Chapter 10: Red Rose Invitation

5 1 0

MH Chapter 10: Red Rose Invitation

ALIZAH'S POV

"Bakit nilagnat ka?" Tanong niya sakin, ano bang paki niya?

Sa totoo lang talaga kasalanan niya talaga ito lahat. Yung kahapon nung nahimatay ako, kasalanan niya yun. Kasi nung gabi nun puyat ako dahil naghanap ako nang paraan para makakuha ng imbitasyon sa kasal na yun. Tapos kinaugmagahan nun, matutulog na sana ako sa klase pero yang Torres na yan, panira tulog, guluhin at kulitin ba naman ako. Kaya ayun, dahil hindi ko na kaya parang kumukulo na talaga ang dugo ko. Sinigawan ko siya at dun hindi na siguro na kaya ng sistema ko ayun nahimatay.

At tsaka dahil nakakuha ako ng imbitasyon, pumunta naman ako alangan naman pababayaan ko yung investor naminna sugurin ng mga kalaban. Ayun puyat na naman, resulta LAGNAT.

Haysss, nandito si Torres sa kwarto ko pasulpot sulpot ba naman.

" Wala ka nang pakialam dun" sagot ko sa tanong niya. Tumalikod ako, at humarap sa kabilang bahagi ng kwarto.

"Dinalhan ka ni mama ni Soup, para daw mabilisan ang paggaling mo" sabi niya. Hindi parin ako humaharap sakanya. Kainin niya yan mag-isa.

Matutulog sana ako ulit ng biglang may naamoy akong mabango. Lumingon ako sakanya. May dalawang bowl na may laman na Soup.

Kumuha ng kutsara si Torres at isinubo sa Soup, susubuan niya sana ako. Kinuha ko na diretso ang Soup Bowl at sininghap ito. Kinuha ko ang kutsara na hinahawak hawakan ni Torres at dahan dahang kinain ang soup.

Papaubos na sana yung soup ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Sina Thalia at Ian pala.

" Sino ka?" Tanong ni Thalia kay Torres. Hindi niya siguro nakita mukha ni Torres nakatalikod kasi. Hindi ko alam kung parang bakit napatigil at na stiff sa kinauupuan si Torres.

" Si Torres yan" lumingon naman si Torres kanila Thalia at Ian, at bumati.

"Akala ko pa naman sino, himala napadalaw ka? Close kayo?" Hinahampas hampas ni Thalia ang likod ng Torres. Si Ian naman , papalapit sakin at humalik sa pisngi ko, its a term of beso. Pero anyways umupo si Ian sa tabi ko sa kama.

" Anyway Hon, ito na pala ang gamot mo. Ubusin mo muna yang kinakain mo bago mo to inumin." Kalmang sabi niya sakin.

" Sige, uubusin ko muna ito." Sabi ko, at itinuloy ang pagkain ko. Si Thalia umupo sa mini Sofa ko habang may nilalaro sa cellphone niya tapos si Ian naman narito sa tabi ko nakaupo sa kama, habang si Torres nandun parin sa upuan na nasa tabi ng aking kama.

Biglang nagsalita si Ian. " Magkaano-ano pala kayo ni Hon?" Nagtatakang tanong ni Ian.
" Ni Alizah?" Tanong pabalik ni Torres, tumango naman si Ian. " Ahh, kaklase lang kami"

"Ahhh, ako pala si Ian Drake Geñoso" inabot ni Ian ang kamay niya kay Torres "Asawa ni Alizah"

" Ay p*ta" natapon ni Thalia ang phone niya. Sabay kaming dalawa lumingon kay Ian, sabihin ba naman niya na 'asawa niya ako'

" Ah kasal na pala kayo" sarcastikong sambit ni Torres. Hala, baka mag away sila. Kung mag aaway mn sila, headshot talaga silang dalawa.

Lalong naging pokerface mukha ni Ian, langhiya. Hindi bagay sa kaniya. Kakilala lang nila ta's ito pag uusapan nila.

" Sige Friend, labas muna ako. Ang init kasi dito sa kwarto mo" palusot ni Thalia. " Saan mo naman aanhin ang init kung air conditioned naman dito sa kwarto ko?" Cold kong tanong sa kanya. Kailangan ko lang takaga siya dito. Baka oapag ipagpapatuloy lang nila ni Ian ang ginagawa nila, kukunin ko talaga ang baril ko ng wlang oras.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!