Chapter 32: Secret Wedding

5.5K 134 16
                                    

RAIN/SKY'S POV:

Langya! Nakakahiya ang ginawa ko limang araw na ang nakakaraan. Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil dun. Arggghhhh! Bakit ba kasi ako nagkakaganun sa tuwing meron ako?

Napailing nalang ako at napa poker face. Langya talaga! May mas nakakahiya pa ba sa ginawa kong yun? Parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Ayssst!

Bago pa ako mabaliw kakaisip nun ay napagdesisyonan ko nalang na bumaba sa hagdan habang nakapoker face.

At alam niyo ba na hindi lang yan ang problema ko? Syempre hindi niyo pa alam. Hindi ko pa kaya nasasabi, tsk.

Ngayong araw na daw ang kasal. Oo kasal ko, oh di ba? Ang bilis nang kalbaryo ko. Pero letche! Kasal? Ngayon na talaga? As in? Langya! Di pa kaya ako handa.

Oo, mahal ko ang kumag na si Kyler pero everything is so fast. Haler! Bata pa kaya kami, 17 years old palang po ako for cat's sake.

At nasaan na yung cold side ko? Ayun nawala nang parang bula dahil sa mga problema kong tambak na tambak na talaga. Kahapon pa kaya ako tinatawagan ni Joyce na pumunta nang California at Singapore para e check ang mga negosyo ko dun.

Kaso ayaw ko pa dahil marami pa akong aasikasuhin at poproblemahin dito kaya ayun, napilitan tuloy siyang magpunta dun. Napailing nalang ako, kung may magagawa lang sana ako.

"Rain!" Tawag nang isang boses. Pagtingin ko dito ay ang kambal ko lang pala.

"Oh bakit?" Walang gana kong tanong dito habang papalapit ito sakin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Oh, how I hate those stare!

Bago pa ito magsalita ay kaagad ko na itong inunahan.

"Don't give me not fucking look Ryn na as if kaawa-awa na akong tao, tsk!" Naiinis kong saad dito.

Imbis na magalit dahil sa sinabi ko ay bumuntong-hininga na lamang ito at ngumiti nang pilit sakin.

"Okay lang ba talaga sayo ang magpakasal?" Mahinahong tanong nito.

"As if I have a choice Ryn." Sarkastikong sagot ko dito. Eh, talaga naman kasing wala di ba? Mapapahamak si Yana kung hindi ko gagawin to at isa pa, dun din naman ang punta namin ni Kyler kapag nagkataon. Di ba? Di ba? Oh, wag niyo nang sagutin. Kaimbyerna!

Hay, hindi ko lubos maisip na lalaki pa pala ang papakasalan ko. Akala ko kasi noon, si Yana na ang para sakin. Speaking of her, kamusta na kaya siya? May mahal na kaya siyang iba? Malamang meron na. Sana wag siyang saktan nang taong yun.

"Everything will be alright Rain." Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Ryn saka ako niyakap, napayakap na rin ako dito pabalik. Hay, kahit papano naman I also consider myself a lucky one to have this man infront of me. Without him, baka napariwara na ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap at nginitian siya nang pilit. Siya nga pala, tatlong araw ko ding hindi nakita ni anino ni Kyler. Tsk, dami nilang alam. Bawal daw yun kasi baka hindi matuloy ang kasal. Oh, di ba? Ang saya! saya!

"Halika na kambal. Aayusan kapa nang mga makeup artists na kinuha ni mom para sa kasal mo." Aya sakin ni Ryn. Tumango na lamang ako saka sumunod sa kanya papasok sa kwarto ni Kendra. Taray! Parang siya ang ikakasal ah? Nauna pa siyang ayusan sakin? Ang taray talaga!

Pagkapasok ay kaagad akong binati nang mga bakla na sa pagkakaalam ko ay mga makeup artists daw. Mukha silang babaeng-babae talaga. Wala akong masabi. Sila na!

"Ma'am?" Tawag pansin sakin nang isang bakla na mahaba ang buhok. Actually siya lang yung mahaba ang buhok sa kanila.

"Ikaw ba mag-aayos sakin?" Mahinahong tanong ko dito.

Ms. Tomboy Is Arranged Marriage To Mr. Popular Heartthrob (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon