My Inspiration

3 0 0
                                    

Gusto ko mang itago ang liwanang sa mukha ko, di ko magawa. Kahit nakakaasar iyang si 'pol, bestfriend ko yan, di lang halata. Ang kulit kasi! Totoo nyang pangalan is John Paul.

Paul and I met here three years ago, short period of time, eh? Pero gano'n talaga, unang pagkikita pa lang, we clicked!

We're like brothers, he can see right through my eyes and I can see right through his actions.

Gawa nga kasi nang kakulitan niya, walang may nakakaalam na may mataas na pangarap sa buhay si 'pol.

People thought of him as a clown. But the first time I laid my eyes on this guy, may naramdaman akong pangungulila, iyong tipong gusto niyang maglabas ng sama ng loob kahit isang beses man lang. Kaya di ako nag atubiling lapitan siya unang pasok ko pa lang dito sa café.

Kung siya makulit, ako naman, ta-hi-mik. Nagsasalita din naman ako, pag nakuha ng orders, pag nagbibigay ng sukli sa counter, bumabati sa customer, bumabati sa mga superiors namin, bumabati pag may nabati rin sa'kin, mga gano'n.

Di ako loner! Sadyang I just don't seem to fit in, when I actually fit in. I mean, di naman ako alien? Pero di lang talaga palasabi. Kaya etong si 'pol, ako araw-araw ang kinukulit, way of pasasalamat daw niya at kinausap ko siya ng matino. Ang kulit kasi kaya di siya naiintindihan ng iba.

Nandito na ako sa counter, hinihintay ko nalang makabalik si 'pol para makuha ang order ng aking prinsesa at nang di siya mainip do'n. Ano'ng aklat na naman kaya ang sinusubaybayan niya ngayon?

"Tulala ka na naman Molina."

Napapitlag ako ng marinig ang boses ng Manager ng second division; ang manager namin, si Miss Elvie.

"G-Good morning po! Miss Elvie pasensya na po!" Natatarantang bungad ko kay Miss. Hindi naman strikta si Miss eh sobrang bait pa nga nyan, sadyang nakakahiya lang talaga!

"Hm, good morning din. Siguro nasa taas na naman ang 'Princess' mo ano?" Nakangiting saad ni Miss at napatawa pa siya ng bahagya nang tumungo ako, ah! nakakahiya talaga.

"Haha, sorry, baka nga pala may makarinig. Anyway, may sasabihin lang ako sa'yo kaya napunta ako dito sa counter. Nag request sa'ken si Miss Rachel kung puwede ka ba daw mamaya mag perform kasama ang band. Mukhang wala na daw kasi balak bumalik no'ng guitarist nila before," pahayag ni Miss sa akin.

Nagtataka ako kung bakit biglaang nangyari ito, mabuti naman ang samahan ng banda ah, kahit may kunting hindi lang pagkakaintindihan, inaayos nila agad para matiwasay at masaya silang haharap sa audience.

"Ayos lang naman po, Miss. Nakakapagtaka lang po kung bakit biglaan, usually naman po chine-check muna ni Miss Rachel schedule ko po dito tsaka niya ia-adjust sa guesting ko po sa kabila. Malaki po ba problema ng banda?"

Can I be HimWhere stories live. Discover now