Huminga ng malalim si Olivia at dinial ang numero ng binata.  Alam niyang nangako siya rito na huwag na huwag tatawag habang kasama niya si Diana pero hindi niya mapigilan. This is his wedding day! Balak niya bang sirain ang buhay niya? 

Umupo siya at hinawakan ang kanyang ulo para mag-isip.

Bahala na. I need to stop this wedding.

Tumayo siya at agad na kinuha ang bohemian dress na binigay ni Jack. Sinuot niya iyon pati na rin ang flat shoes na binigay nito. Inayusan niya ang sarili sa harap ng salamin gamit ang malamig na kamay. She's scared of what will happen today. 

Dalawang oras at kumatok si Jack. Gaya nila, nakasuot ito ng suit at tie na mas nagpatingkad sa pagiging moreno niya. Tamad itong nakatingin sa kanila at tumikhim.

"Are we good?" tanong ni Jack. 

Tumango si Olivia at kinuha ang pouch niya. Nakasimangot naman si Tori na nagakad papalabas para sumakay sa private chopper na susundo sa kanila. 

"Saan ka naman nakakuha ng ganito?" Tanong niya sa kapatid habang sinusuot ang seatbelt. Nakaupo si Jack sa una katabi ng piloto habang silang dalawang babae sa likuran. 

"You have so many questions, Tori. We'll be there in fourty five minutes. The wedding will start at eighteen hundred." Pagapapaliwanag ni Jack at iniabot ang isang envelope sa kanilang dalawa. Seryoso siyang natingin at nagsasalita sa kanyang headphone. 

"There are police men in the area to protect Olivia. You do the arrest since you are the officer-in-charge, Tori."

Naguguluhang binuksan ni Tori ang envelope at nakita doon ang isang legal na warrant of arrest.  Nanlaki ang mga mata nito habang binabasa iyon. 

"You want to stop the wedding by arresting the bride? Is that your plan?" Tanong ni Tori.

Tumaas ang kilay ni Jack at tiningnan si Tori.

"That's the only plan that is sensible, right now. What would you rather do? Shoot-out para matigil ang kasal?" Tanong ni Jack at binato ang isang paper bag sa kapatid. 

"Wear your uniform before doing the arrest to add effect."

Halos malaglag na ang panga ni Tori sa plano ni Jack. She gets that it is according to the law and the only way that is  the most legal to stop this wedding pero may mga bagay na hindi malinaw sa kanya. 

"How can you plan this alone? I hate you, Jack! You should have informed me! Saang judge ka humingi ng warrant at hindi mo man lang ako iniinform ganoong ako ang in-charge?" Nangaggalaiting tanong ni Tori. 

"Have you forgotten, Tori. Our father is a judge. A very popular and capable judge to be exact."

Hindi maiwasan ni Olivia ang mapangisi sa plano ni Jack. This is kind of excellent. 

"Paano ang mga ebidensya? Paano kapag hinanap sa atin iyon?" tanong ulit ni Tori. 

Naiiritang humarap si Jack kay Tori. 

"Do you think I never planned that? You are insulting me, Tori. Huwag kang mag-alala. There are already witnesses who can testify in the court."

May mga testigo na rin? Hindi makapaniwala si Olivia sa bilis ng pagkakaplano ni Jack doon. May kaunting pag-asa ang sumibol sa kanyang puso. Parang sa mga sinasabi ni Jack, nabubuhay ang kanyang tapang na saglit na nawaglit sa kanya. 

"I have suspicions regarding this, Jack. How can you plan this excellent plan alone? How could you gather witnesses that fast? How could you not inform me? Hindi ba team tayo rito?" 

Bulletproof (Querio Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora