Chapter Thirty

578K 12.2K 1.3K
                                    

THIRTY

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin na para bang isa akong kaaway na napadpad sa teritoryo niya. Pinipigilan ko ang damdamin ko na sumabog. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak at higit sa lahat, pinipigilan ko ang sarili ko na ipakita sa harap niya na mahina ako. Na napaglaruan lang niya ako.

I aggressively wiped the tears fell in my cheeks and raised my chin and look at him fiercely.

"Montemayor ka nga pala." Sabi ko sa kanya. Sinadya kong tonohan ang boses ko. Gusto ko siyang sapakin, gusto ko siyang pagsusuntukin, gusto ko siyang murahin pero bakit parang hindi ko magawa? Bakit parang may pumipigil sa sarili ko na gawin ang mga bagay na iyon?

"So what if I am a Montemayor?" Nagulat ako sa tono ng pananalita niya. I sense bitterness.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Ano nga ba kung Montemayor siya?

"Are you here to accuse me infidelity?" Tumawa siya ng mahina. Naiyukom ko ang mga palad ko sa galit.

I bit my lower lip to suppress my emotion.

"O nandito ka para ipamukha sa akin na mas lamang ang Sy na 'yon sa akin?" Natigilan ako sa sinabi niya.

"A—Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Ano ang pinagsasabi ko? So you're denying him? How sad to his part." Then he suddenly grabbed my wrist.

"Ano ba?! N—Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya akong hinatak papasok sa unit niya at sinara ng malakas ang pinto.

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Binitiwan niya ang kamay ko at ramdam ko ang pananakit noon.

"Then explain these things to me." Then he throw me an envelope. I stared on it for a minutes.

Pero pagkuwan ay dinampot ko rin iyon. Naiyukom ko ang mga palad ko ng makita ko kung ano ang laman noon.

It me and Andrew. It's the scene where he kissed me in my cheek, pero sa angulong iyon ay nakatalikod ako sa kamera kaya parang magkahalikan kami. May iba't ibang angulo rin at lahat ng iyon ay parang sinadya.

"You are being cliché, Greg." Sabi ko sa kanya habang napapailing.

"I am not, hindi ako ganoon kababaw para maniwala diyan." Sabi niya sa akin. Bigla ulit akong natigilan.

"But he told me that those pictures are true. Inamin niya sa akin na hinalikan ka niya at hindi ka man lang nagalit. I couldn't believe that you were that low. Nasa loob din pala ang kulo mo, katulad ka lang din pala ng iba—" I slapped him.

At hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Hindi ko napigilan ang galit sa dibdib ko.

"You are judging me because of those pictures? Nagawa mo na bang magtanong sa akin? Tell me Montemayor, nagawa mo bang tanungin kung ano'ng meron diyan sa mga walang kwentang litratong 'yan? Ang kapal ng mukha mo Greg, ang kapal." Sabi ko sa kanya.

"Ako pa ngayon ang lumalabas na masama? Tangina lang, nakipagsuntukan ako sa mga lasenggero sa kalye ng dahil sa'yo! Dahil hindi ko maisip na 'yong babaeng mahal ko—"

"Ay niloloko ka?" Natigilan siya sa sinabi ko.

"You are so unpredictable Greg. You are so immature." I said to him.

Tinitigan niya lang ako at ganoon din ang ginawa ko. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtulo ng mga luha ko. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling iiyak sa harapan niya na hinding hindi na ulit ako masasaktan ng dahil sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon