Page 2.

166 91 39
                                    

Chapter 2: A Nightmare?

"Happy Birthday Stephen!" bati nang lahat sa akin. Si mommy, si Claire at Luke. Ang mga kaklase ko at ang matandang lalake na nasa harapan ko.

Sino siya? Ano ang ginagawa niya dito?

"Stephen, my son." sambit nang matandang lalake at niyakap ako ng mahigpit.

 Ibig sabihin siya si Dad?

"Happy Birthday son!" bati niyang muli.

Dapat ba akong magalit sa lalakeng ito. Ang nang-iiwan sa'min ni mommy. Ngayon ko lang siya muling nakita. May bigote. Malalim ang boses. Black long-sleeve at white pants. May relo at kuwintas na suot.

Siguro ay nagpayaman na muna siya kasama ang bago niyang pamilya. Ang kapal din nang mukha niya na bumalik pa. Pero nagpigil muna ako sa aking emosyon dahil si Mom ay masayang-masaya at ayaw kong matanggal ang ngiti sa labi niya.

"Salamat po sa inyong lahat." sambit ko at sabay ngiti.

Hinanap ko si Cindy sa mga taong nasa paligid ko. Pero wala kahit anino man lang niya. Nagulat ako nang may kumalabit sa aking likod.

" Kanina mo pa ba ako hinahanap Stephen? " tanong niya sa akin at ngumiti.

Hindi ako nakapagsalita dahil nasa harapan ko na siya ulit. Ibig sabihin ay magaling na siya. Nagkamali lang siguro si Claire at Luke. Hindi pa patay si Cindy. May hawak siyang regalo at inabot niya ito sa akin.

"Cindy salamat sa regalo mo. Dapat hindi ka na nag-abala." usal ko sa kaniya habang hawak ang kaliwang kamay niya at ang isa kong kamay sa regalo.

"Okay lang. For sure magugustuhan mo yung birthday present ko sa'yo. " paliwanag niya at binitiwan ang kamay ko upang hayaan akong buksan ang regalo.

Blue wrapper and ribbon. Square shape. Hindi kabigatan at kalakihan ang regalo niya. Nag-umpisa akong tanggalin ang ribbon at tsaka pinunit ang gift wrapper.

Ha?

Dapat ba akong matuwa sa regalo ni Cindy? Bakit nandito ito? Bakit ito ang regalo niya? Ang libro. Ang libro na nagpahirap sa kaniya.  Bakit nasa kan'ya ang libro? Naguguluhan na ako.

Tumingin ako kay Cindy. Nag-iba ang tingin niya. Naging matalim na parang kayang makatusok. Nagulat din ako sa paligid ko. Madilim at nawala na sila mom at dad pati na rin ang mga kaklase kong masaya kanina.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Cindy. Hindi ako makagalaw. Nagulat ako nang mapansin kong naka-suspend ang katawan ko sa ere. Pinipilit kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Halos mapapikit ako nang nasa harapan ko na ang mukha ni Cindy na kung titignan mo ay tila masusuka ka. 

Nagsalita siya na kinabigla ko.

"Stephen, nasa tabi mo lang lagi ako." bulong niya sa aking kanang tainga.

Nanikip ang dibdib ko. Nag-umpisa akong humiyaw dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking likod. Parang katulad sa nangyari sa likod ni Cindy.

Mas lalong sumakit at sumigaw ako ng sobrang lakas.

"Tamaaaaaa naaaaa!!!"


Nagising ako nang biglang may yumugyog sa akin at nagsalita.

"Anak, Stephen gumising ka!" bulalas ni Mom na nasa tabi ng kama ko.

Naaninag ko ang mukha ni Mom kung kaya't napanatag ako. Panaginip lang pala ang lahat. Pawis na pawis ako at pinunasan nang bimpo ni Mommy iyon. Parang totoo lahat ang panaginip ko. Simula sa surprise nila sa'kin hanggang sa magbago ng anyo si Cindy at sa sakit na nararamdaman ko. Hinawakan ko ang likod ko ngunit wala naman nangyaring kakaiba rito. 

Naalala ko ang librong regalo niya para sa akin. Ang librong ayaw ko na muling mahawakan. Umupo ako sa kama at gayundin ang ginawa ni Mommy. 

"Anak nanaginip ka na naman ba ng masama?" tanong ni Mom.

"Opo Mom. " maikling sagot ko. Ayaw ko nang pag-usapan ang napanaginipan ko.

"Anak magpahinga ka na. Dito muna ako matutulog sa tabi mo. Okay lang ba sa iyo?" tanong niya na animo'y naglalambing at humiga siya sa kama ko.

Mas mabuti pa nga siguro. Mas gumagaan ang pakiramdam ko pag nakakatabi ko si Mommy sa pagtulog. Nakakahiyang isipin pero isipin na nang iba ang gusto nilang isipin. Mama's Boy. Tsk. Hindi lang nila alam kung gaano kasarap magmahal ang isang ina.

Bago ako humiga ay halos mahulog ako sa aking kama. Nababaliw na ata ako.

Hindi na talaga ito panaginip. Totoo na ito. Dumako ang tingin ko sa table ko. 

Ang libro.

Ang libro na itinapon ko sa basurahan malapit sa school.

Ano ba ang nangyayari? Mababaliw na ata ako.

Panaginip lang ba ito o nasa totoong mundo pa ba ako?


Gusto ko nang magising!!

The BookWhere stories live. Discover now