[1]*New Classmate*

43 2 0
                                    

Kathryn's POV

"Ano ba yan!"

napa taklob ako ng kumot ko dahil sa sikat ng araw.. binuksan ba naman ng kung sino ang bintana ng kwarto ko. Tss.. kainis!

"Zeniel Kathryn wake up.. then go to your bathroom. May pasok ka pa diba.? "

maag- wait that voice is familiar.. kilalang kilala ko yung boses na yun eh. Tinanggal ko yung pagkataklob ko sa kumot.. at.....at...mukha agad ni mommy ang bumungad sakin na naka upo sa kama ko.

Agad akong napa upo sa kama and hug her so tight.

"I missed you so much mom" I really missed her... I didn't expect that she's here, hindi kasi sya nag text or tumawag manlang na pupunta sya dito
"I missed you too anak" humiwalay na kami sa pagkakayakap ni mommy

"Mom why are you here? Whos with you?" I ask with a big smile of mine
"Bakit ayaw mo ba na nandito ako?" Balik na tanong niya sakin
"Of course I want mom. But I thought Next month pa po ang balik niyo"

may business kasi kami sa Seoul Korea that's why hindi kami masyadong nagkikita ng parent's ko. Magkikita man kami but through video call lang. Minsan lang kasi sila umuuwi dito sa Pinas kasi sobrang busy nila sa trabaho dun.

Kung magtatanong kayo kung nag tatampo din ba ako dahil laging wala ang parents ko my answer is yes of course. Anak din naman ako na kailangan ang attention ng magulang but in fact I understand them kasi business namin yun eh!

Sinasabi ko din naman sa kanila kung may problema ako, kasi ayokong naglilihim eh. Ayoko na hindi ko malalabas ang sama ng loob ko, kasi na dedepressed ako... mas maganda kasi yung may mapagsasabihan ka ng problema ^_^

Pagkatapos naming mag usap ni mommy ay agad naman akong pumasok sa bathroom at naligo. May pasok pa kasi ako. Gusto kong umabsent muna but my mom didn't allow me. Ayaw daw nila kasi na uma-absent ako. So no choice, pasok sa school

After kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa dining room.

Nag breakfast ako with my Parents , they will stay here for a couple of months. eh kasi nga dapat next month pa ang uwi nila but they decided na mag stay sila dito for 2months at para na din daw maka pag Family bonding kami.

Birthday ko na kasi next month.
Bilis ng panahon no. Parang kahapon lang nag 16th birthday ako tapos next month 17th birthday ko na.

Pag katapos naming mag breakfast ay nag pahatid na ako kay manong driver sa school.

Papalakad palang ako sa hallway ay may narinig akong may sumisitsit , kaya hinanap ko kung saan nanggaling but those student I've seen was busy. Yung iba nag reretouch ng make up nila at yung iba naman ay nagbabasa ng libro. Kaya naglakad nalang ulit ako.

"Pssssstttt"

Hindi ko nalang pinansin kung san mang lupalop ng mundo ang naninitsit.

"Psssttt"

Ayan na naman! I put my headset on my ear and then play the music. Nakakairita kasi yung naninitsit.! Tss! Papansin masyado!

Lakad lang ako ng lakad ng biglang

"Whaaaa!" "Ay! KABAYONG BAKLA!"

biglang may tumalon sa harapan ko galing sa gilid sa may mga bulaklak. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Tsss! bat ba kailangang manggulat ng isang to!

"Bakit kaba nang gugulat ha! Kainis ka!" Sabi ko sabay hampas sa kanya. Tss... "HAHAHAHAHA.... kung nakita mo lang HAHAHA yung HAHAHAHA "

"Tawa pa! Gusto mo tulungan kita!"
Kinuha ko yung mga libro ko na nahulog dahil sa gulat ko kanina.

He's A GangsterWhere stories live. Discover now