💥Mga Kaibahan ng salita 2💥

729 12 3

21. NANG at NG

Nang - pangatnig na panghugnayan

- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon

- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit

Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana

- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
- pang-ukol na kasingkahulugan ng "sa"

A. NANG

Makikita sa unahan ng pangungusap

Halimbawa:

1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.

2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.

Gamit sa pang-abay na pamaraan(adverb of manner).

Halimbawa:

1. Lumakad siya nang dahan-dahan.

2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.

Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.

2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

B. NG

Nagsasaad ng pagmamay-ari.

Halimbawa:

1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.

2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Tandaan:

Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap.

22. KATA at KITA

Kata - ikaw at ako

Kita - ikaw

Halimbawa:
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.

23. KILA at KINA - Walang salitang kila. AngKina ay maramihan ng kay.

Halimbawa:
Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

24. Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y).

Halimbawa:

Pumunta ka rito.

Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.

Nag-aaway raw ang mga bata.

Maliligo rine ang mga dalaga.

Patungo roon ang mga kandidato.

Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sakatinig (consonant).

Halimbawa:

Sa ilog daw maliligo ang mga binata.

Pupunta rin dito ang mga artista.

3. Yayaman din tayo balang araw.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.

Halimbawa:

Dito ba tayo maghihintay?

Doon na tayo mananghalian sa bahay.

25. KUNG at KONG - Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari

Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.

26. KUNG DI at KUNDI - Ang kung di ay galing sa salitang " kung hindi" o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.

Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

27. HAGDAN at HAGDANAN - Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

28. IKIT at IKOT - Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.

Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

29. HATIIN at HATIAN - Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.

Halimbawa:
Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

30. NABASAG at BINASAG - Ang salitangnabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasagnaman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

Halimbawa:
Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.

31. BUMILI at MAGBILI - Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta

Halimbawa:
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

32. KUMUHA at MANGUHA - Kumuha- to get;Manguha - to gather, to collect

Halimbawa:
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

33. IWAN at IWANAN - iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/dalhin; Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.

Halimbawa:

Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.

Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.

34. TUNTON, TUNTONG at TUNGTONG - Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali. Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng anumang bagay.

Halimbawa:

Hindi Makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.

Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta

35. PUTULIN at PUTULAN - putulin ay ang pagputol ng isang bagay samantalang angputulan ay ang pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.

Halimbawa:

Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.

Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang ating bougainvillea.

36. TAWAGIN AT TAWAGAN - ang salitangtawagin ay ginagamit para palapitin ang isang tao o hayop; Ang tawagan ay ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang isang tao.

Halimbawa:

Tawagin mo na si Connie, kakain na.

Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.

Wastong Gamit (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon