Chapter 28: Second Time Around
A/N: Please play the video on the right side. Lol. I love this song so much. Para naman ma-feel niyo iyong first part.
Georgina’s POV
“I'm so unpredictable, just like you used to be So unemotional, boy I can't forget the way you were with me I don't know what to tell you know It's always harder this second time around” -Second Time Around; Lady Gaga
Halo-halo ang mga nararamdaman ko ngayon. Naiisip ko na parang isang malaking sugat ang buo kong katawan at biglang pinaliguan ng alcohol. Mahapdi hindi ba? Sobrang hapdi na mapapaiyak ka ng sobra sa sakit. Akala ko wala nang mas sasakit pa sa naramdaman ko noong una kaming maghiwalay ni Ken. Nitong huling dalawang buwan, umasa ako na hinding-hindi na ako kaya pang saktan ni Ken. Pinaniwala ko ang sarili ko sa isang ilusyon na pagmamahalan at saya lang ang pagdadaanan namin ni Ken. Nakalimutan ko na naman na hindi lang puro kaligayahan ang hatid ng pag-ibig. Nabulag na naman ako sa mga magagandang nangyayari sa takbo ng buhay pag-ibig ko at nagpadala sa mga emosyon ko. At naklimutan kong mag-ingat. Maghinay-hinay.
Nakalimutan kong may manipis na linya lamang na naghihiwalay sa kaligayahan at kalungkutan. Nakalimutan ko na hindi puro rosas ang buhay, may mga panahon na mahahawakan mo ang mga tinik sa di inaasahan na oras. Pero huli na ang lahat. Nasaktan na naman ako. Naloko. Umiiyak. Sawi. Tumatakbo ng mabilis papalayo sa taong pinaglaanan ko ng lahat ngunit binalewala lang ako at niloko. Ngunit sa kabila ng sakit na pumipiga sa puso ko ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na kaya pa rin akong saktan ni Ken. Lagi na lamang ba akong ganito? Naiiwan? Ipinagpapalit sa iba gayong wala naman akong ibang ginawa kundi ay magmahal ng totoo at hindi nagkulang sa papaparamdam niyon.
Minsan, unfair talaga ang buhay. Kung sino pa yung matino at seryosong nagmamahal, siya pa yung maloloko, iiwanan at sasaktan. At kung sino pa yung naglalaro lang, siya pa yung nakakatulog ng maayos, nakakagawa ng kung anong kalandian sa iba. Unfair. Sobrang unfair.
Buti pa si Augustus Waters, napakaswerte pa rin niya kahit na may terminal illness na. May isang Hazel Grace Lancaster na nagmahal sa kanya ng lubos at totoo. Hindi siya niloko. Hindi siya nito sinaktan kagaya ng ginawa sa akin ni Ken. Alam kong mali na ikumpara ko ang buhay ko sa isang fictional young adult novel, pero hindi ba’t di naman gaanong nalalayo ang mga kwento roon at sa totoong buhay? Hinahangaan ko ang optimism ni Gus, napaka-positibo ng kanyang pananaw sa buhay pag-ibig. Hindi siya ideal kung mag-isip. Isa siyang realist.
“You don't get to choose if you get hurt in this world...but you do have some say in who hurts you. I like my choices.”
Isa iyan sa mga linyang pinakapaborito ko at tumatak talaga sa akin. True enough, pain and hurt are both inevitable. Sino ba naman ang hindi pa nasaktan hindi ba? Ngunit ang pinakamasakit tanggapin ditto ay kung sino pa yung taong minamahal mo ng lubos at nangakong hindi ka na ulit sasaktan pa ay nakalimot na. Nakalimutan niyang nangako siya na hinding-hindi ka na luluha pa.
‘Ken, nakalimot ka. Sinaktan mo ulit ako. At ito ang pinakamasakit sa lahat ng masakit.’
Pagkadating ko sa may car park ay may humablot sa kamay ko.
“George, wait.” Hingal na hingal na sambit ni Ken.
Mugtong-mugto ang mga mata ko, pulang-pula na ang mukha ko sa kakaiyak. Halos hindi na rin ako makahinga ng maayos sa paglakad-takbong ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Just Love Me Again ~HyunZy Story
General FictionWARNING: **There are sexual scenes and explicit languages in some chapters that may not be suitable for your liking. If you happened to hate such themes on stories you read, might as well back off now for you're in the great doom of your life-- taki...
