For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Kabanata 30

262K 16K 8.7K

Kabanata 30

Alone

I woke up from a deep sleep. Dumilat ako at nakita ang pamilyar na cove lighting ng kuwarto namin ni Kajik sa kanyang penthouse. My head is not throbbing anymore but my eyes are sleepy.

Bumangon ako at napansin ang nakatapis na puting roba sa akin. I paused for a moment trying to remember what happened. I sighed after.

Nakatulog ako sa byahe. Hindi iyon ganoon kalayong byahe kaya nasisiguro kong kalahati ng tulog ko, sa kamang ito na naganap. Kajik probably carried me here. The thought of his strong arms enduring my weight effortlessly made me grin.

But wait... where is he?

Pumunta ako ng banyo, inaakalang naliligo lang siya dahil may naririnig ding tubig kung saan, pero wala siya roon. I freshened up as I realize that he may be in the pool.

Tama ako. Dumungaw ako sa bintanang nakatunghay sa pool ng unang palapag ng penthouse. I saw him there swimming like an angry shark cutting through the waters. Despite the lack of proper lighting in the night, I saw how his shoulders move through it over and over again. I smirked.

Inayos ko ang roba at nagmadali na sa pagbaba. My heart hammered when I came closer to his all sudden rough movements on the infinity pool. What a sight. Kung ganito ang tanawin ko araw-araw, gabi-gabi, wala na akong hihilingin pang iba.

Tumigil ako sa hamba ng malawak na glass door na ngayon ay bukas. Humalukipkip ako. Hinilig ko ng patagilid ang aking ulo sa hamba habang pinagmamasdan ang aking asawa.

He stopped when he noticed me. I saw his jaw clenching. Ngumuso ako at lumapit na. Umahon siya at dumiretso sa malapit na lamesa para kunin ang kanyang tuwalya. His black shorts hugged his long powerful thighs. His wet hair was brushed by the waters.

"Not yet sleepy?" panimula ko sabay hawak sa kanyang mamasa masang braso.

He swallowed hard and tilted his head darkly while lowering his gaze on me. Ngumuso ako.

"Just letting off steam," he said in his usual baritone.

I sensed it. Marami siyang iniisip. Kanina ko pa napansin sa sasakyan, bago ako hinila ng antok. I wonder if it's about what happened in that bar? Sa bagay, nakita niya ako na nakikipag-usap sa mga lalaking iyon.

"I'm sorry. Are you mad at me?" malambing kong sinabi.

He sighed heavily. Umiwas ang tingin niya saglit at nang bumalik sa akin ang mga mata, pumalupot ang kamay niya sa maliit kong baywang.

"A bit..." he whispered as his eyes lowered more on my lips.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na nandoon sila, Jandrik. Sinasamahan ko lang si Cresia."

Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi ngunit iniwas niya iyon. Binitiwan niya ako at sumimsim siya sa nakalapag na baso ng tubig sa lamesa.

Ah! Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat sa ginawa niyang simpleng rejection. I know I am at fault. At siguro, masama talaga ang pakiramdam niya kay Byron. Well, looking back, I kissed that man while we were together. Kahit pa sabihing nagkakalabuan na kami roon at hindi ko naman nagustuhan ang nangyari.

I smirked. I cannot take his rejection seriously. Lalo nangayon bumaling siya at naninimbang sa gulat ko. Nagtatampo siya at gusto niyang magalit pero hindi niya naman kayang i-reject ako completely.

"Let's go upstairs and prepare for bed," he commanded coldly.

Ngumuso ako at umiling, defying his arrogance and command.

Ruling the Wild Waves (Costa Leona #7)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!