V - 16

6.7K 150 1
                                    

H p.o.v

Matapos kami mag shower ay ako na nag blower ng hair ng My Vanilla ko.

Ang sarap lang sa pakiramdam na makatabi mo sa pagtulog ang taong mahal mo at bunos na mayakap mo siya. Higit sa lahat na sayo niya ibigay kanyang kalinisan.

Because of that, i know no matter what happens in my life ay siya at siya ang kikilalanin at hahanap-hanapin ng puso ko.

"Babe saan ka nakakuha ng mga pwede natin suotin? Sinungkit mo sa sampayan nila sa hacienda?" Biro nitong sabi dahil bago pa ang mga damit na sinuot namin.

"Mga akin mga yan, hhhmmmm.... magkasukat pala tayo." I said while i trace my hand sa katawan niya na may kapilyahan.

"Pervert!" Sabay kurot sa akin kaya napalabi ako.

At dipa nakuntento ay pinisil pa pisngi ko.

"Damn! your so beautiful babe." sabay kiss sa akin ng mariin.

Biglang tumunog cellphone ko kaya naputol ang halikan namin.

"Mauna kana sa baba my Vanilla, I'll take this call first, ok? Susunod din ako agad." Sabi ko ng makita ko kung sino ang caller.

Hinalika ko muna ito sa labi. Ang sarap kasi eh. Parang vanilla lang din ito.

"Ok, sunod ka agad." Then ginawaran ako ng smack sa lips bago lumabas ng kuwarto.

"What it is?" Bungad ko sa taong tumatawag ng wala man lang hi or hello akong sinabi. Ganito talaga ako sa kanya.

"Hello too there?!" Sarcastic na sagot ng kausap ko. "I'm fine don't worry, how about you?" Dugtong pa nito na may pangungutya.

"Just straight to the point, alam ko na wala ka magawa sa buhay kaya nambubulabog ka na naman." Naiinis kung sabi dahil alam ko na may balak na naman itong gawin.

"I'm here in the airport so pick me up, right now." Demanding niyang sabi.

"Pwede ba Sabrine, I'm not in the mood para sunduin ka." Inis ko na sabi.

"Whaaat? Pababayaan mo ako dito sa NAIA?" Tili niya sa cellphone kaya nailayo ko muna sa tainga ko ito. Mahirap na at baka masira pa eardrum ko. "Isusumbong kita kay Althea."

Oh great! Dinamay pa ang kaibigan ko.

"Whatever!" Iyon na lang nasabi ko kasi mas maldita iyon.

"Baka nakakalimutan mo na nasa Paris kaibigan mo dahil sa ipinapatrabaho mo sa kanya. Kaya imbis na samahan niya ako para sunduin ka kasi tapos na po ang bakasyon niyo kamahalan ay andun siya at busy." Walang tigil niyang litanya.

Paano din ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na gaya nila maliban kay Rajul.

Tsk!

"Nasa Laguna ako kaya di kita masusundo." Sabi ko na lang sa kanya. Siya na nga nanunundo siya pa ang maarte.

Kitamo naman ang buhay baliktad.

"Whaaaattt? Sino susundo sa akin?" OA niya na tanong at ang sakit sa tainga. Bakit ba ang daming maldita sa mundo.

Hayst!

"Tatawagan ko si atty. Ramirez para siya na makasundo sayo." Sabi ko sa kanya." Alam na niya saan ka mag stay and please for now stay away from me. Ako lang pupunta or tatawag sayo." Pahabol ko.

Ayaw ko may makakita sa amin dahil kilala siyang sikat na modelo gaya ni Megan.

"Paki sabi dalian dahil ayaw ko mamuti dito at dami na tumitingin sa akin." At siya na ang pumutol sa tawag.

Kundi ba naman malaking unghang at nagsabi agad na darating ay hindi siya magtatagal sa airport. Tsk!

Matapos ko matawagan si atty. Ay agad akong bumaba dahil kanina pa sila naghihintay at baka hinahanap na ako ng my Vanilla ko.

Makapaglandi muna. hehehe

Before that, pinalitan ko muna contact lens ko dahil diko natanggal kagabi. Buti marami akong extra at madali lang sa akin maka produce nun.

*****

A/N- Nagulat ako na ganito lang pala siya ka-ikli kaya pagpasesyahan niyo na po.

*****

Nicolette0810



-edited

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon