S2.12 Missing Piece

Ang adik ko lang sa kasal ni kuya Angelo as in baliw na baliw ako doon, unforgettable moment yun sa akin! Puno ng tawanan, biruan at higit sa lahat puno ng kilig moments. Natanga lang ako e, kung ano-anu sinabi ko dun sa ka-sweetan ni Dave, moment pa naman sana yun!

Nanligaw nga si Dave, halos twice a week sya pumupunta sa shop kahit hetic ang schedule niya sa work, kulang nalang gawin niyang jeep ang eroplano, effort talaga.

Oras-oras nagtetext o tumatawag, chinicheck ako kung nakakain na ba ako, tapos kinkantahan ako tru phone kahit sintunado. Pagpumupunta naman sa shop laging may dalang chocolates at bulaklak. tinuruan din nya akong sumasayaw, at ang pinakapaborito ko sa sayawan ay yung walts tas "moon river" ang tutog, ang sweet kasi lalo na pag nasa roof top kami.

Higit kumulang isang buwan na nang liligaw si Dave...

lala la lala♪♫

adik lang... nagpapa-hum ako habang nag-aayos sa buhok ko.

knock

knock

tapos pumasok si Lightto, ano naman kaya plano neto.

"Isaw! Date tayo!" tinapiktapik ako sa likod.
"Patawa ka ano?! remember..." sagot ko sa kanya.
"haha.. oo nga pala noh!" tumawa pa sya tapos bumulong "wala na pala akong pag-asa neto"
"ano sabi mo??"
"wala... sabi ko labas na tayo, naghihinatay na ang barkada."

Bonding time pala namin, manonood kami ng sine tapos may Gig kami mamaya...

"ui isaw ang inspired mo ngayon ah!" tukso ni Missy
"Isaw... ganyan ka ba pag inspired, ang lakas kumain?" pang-asar ni Jrew, si Ian tahimik lang naka-headset.

"pwede walang basagan ng trip?" sagot ko

"Dora ang peg mo sis ha! hahaha" nagtawanan ang dalawa, naalala kasi ang isang scene sa KimyDora, kaya nag pout lips nalang ako.

"ang cute mo sa duckface mong iyan Isaw! haha" tinutukso ulit ako ni jrew.
"hindi to duck face! pout lips! pout lips!"
"Nga pala, grabe na yang pakipot mo kay dave ha" sabi ni Missy sabay subo sa cake niya.
"oo nga, baka mapagod yan, mgahanap ng iba." sabat naman ni jrew, sabay tapik sa likod ko.
"ang adik nyo, ako lang mahal nun!" sagot ko ng bonggang bongga
"Capslocks mo!" biro ni Missy

"haha. joke lang, bukas sasagutin ko na sya" nahiyawan ang dalawa taz si Ian biglang umalis at sinabi, "ang ingay nyo.".

Ang saya-saya ng araw ko, tapos ang daming tao sa gig namin, at tinukso pa nila ako dahil inspired daw ako masyado, at bukas sasagutin ko na si Dave...

Pag-uwi namin sa bahay masaya kong binuksan ang TV...

FLASH NEWS:

PAUL DAVID YOUNG LUMALAKI NA DAW ANG ULO?

ANG SIKAT NA SIOMAI BOY MAY KINALOLOKAHAN NON SHOWBIZ GIRL KAYA KUNG MAKA-ABSENT SA SET HALOS ARAW-ARAW

PAUL TOTOO BANG MAY GIRLFRIEND NA

Nagulat ako, tapos umakyat sa kwarto na walang kibo.

"anyare dun?" yun lang narinig ko sa barkada habang paakyat sa kwarto!

Haaaaay! hindi maari to! ayokong masira ang mga pangarap ni Dave ng dahil lang sa akin!

Kinabukasan, haaay nakatulog pala ako sa kakaisip.

"hay mankukulam!" napasigaw ako nang makita ko si Dave sa tabi ko, pinagmamasdana ako habang natutulog.


"Good Morning Siomai!"
"anong ginagawa mo dito siopao ka?!"
"nanliligaw! at..." pinisil nya ang pisngi ko " gusto ko na ang mga ngiti ko ang una mong makikita umagang ito." sabi nya at nag-wink. huwaaaa ang gwapo nya, mukhang malulunod nako sa kama!

S.2 My Moviestar Prince [for revision]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!