Maingat ang bawat hakbang ni Prinsesa Mia-Ashly habang nililibot niya ang buong unibersidad.
May mga oras na naiisipan niyang mag-ikot-ikot bago siyang umuwi ng bahay. Ngayon gabi naisipan niyang mag-ikot. Maingat na hindi siya makita na kahit sino ultimo gwardya na nagbabantay sa buong unibersidad.
Natutuwa siya na napapanatili ang kalinisan ng buong paligid at alaga sa pagmimintina ang bawat pasilidad ng bawat kwarto.
Kuntento naman siya na nalibot niya ang buong lugar. Pabalik na siya sa opisina niyang ng makarinig siya mula sa kung saan ng mga boses at palapit iyun sa kinaroroonan niya.
Mabilis na nagkubli siya sa madilim na parte.
"Hindi mo na sana ako hinintay pa,Ma'am Nimfa.." anang ng baritonong boses ng lalaki. Bigla kumabog ang dibdib niya.
What's that?!
"Ayos lang..saka palagi ka kasing nahuhuli umuwi eh,hindi ka ba natatakot maiwan mag-isa rito?" anang naman ng boses ng babae na marahil na si Nimfa.
"Hindi naman..kailangan bang matakot ako?" anang ng lalaki na hinaluan ng maikling tawa sa huli.
Muli kumabog ang dibdib niya. Sumilip siya para makita ang nagmamay-ari ng baritonong boses iyun. Sakto naman tumigil sa paglalakad ang dalawang bulto sa mismong tapat niya.
Oh that's him!
Napatitig siya sa mukha ng lalaki na nakaharap sa kanya.
Axel Jax.
Infairness,mas gwapo siya sa personal..ang hot pa niya sa suot niyang salamin!
Nanatili lamang siya nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki habang panay ang puri ng wolf niya rito.
Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang tumatagal ang pagtitig niya rito.
Maya-maya pa ay bigla na lamang ito napatingin sa gawi niya maliksi siyang nagkubli sa kadiliman.
"Bakit?" narinig niyang sabi ng Nimfa.
"Uh,wala naman..mabuti pang umuwi na tayo,"narinig niyang sagot ng lalaki.
Bakit kaya hindi ka na lang magpakita sa kanya? Obvious naman na siya ang nagpapatibok sa puso mo..
Nagpakawala siya ng mahabang hininga.
" Hindi ko alam kung paano ko yan gagawin,"pagtugon niya sa kanyang wolf. Saka kailangan pa niya ng sapat na oras bago siya magpakita rito.
Sinapo niya ang tapat ng puso niya na mabilis pa rin ang pagtibok niyun.
Hindi naman problema yan,kung gusto mo maraming paraan,prinsesa..anang ng wolf niya.
Muli siya nagpakawala ng buntong-hininga.
Pag-iisipan niya. Hindi niya aakalain na ganito pala kahirap ang magdesisyon ngayon natagpuan na niya ang lalaking itinakda sa kanya kahit na kinokontra pa rin niya ang sarili na baka hindi ito karapat-dapat na maging mate niya.
Hindi mawala sa isip ni Axel Jax ang nakita niya kanina sa unibersidad. Hindi nga niya alam kung guni-guni nga lang ba niya iyun o totoo.
Alam niyang may nakita siyang bulto na gumalaw. Naramdaman din niya na tila may nakatitig sa kanya na siya dahilan kung bakit siya napatingin sa madilim na parte iyun sa kinaroroonan nila ni Ma'am Nimfa at isang kulay puting buhok o ano ang nahagip ng mga mata niya dahil sa bahagyang pagtama ng liwanag ng buwan pero agad din iyun nawala.
Totoo kaya na may white lady talaga roon?
Natatawa na napailing na lang siya sa kalokohan na pumasok sa isip niya.
"Tinatakot mo lang ang sarili mo,Axel Jax sa walang kakwenta-kwentang bagay na yun..ang dapat mong katakutan ay ang paglalapit sayo ni Ma'am Nimfa.." kausap niya sa sarili.
Tama,iyun dapat ang iniisip niya at kung paano niya iiwasan ang co-teacher niya na talagang pinanindigan ang pagkagusto nito sa kanya.
Marahas siyang napabuga ng hangin.
Kung hindi pa ito titigil. Mapipilitan na talaga siyang makiusap kay Ms.Rostov ma ilipat siya ng faculty. Bahala na kung ano ang idadahilan niya maiwasan lamang si Ma'am Nimfa.
Panay ang biling niya sa hinihigaan na maliit na kama. Halo-halong kaisipan ang nagsasalit-salit sa isipan niya. Makakatulog ba siya nito? Maaga pa siya bukas para pumasok. Hindi siya tipong late comer. Isa yun sa ugali na pinanatili niya upang tularan ng mga istudyante niya at lalo pa nga maaga din ang unang klase niya.
Ipinatong niya ang kaliwang braso sa ibabaw ng mga mata niya.
Tahimik na dapat ang pamumuhay niya rito kung hindi lamang dahil kay Ma'am Nimfa. Marahas siyang napabuga ng hangin sa kawalan.
"Hindi ko bibiguin si Ms.Esferial sa pagtanggap niya sakin.."
Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang siya kaconviction sa pagtatrabaho niya sa Esferial University. Sobrang sinasaalang-alang niya ang pagtanggap sa kanya ni Ms.Esferial.
Hindi lamang iyun dahil doon...may iba pang dahilan.
Kuryuso?
Pagnanais na makita at makilala ito?
Hindi.
May isa pang bagay na hindi niya maisatinig bukod sa mga iyun.
Nang hindi niya magawa makatulog agad dahil sa mga alalahanin iyun. Bumangon na lang muna siya. Mabuti na lamang may stock siyang alak na nasa lata. Kapag pagod siya at maligalig bago matulog iyun ang karamay niya upang makatulog siya sa pamamagitan ng pag-inom niyun.
Hindi siya alcoholic. Sa ganitong pagkakataon lamang nasasayaran ng alak ang lalamunan niya.
Nanatili siya sa maliit na kusina niya habang inuubos ang alak.
Makaisa lamang siya niyun sigurado naman na makakatulog na siya kaagad.
Muli gumitaw sa alaala niya ang nàkita niya kanina sa madilim na parte sa unibersidad.
"Heck,kasalanan ng mga batang iyun kung bakit naiisip ko ngayon na may white lady nga talaga dun,"usal niya sabay tungga sa hawak na lata.
Pagkaraan natatawang tinapon niya sa basurahan ang wala ng laman na lata.
"Kung meron man white lady dun..maniniwala na ko totoo nga yun at hindi gawa-gawa lang ng mga tao para lang manakot,tsk!"aniya sabay tayo na at pumasok na muli sa silid niya.
Kinabukasan,maaga naman siya nagising. Panibagong araw na naman para sa kanya.
Kung ganito palagi araw-araw hindi na niya nanaisin pang bumalik sa Manila. Dito tahimik at walang huhusga sayo.
May lihim na ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang mga istudyante na sumasabay sa pambansang-awit ng pilipinas.
Dito lang niya naramdaman na masaya siya nagtuturo. Iba rito kaysa sa lugar na nakasanayan niya.
BINABASA MO ANG
The Princess of White Wolves Series 1: MIA-ASHLY RUX-ESFERIAL By CallmeAngge INC
Werewolf#2ndGeneration #Colai #Prophecy #Mate #WhiteWolf
