sya^ si MARY MILLS!! na mas bet pala si CJ for Chelle?! O.o ehe. kala ko lng mka-adrian ka. thanks sa pgread ng PB.! ;)) 

- - - - 

x35: Some Unexpectations




[RACHELLYN's PoV] 


This passed week, madalas kaming nagkakasama ni Adrian. 


Madalas kaming mag-usap at sabay kami kung maglunch. Minsan hinahatid nya pa ko sa work ko o di kaya ay sasamahan nya kami ni Andy saglit sa bahay. 


Pero may dahilan naman ang lahat ng yun. Madalas kami nagkakasama kasi kailangan naming pagplanuhan ang birthday party ng anak namin which is bukas na! 


Bukas na yun pero wala na kong dapat ipag-alala. Everything's been settled, all thanks sa pagiging hands-on ni Adrian. He indeed has helped a lot bilang papa ni Andy.. :) 


Kaso..medyo naiilang ako sa pagiging malapit naming dalawa.. 


Nilalagyan kasi yun ng malisya ng mga tao sa paligid namin, lalo na nitong mga classmates ko. 


Lahat sila, iniisip na ako ang bagong girlfriend nya.. T///T 


Ilang beses ko na ring sinabi na HINDI KAMI pero ayaw nila ko paniwalaan. 


Paanong hindi raw? Eh nagawa akong sunduin ni Adrian noon sa clinic after ko mahimatay? Tapos dumagdag pa 'tong madalas naming pagsasama't paguusap. 


Gusto ko na nga sanang ipaliwanag kung bakit kami ganun kaclose kaso natatakot ako.. 


Natatakot akong magalit si Adrian 'pag ipagsabi ko sa ibang tao na sya ang tatay ng anak ko..na may anak na kaming dalawa.. 


"OKAY! CLASS DISMISSED!" mabilis akong lumabas ng room pagkadismiss na pagkadissmiss ng klase namin. 


Gusto ko kasi iwasan ang walang kamatayang pang-iintriga ng mga classmate ko. 


Sa labas ng classroom, may taong sumalubong sakin.. 


Si Myra.. 


Kinabahan ako nang makita ko sya. Ang tagal na rin eh since the last time na nagkaharap kami and that was when she hurt me..in the clubroom.. 


"Rachellyn.." lumapit sya sakin na mas ikinakaba ko. "Pwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang?" 


Di ko alam kung bakit ba ko natatakot sakanya. Di naman sya mukhang nakakatakot. 


Ang simple nga lang ng ayos nya eh. At yung boses nya, normal lang. Walang bakas ng galit o kahit anong negative feelings.. 


Pumayag ako sa gusto nya. Sinabayan ko sya sa paglalakad. Una tahimik lang kami pero maya-maya, huminto sya maglakad at may inabot sya sakin na paperbag. 


I took it and checked what's inside. May rectangular box na naka-giftwrap. 


"Ano, peace offering ko yan sayo.." nahihiya nyang sabi. 


"Peace offering?" O___o 


Tumango sya. "Alam mo na.. Para sa ginawa ko noon na pananakit at..at pagsisinungaling sayo.. I'm.. I'm sorry about those.." 


Now, I'm speechless. Di ko toh inaasahan.. 


"Ang totoo, matagal ko nang gusto mag-sorry. Nahihiya lang ako kasi..nakakahiya naman talaga ang ginawa ko.. Sana nga lang..magka-ayos pa tayo.." 


"A-Ano kaba. Syempre magkaka-ayos pa tayo. Naiintindihan naman kita eh, kung bakit mo nagawa yun sakin non.." 


Nginitian nya ko. Sweetly. It's like the 'old' Myra is back. Yung Myra na una kong nakilala. Yung Myra na friendly. 


"Ay, nga pala.." tinuro nya yung binigay nya sakin na paperbag. "Yang gift na yan.. Uhm.. Actually, para kay Andy yan.." 


"HUH?" I was surprised again. Kilala na pala nya ang baby ko? O___o 


"Sabi ko, para kay Andy yang nabili ko.. Di ko kasi alam kung anong ibibigay ko sayo eh kaya naisipan kong magbigay na lang ng something para sa anak nyo ni Adrian.. Sakto rin naman kasi birthday nya bukas, diba?" 


"Ahh oo.. Birthday nga nya bukas.. Salamat dito ah?" 


She smiled at me again sabay dungaw dito sa may veranda. "Ilang taon na pala sya bukas?" 


"Four.. Magpo-four na sya." 


"Wow.. Ang sarap siguro sa feeling nun noh? Yung makitang lumalaki ang anak mo.." 


Nakidungaw ako sa tabi nya. "Masarap nga.. Kahit medyo nakakalungkot kasi lumalaki na nga saya and sooner or later, di ko na sya matatawag na baby.." T3T 


Medyo natawa sya. "Uhm, Rachellyn.. Ma..Masakit at nakakatakot manganak diba??" 


Tinitigan ko sya. Ang weird kasi ng dating ng tanong nya sakin? 


"Oo naman.. Masakit at medyo nakakatakot nga yun pero.." unconsciously, napangiti ako. 


Naalala ko kasi yung time na pinanganak ko si Andy.. 


"Pero mabilis din mawawala ang takot at sakit na yun once na makita mo na ang baby mo, once na marinig mo na yung first cry nya.. It may be the hardest part of every woman's life but for me, it is definitely the happiest.." 


Ehh.. Masyado akong na-carried away sa pagkukwento! Kung titigan tuloy ako ni Myra oh.. 


Though yung titig nya, agad na napalitan ng ngiti. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!