Chapter 1: He is a Mafia boss

17.4K 221 7
                                    







Busy akong gumagawa ng project sa kalagitnaan ng gabi. Tumingin ako sa bintana dahil sa ingay ng aso ng aming kapit bahay. May nakita akong lalaking naka motor, naka sunglasses at face mask sya. Bago pa man sya maka alis ay tinitigan muna nya ako ng matalim at inalis ang kanyang sunglasses, nangatog ang aking binti. Dali dali nyang pina-andar ang kanyang motor papalayo. Ilang minuto lamang ay nagkakagulo na sa labas, nagtakha ako kaya agad akong bumaba para tingnan ang nangyayari.

Pinagkukumpulan nila ang isang lalaking naliligo sa sarili nyang dugo. Yung lalaking iyon, sya ang may kagagawan nito! Ang natandaan ko lang ay ang kanyang motor na kulay pula at itim, pero ang kanyang mukha? malabo.

Nagsidatingan ang mga pulis, may ambulansya at kung anu-ano pa. Nakaka kilabot, baka ako ang isunod nya.

"Ashley!" sigaw ng isang lalaki na tumatakbo. Si Kean.

Hingal na hingal syang lumapit sa akin. "Kamusta? nasaktan ka ba? anong nangyari?" tanong nya sa akin habang hawak hawak ang aking balikat.

Umiling ako saka sya nginitian. "Okay lang ako. Naabutan lang namin yung lalaki na naliligo sa sarili nyang dugo." sabi ko.

"Wala man lang nakakita kung sino ang may gawa?" nagtatakhang tanong nya.

"W-wala." pagtanggi ko, natatakot ako na baka madamay ako. Hindi pa naman ako sigurado na yung lalaking iyon ang may kagagawan pero malakas ang kutob ko na sya.

"Pumasok ka na sa loob, Ash." utos nya sa akin. Tumango lamang ako.

"Goodnight, wag mo nang isipin ang nangyari." sabi nya saka tinapik ang aking balikat.

"Goodnight, thank you." balik ko saka sinimulang maglakad pabalik sa loob ng bahay.

Humiga ako sa kama saka tiningnan ang kisame, natatakot ako.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag unat ako saka bumangon. Ginawa ko ang aking daily routine saka nagpaalam kay mama na aalis na.

Nakipaglaban ako sa usok at init bago nakarating sa aking paaralan.

Biglang may umakbay sa akin habang naglalakad.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nya sa akin.

"Oo naman, hindi naman ako apektado sa nangyari." pagsisinungaling.

"Grabe! delikado na talaga sa lugar na iyon, guys!"

"Nabalitaan nyo na ba yung nangyaring pagpatay kagabi?"

"Nasa balita na yung patayan."

Naririnig namin ang usap usapan sa aming nadadaanan.

"Sana mabigyan ng hustisya." sabi ni Kean.

"May cctv naman diba?" naganahan kong tanong.

"Hindi daw nabuksan ang cctv kagabi sabi ni kapitan." panghihinayang nyang sagot. Bumuntong hininga ako.

"Mukhang hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng lalaki lalo na't walang naka kita sa nangyari." dagdag nya. May alam ako, pero hindi ko magawang ilabas dahil natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Napapadalas na kasi ang patayan sa aming barangay.

"Mukha nga." sabi ko. Pumasok na kaming dalawa sa classroom saka umupo. Matagal na kaming magkaibigan nitong si Kean.

"Ash! Kean! alam nyo na ba ang bagong balita?" salubong na tanong ni Danicca.

"Yep, creepy." sagot ni Kean. Tumango lamang ako. Tumabi sya aming tabi saka nagkuwento. Halos concern na concern ang lahat sa nangyari dahim kapwa college student din namin ang pinatay at kaschoolmate din namin.

Napaka bilis ng oras, uwian na. Naghiwalay na kaming tatlo. Si Nicca daw ay makikipagdate sa boyfriend nya, samantalang si Kean ay maglalaro ng basketball. Sanay naman na akong umuuwi ng mag-isa, hindi na bago sa akin iyon.

Nakalabas na ako ng school at naglalakad sa walang katao taong lugar. Bumilis ng tibog ng puso ko ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig. Isang naka itim na lalaki, matalim ang tingin nya sa akin. Nakikita ko sa kanya yung lalaking naka motor kagabi! Yung singkit nyang mata, kahawig sa lalaking nakita ko.

Hinila nya ako papasok ng sasakyan, hindi ako makasigaw dahil tinakpan nga nya ang aking bibig gamit ang kanyang palad. Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa akin kaya wala akong kawala. Tumaas ang aking mga balahibo. Nakakatakot sya. Pinaharurot nya ng mabilis ang sasakyan.

"Sino ka? saan mo ako dadalhin?" tanong ko. Hindi nya ako sinagot.

"Ikaw ba yung lalaking naka motor kagabi? ikaw ba yung pumatay sa kapit bahay namin?!" dagdag kong tanong, hindi ko mapigilang hindi mapa sigaw.

"Yes." maikli nyang sagot habang diretsong naka tingin sa daan.

"Ang kapal ng mukha mo! Dapat sayo ay makulong!" galit kong sinabi sa kanya. Pagkatapos ng nangyari ay may gana pa syang magpakita?

"Papatayin muna kita bago ako makulong." mahinanon nyang sinabi. Nangatog na naman ang tuhod ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang baril na nakatutok sa aking ulo. Naiiyak ako, wala akong kalaban laban sa lalaking ito. Tinted ang sasakyan. Naka lock ang pinto, mukhang mamamatay na ata ako dito sa loob. Namalayan ko din na naka hinto na ang sasakyan, nandito kami sa hindi matukoy na lugar. Tinanggal nya ang kanyang seatbelt saka lumapit sa akin. Dikit na dikit na ako sa salamin dahil palapit sya ng palapit sa akin. Natatatili pa ring naka tutok ang baril sa akin.

"Be my wife." malamig nyang sabi. Nakatitig ang seryoso nyang mata sa akin.

"Or I'll kill you?" dagdag nya, tumulo na ang mga luha sa aking mata.

Ano ang pipiliin ko?

Hate the sin, Love the sinner. (Sex with the Mafia Boss) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon