatakin, hindi ko pa kasi naayos yan." saka lumapit siya sa akin shet sobrang lapit niya amoy na amoy  ko yung pabango na gamit niya. 


"salamat po Mr. Park" tumango naman siya at nagsimula ng mag maneho. Sa buong byahe namen tahimik lang ako, tanging sila Kyungsoo at Luhan ang kausap niya. 

" Mr. Park pwedeng mag tanong?" sabi ni Kyungsoo


"Sige Mr. DO ano yun?" 


" Mahilig ka ba sa mga bata?" napalingon ako ng di na oras kay Kyungsoo dahil sa tnong niya. Nilakihan ko na lang yung mata ko para makuha niya yung mensahe ko na bakit niya tinanong niya yun kay Mr. Park.


" OO mahilig ako sa bata, noon kasi palagi akong sinasama ni mamita sa ampunan na kung saan sponsor siya, nag papa feeding program siya. Kaya nahilig ako sa bata." agad naman ako napalingon sa kanya dahil sa sagot niya. 


"ah eh bakit wala pa po kayong anak?"




" I'm Not ready for that. Madami pa akong mas mahalaga at mas importanteng  bagay na dapat gawin. At di kasali ang pagkakaroon ng anak"  parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa sagot niya. Paano ko sasabihin na buntis ako at siya ang ama kung hindi pa siya handa sa ganung responsibilidad. Tama… buo na desisyon ko, hindi ko na sasabihin sa kanya. Papalakihin kong mag isa ang anak ko. 




Nakatanggap naman ako ng txt message mula kay Luhan nag tatanong siya kung ok lang ako,nireplayan ko naman siya na ok ako. Pero ang totoo gusto kong maiyak sa mga oras na yun. Hinimas ko yung tyan ko "nak ayaw sa iyo ng tatay mo. Hayaan mo andito naman ako  para alagaan kita at mamahalin ng buong puso. Ibibigay ko lahat ng pag mamahal sa mundo.




"Are you alright Mr. Byun?" Tanong sa akin ni Chanyeol. Tumango ako bilang pag sang ayon at tumingin sa bintana.



"Are you guys hungry?? Tara kain muna ako di pa kasi ako nag brebreakfast."




"Tamang tama malapit lang dito yung bahay nila Baek?? May maliit silang carinderia at masarap ung mga niluluto ni ni tita. Di ba Baek?"




"Oo "





"Well tara na, ituro mo sa akin Mr. BYUN kung saan yung bahay nyo."




Tinuro ko naman yung direction ng bahay namen. Nasa ibaba lang naman yung karenderia namen eh.




"Iliko nyo po dyan Sir sa kanto sa kanan nyo."



Pagkaliko niya tanaw na tanaw ko si mama na nag aasikaso sa mga customer nya. Meron namang helper si mama ang kaso hands on talaga siya pag dating sa negosyo nya,




"Mama… " sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.




"Oh Baekhyun anak baket andito ka?"
 

"Hi tita…" sabay na sabi nila KYUNGSOO AT Luhan




"Baket pati din kayo kyungsoo at luhan andito"



"May team bonding po kasi kame malapit dito at kasama po namen ung boss namen  medyo naguto"




"Oh sige paghahanda ko kayo ng agahan. Doon na kayo sa bahay."





"Sige po"



Pagpasok namen sa bahay pinapunta ko sila sa kusina. At inayos ko yung mga plato. Pagkaraan ng ilang minuto dumating na si mama kasama ung isang helper nya dala yung pagkain.



"Sir mama ko po. Ma si  Mr. Park po" pagpapakilala ko sa kanila. Inihain ni mama yumg mga favorite kong pagkain pero di ko nagustuhan yung amoy. Naduduwal ako kaya agad agad akong nagpunta ng banyo. Alam kong sinundan ako ni Kyungsoo ganun din ni mama.




"Anak ok ka lang? " tanong ni mama nasa loob kame ng banyo. Tumango ako bilang pag sang ayon. Pero bigla akong hinawakan ni mama.





"Anak  magtapat ka nga buntis ka ba?" Nagulat ako sa tinanong nya. Pero di ako makakapag lihim sa kanya, medyo nahihilo ako.




"Opo" at bigla na lang ako bumagsak.


………………………………………………

To be continue…………






Trap Marriage ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon