Chapter Fifteen: Reveal the Truth itself

789 15 0

Minsan kailangan mo lang na magpahinga kapag napapagod ka na. Hindi ka robot para abusuhin ang katawan mo.

Hello! Hahaha. I am back? Update na muna akiz. Witsung knowings kung keribels pa ang life line. Getsung niyo ba aking chinuchukchakchenes? Hahaha. Intindihin niyo na lang mga bilatchi! Kiber lang ang ganda at gorabels na sa pagbabasa. Witsung forget magvote, comment and read! Salamat! ^_^

READ | VOTE | COMMENT | BE A FAN

-BITTERSWEETNOVELIST

---------------------------------------------

Zandra's POV

"Pre, kaano-ano ba ni bossing yung tatlong yan?" tanong ng isang tagabantay naming tatlo.

"Sa pagkakaalam ko, 'Pre. Isa diyan ay nililigawan ni Bossing. Eh may humadlang daw sa balak ni Bossing sa pagkakaalam ko. Pagsasawaan daw ni Bossing yung nililigawan niya tapos itatapon sa may damuhan." kwento nung kausap ng tagabantay.

"Kalalaking tao napakachismoso." bulong ni Ziah sabay irap sa dalawang nag-uusap. Kanina pa siya nag-iisip ng paraan kung paano sila makakawala sa pagkakatali. Kadena ang ipinangtali sa kanilang tatlo. Wala pa ring malay si Zabelle ng lingunin niya ito. Nanghihina marahil ito dahil sa natanggap nitong suntok mula kay Vince. 

"Zandra. Hoy... Psst! Pansinin mo ko." pagtawag pansin sa kanya ni Ziah. Sinalubungan niya lang ito ng kilay. Kanina pa siya kinukulit ng kaibigan kung may naisip na siyang plano. Natutuyot na din ang utak niya kakaisip ng paraan. Nagdarasal na lang din siya sa Panginoon na mahanap agad sila ng kanilang mga kapareha. 

"I am thinking. Keep quiet. Magpahinga ka para may lakas ka kapag nakatakas tayo dito. Tulog pa si Zabelle kaya manahimik ka muna hangga't wala akong naiisip na paraan." inis niyang sagot sa kaibigan.

"Hoy! Anong pinagbubulungan niyong dalawa!?" bulyaw sa kanila nung kalbong tagabantay nila. Halatang lasing na ito mula sa tatlong bote ng Emperador na nilaklak ng mga ito. How she wish na makatulog agad ang bantay para makaisip agad siya. Nagdadalawang isip pa kasi siya sa binabalak niya dahil wala silang kalaban-laban sa mga tagabantay nila.

"It is not your business to know what are we talking about." pagtataray niya sa kalbong lalaki. Napangisi naman ang lalaki sa inasal niya. Kitang-kita sa mga mata nito ang inis at pagnanasa.

"Wag mo akong maingles ingles kang babae ka. Tangina mo!" asik nito sa kanya sabay sampal sa kanyang pisngi. Nalasahan niya ang kanyang dugo mula sa pagkakasampal. Nadaplisan kasi ang gilid ng labi niya.

"Boy! Bantayan niyo 'tong mabuti at baka makatakas! Lagot tayo kay Bossing kapag nakaalis ang tatlong yan." baling nung kalbong lalaki sa kasamahan nito. Tumungo ang lalaki sa isang silid, marahil ay para makapagpahinga dahil nga nalasing na ito sa ininom nilang tatlong bote ng Emperador.

The Triumvirate Racers (Book 2): Yzzabelle ClayworthBasahin ang storyang ito ng LIBRE!