Maaaring mga pamilyar o di pamilyar na salita ang makikita ninyo dito.
🍩 alingasngas - usap-usapan
🍩 bihasa - eksperto; sanày
🍩 kinakatigan - pinapanigan;kinakampihan
🍩 malamlam - mapungay;malabo
🍩 mapanibughuin - seloso
🍩nag-ibayo - tumitindi
🍩nagkukumahog - nagmamadali
🍩 nagpatumpik-tumpik - nagpabagal-bagal
🍩 nanlilimahid - maruming-marumi
🍩 natitigatig - nayayanig
🍩 naulinigan - narinig nang bahagya
🍩pabuya - premyo; bigay kapalit ng tulong
🍩pagkakarinyoso - pagkamalambing
🍩 pakana - plano
🍩 palikuran - kubeta
🍩 pangingimbulo - pagkainggit;pagseselos
🍩 patid - tigil;hinto;putol
🍩 pinakakalansing - pinatutunog
🍩tiktik - espiya
----
written by: hanuelkim
©All Rights Reserve 2018
Vote 📒Share📒Comment

BINABASA MO ANG
Wastong Gamit (Completed)
Non-FictionMatuto ng mga dagdag kaalaman tungkol sa wastong gamit ng mga salita, kataga, pananda at marami pang iba. Kung nais niyo pang madagdagan pa ang inyong mga kaalaman upang makasulat ng isang maayos at magandang kuwento sa wikang Filipino. Ito ay magan...