[“Problem? ”]

[“May itatanong lang ako sayo dre. ”]

[“ Kung tungkol yan kanina. Pasensya na di kita matutulungan dre. Dapat ikaw mismo ang maghanap ng kasagutan sa katanungan na nasa isip mo. May pupuntahan pa kami. Bye. ”]

Haysstt. Ano ba itong nangyayari saakin. Bahala na ang lahat.

Fernandez...

Curtis...

Ano bang meron sa dalawang surname na yon? Tch.

Naligo na muna ako. As usual pagkatapos kung maligo matutulog na. Pagkatapos nahiga na ako sa kama. Ang dami paring mga katanungan na di ko alam kung saan ko mahahanap ang mga sagot.

I dialed Phia's number. Namimiss ko na din ang  babaeng to.

[Mmm...? ]

[Pwede ba akong pumunta dyan?]

[Akala ko ba bawal ka. Pero kung gusto mo. Pwede naman. Hahahaha.]

[Oh sige. I'm on my way.] pagsisinungaling ko. Agad ko nang ibinaba. Di na ako nagbihis. Lumabas na ako sa kwarto ko. Nakita ko naman si Manang na papasok sa kanyang kwarto na katabi ng kwarto ni Hana.

“Iho saan ang punta mo? ”

“May pupuntahan lang pong kaibigan Manang. Sige mauna na po ako sainyo. ”

“Mag-iingat ka. ”

“Sige po. ” huling sabi ko bago lumabas ng bahay.

~

Agad akong nakarating sa SC (Sandoval's Condominium.) Pumunta ako sa elevator kilala na ako ng mga staffs dito kaya di na ako sinita. Mabilis kong pinindot ang buzzer. Ayokong buksan agad baka naman may ginagawa siya. May respeto panaman ako no?

Agad na bumukas ang pinto. Agad niya akong sinalubong ng halik. I miss this girl. I miss everything about her. Nakapunta kami sa sala na di hinihiwalay ang mga labi namin.

Hana's POV

Narinig kong nag-uusap si Manang at Hanniel. Nagpapaalam siya? Saan naman ang punta niya?

Narinig ko ang tunog ng kotse niya. Umalis na siguro siya. Agad kong hinanap yung susi nang kotse ko. Di ko alam pero gusto ko siyang sundan. Nahanap ko naman ito. Tumakbo ako papunta sa kotse ko. Di ko pinakinggan yung sinabi ni Manang. Bahala na.

Buti nalang nasundan ko siya. Parang di familiar yung daan na ito. Pero sinundan ko lang talaga siya. Curious ako masyado eh.

Nakita ki siya pumasok sa SC? Ano naman to? Condominium!

Sinigurado ko muna na nakasakay na siya sa isang elevator bago ako makapasok. Di naman ako sinigawan ng security dahil nagpanggap ako na kasama lang ako ng dalawang babae na kasabay kong pumasok. Agad akong sumakay sa iaang elevator kasama yung dalawang babae. Medyo madaldal yung dalawa pero di ako nakikinig sa kanila. Dahil mas nangingibabaw yung kada sa dibdib ko.

Ting!

Nakita ko agad si Hanniel na pumindot ng buzzer. Di pa ito binubuksan. Natulala ako bigla ng makita kong bumukas ang pinto at nakita ko si Phia. Mabilis na hinalikan ni Phia si Hanniel.

Nakakapanghina. Mabilis silang pumasok. Dahan-dahan akong pumunta doon. Nakita ko sila sa sala. Di ko alam pero pumasok ako sa loob. Gusto kong tumakbo pero di ko alam. Di ko alam ano ang gagawin ko. Wala akong alam na susundan ko siya at makikita ko siyang naka...

HUBAD?!

Nakahubad silang dalawa tanging undergarments nalang nila ang natira sa katawan nila. Di pa nila napapansinna nandito ako.

“H-hanniel?” sa wakas nakapagsalita din ako. Dahil sa gulat niya agad siyang humiwalay kay Phia.

“H-hana ano kasi... Ano...anong ginagawa mo dito? ” tanong niya. Halatang nagulat siya.

Di ko na siya sinagot. Agad akong lumabas doon at tumakbo ako. Mabuti nalang nakahabol pa ako sa elevator. Nang bumukas ang elevator. Hinanap ko yung kotse ko.

~

“Miss?” pagtawag saakin ng isang lalake. Di ko siya kilala. Nanlalabo yung paningin ko dahil sa alak. Hahahahaha. Ang sarap pala ng alak. Hayss. Di pa ako tinuluan ng luha.

“Mmm?” tanging naisagot ko lang sakanya. Muli kong kinuha ang bote at iminom.

“Lasing na po kayo. Kailangan niyo na pong umalis.” sabi niya. Iminulat ko yung mata ko. Kamukha niya si Hanniel. Ai Hanniel siguro to. Sinusundo na ako.

“Hanniel?”

“Ma'am di---” di ko na siya pinatapos dahil hinila ko siya papalapit saakin. Ngayon magyakap kami. Naramdaman ko nalang na may humablot saakin at hinawakan ang kamay ko. Parang nagkakagulo na yata.

Di ko na kaya. Naramdaman ko nalang na umangat na ako. Lumilipad na ba ako? At sa tingin ko ay makakatulog ako habang lumilipad.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!