Chapter 12

6.3K 228 50
                                        

Walang ingay na pinakinggan ni prinsesa Mia-Ashly ang dalawa sa loob ng opisina ni Valerie.

Agad na sumunod siya pagkaraan na mahuli ng huli ang lalaking guro.

Tahimik siya nakasandal sa likod ng bookshelves at alam niya batid na iyun ni Valerie na naroroon siya.

"So? Sir Axel Jax..care to tell me kung bakit ka nandun?" umpisa ni Valerie sa magaan na tono.

Tumikhim ang guro na si Axel Jax.

Dinig na dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito.

Ohh..kabadong-kabado siya!

"Ma'am..alam ko na batid niyo ang tungkol sa pagkagusto sakin ni Ma'am Nimfa..I try to avoid her these past few days kaya..kaya doon ako nagkukubli tuwing hapon,uh,naisip ko kasi dun lang sa lugar na yun hindi ako masusundan ni Ma'am Nimfa...alam kong nilabag ko ang rules ni Ms. Esferial kaso wala akong choice kundi magtago roon.."mahaba nitong paliwanag.

"Bakit mo naman siyang pinagtataguan?" tila nanunubok na saad ni Valerie.

Muling tumikhim ang guro.

"Ayaw ko po sana magsalita ng hindi maganda sa kapwa kong guro pero sa palagay ko po kasi inuubos na niya ang oras niya sakin..uh,yun lang po naisip ko din paraan."

"Obssesion,I see.." komento ni Valerie.

Kung ako sayo,mahal na prinsesa kumilos ka na bago pa may mabaliw sa mate natin...

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Tatanggapin ko po ang kaparusahan sa paglabag ko po sa rules na yun,Ma'am.."saad nito at mahihimigan ang pagsisisi at kabiguan.

Napasulyap siya sa kinaroroonan ng mga ito.

Nakatalikod sa kanya ang binatang guro at nakaharap naman sa kanya si Valerie.

Maingat na lumabas siya sa likod ng bookshelves at pasimple na tumingin sa kanya si Valerie.

"May gusto akong ipagawa sa kanya kapalit ng paglabag niya sa rules ko.." Pagkonekta niya sa isip nito.

Ngumiti ito na may kislap ng pagkamangha. Tila may nadiskubre ito na hindi niya sinasabi rito.

"Well,about that,Mr.Shuck..si Ms.Esferial lang ang makakapagsabi kung anong consequence mo sa paglabag mo sa rules niya.."saad nito sa binatang guro.

"Yes,Ma'am.."agad na tugon nito.

Agad na nagkubli siya sa likuran ng book shelves ng tumayo na ang binatang guro.

"We'll see you tomorrow then.." anang ni Valerie.

"Yes,ma'am.."

Narinig na niya ang pag-alis nito.

"So,may hindi ka po ba sinasabi sakin,Mahal na prinsesa?" bigla pagsulpot nito sa gilid niya.

May ngisi na nakapagkit sa mga labi nito. May kislap ng panunukso at pagkamangha.

Humarap siya rito.

"He's my mate," matapat niyang sabi rito.

Lumapad ang pagkakangisi nito.

"Sabi na eh! Wow! Kung ganun bakit hindi ka magpakita na sa kanya?" anito na puno ng pagkamangha sa nalaman nito.

She heave a deep sighed.

"Iyan nga ang pag-uusapan natin..pagkakataon na rin ang ginawa niyang paglabag sakin para magpakita na ko sa kanya.." aniya.

Lalo itong nasiyahan sa sinabi niya.

Hay~ mabuti naman,mahal na prinsesa. Pinasaya mo ako talaga sa desisyon mong yan akala ko aabutin pa ng isang taon yan pag-iisip mo eh..

"Ipabatid niyo sakin kung ano ang nais niyong ipagawa sa kanya at tutulong ako ng buong puso para sa happy ending niyo ni Sir Axel Jax," may himig na panunukso nitong sabi sa kanya.

Isang nahihiyang ngiti ang pinukol niya rito.

Masyado pa maaga para maisip niya na magiging maganda ang takbo ng pagkikita nila ng mate niya.

Pero aaminin ng prinsesa na nasasabik na siyang na sa wakas ay magkikita na sila. Makikita na siya ng lalaking itinakda sa kanya sa unang pagkakataon.

Dapat maging maganda ka,mahal na prinsesa!

Nakaramdam ng pagkailang ang prinsesa sa sinabi ng wolf niya.

Kailangan pa ba niyang gawin yun?

Hindi siya komportable na gawin iyun gaya ng ginagawa ng mga kababaihan. Ang magpaganda at maglagay ng kung anong makulay sa mukha ng mga ito.

Hmm,sabagay natural na maganda naman na kayo,Mahal na prinsesa. Hindi na siguro kailangan yun.

Sumang-ayon siya sa sinabi ng wolf niya.

Kung ano man ang magiging reaksyon nito sa pisikal na anyo niya wala siyang magagawa roon kung hindi man ito magagandahan sa kanya.

Isa lang ang nais niya. Ang makilala lang ang lalaking itinakda sa kanya. Ang subukan na baka posibleng magustuhan siya nito. Kahit bumalik siyang mag-isa sa mundong-Colai atleast sinubukan niya na hindi niya pagsisihan sa huli.

Take a risk,ika nga.

Kung hindi mo susubukan o susugal pagsisisihan mo iyun sa huli dahil naging duwag ka.



The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon