Love and Hate

24.4K 339 12

Prologue

 

 

“Sawang sawa na ako Mia! Sawang sawa na ako sa lahat ng to!” pinagbabato nya ang mga gamit.

 

 

“Anong akala mo? Ako ba hindi nagsasawa sa panlalait ng pamilya mo?! Tyler I have tried! I tried so fcking hard para maappreciate ako ng pamilya mo!” nagsimula narin akong ibato ang kahit anong mahagip ng kamay ko.

 

 

Hindi ko na alam kung anu-ano ang mga binato namin, natahimik kami parehas nung mabasag ang isang malaking picture na nakasabit sa sala. Picture naming dalawa iyon, We looked at each other like we were asking ‘what happened?’

 

 

“You know what? Let’s just stop here.” Napatingin lang ako sakanya.

 

 

Lumabas ako ng bahay, I didn’t know why I did that, nakita ko ang sarili ko na palabas ng convenience store, may dalang plastic ng alak. Nung makarating ako sa bahay, nakita ko si Tyler. Kinakarga ang mga maleta nya sa trunk ng kotse nya. He looked at me, from head to foot with pity.

 

 

Nilagpasan ko sya at naglakad papasok ng bahay, pero bago pa ako makapasok, naramdaman ko ang paghablot sa kamay ko. Marahas akong napaharap sa taong humblot ng kamay ko. Pagkaharap ko, isang malakas na sampal sa pisngi ko ang sumalubong saakin.

 

 

Sinampal ako ng mommy ni Tyler. I couldn’t do anything, I just stood there.

 

 

“Sisirain mo lang lalo ang buhay ng anak ko! You worthless gold digger! Wala kang kwenta at kahit anong gawin mo, hinding hindi magbabago ang tingin namin sa’yo!” pinagsasabunot ako ni Tita Darlene pero wala parin akong ginagawa. I was too tired, I was too hurt para ipagtanggol pa ang sarili ko.

 

Tyler came and stopped her mom, pinasakay nya ito sa kotse. Tyler gave me one last look, blanko, walang emosyon.

 

Then and there,  I knew.. hindi na nya ako kayang ipaglaban, ayaw na nya akong ipaglaban, dahil WALA. AKONG. KWENTANG. TAO.

 

 

========================================================================= 

Love and Hate

by Ysamocha

June 29, 2014

Agápe kai MiseóTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon