[19] ♔ Sophia

1.7K 41 3

Hanniel's POV

“Phia? ” tanong ko. Tumatawag kasi siya. Langya. Nawala siya sa isip ko. Aishhhhhhhh. Ang tanga ko.

“Mmm... Tagal na kitang di nakikita. Pwede ba ngayon?” tanong niya.

“Gabi na. Bukas nalang. Iisang University lang naman ang pinapasukan natin. ” palusot ko. Ang totoo nag-away kami ni Harley.

“Oh sige. Tomorrow sabay nalang tayo maglunch ah? Sige byeeeeee. ” pagkasabi niya agad kong pinatay yung tawag.

Halos patapon kong inilagay yung cellphone ko. Tangina kasi tong Harley na to eh.

Bakit ba? Ano ba ang alam niya na di ko alam? Bakit niya ba ako binabantaan? Bakit ganoon parang ang dami niyang alam? Shit!

Flashback...

Kakatapos lang ng game namin. Nagpahuli lang ako dahil may dinaanan pa ako sa tambayan namin. Nakita ko si Harley nakasandal sa pinto ng kotse ko. Ano‘ng trip neto?

“Dre! Anong trip mo? Bwahahahaha.” patawa ka. Ang seryoso kasi ng mukha niya. At kung makatingin siya saakin parang may atraso ako sakanya.

“Dre, pwede ba tayong mag-usap. ”

“Dre, nag-uusap na tayo. Bwahahahaha. Ano ba ang nangyayari sayo dre? Tanong ko sakanya.

“Seryoso ako dre. May importante akong sasabihin. ” sabi niya.

“Sige... Doon tayo mag-usap sa coffee shop ni Terrence. Yon lang naman ang pinakamalapit na coffee shop mula dito. Sakay kana sa kotse mo! ” sabi ko sakanya. Anong importante naman ang sasabihin

Medyo kinakabahan ako eh. Knowing him, wala siyang pakealam sa mga taong nakapaligid sakanya. Tapos kapag sinabi niyang importante, importante talaga yun. Siya kasi yung tipo ng tao na di basta basta nabibiro. Masyado siyang seryoso sa buhay.

Una siyang nakarating kaysa saakin. Sinundan ko lang siya hanggang sa maka-upo kami.

“Sir, ano po ang sainyo? tanong ng waiter kay Harley.

“Gaya ng dati. ” tanging sagot niya. Hayss. Mukhang importante talaga. King ina ba't ako kinakabahan ng ganito.

“Anong pag-uusapan natin. Mukhang importante talaga ah. ” pangunguna ko. Pero di ko pinahalata na kinakabahan ako.

“Arrange marriage lang kayo ni Hana, right?” sa tanong niya palang kinabahan na ako ng todo. Di ko alam pero masama ang kutob ko.

“Yep. Bakit? ” tugon ko. Di sya nakapag-salita agad kasi dumating yung order niya.

“Isang kasunduan ng mga magulang niya na ikasal kayo para sa business pero di yan ang totoo.  Isa kang Curtis at Fernandez siya. Di mo ba alam na halos magpatayan na ang pamilya nang Curtis at Fernandez? Kaya noong nalaman ko kung ano yung family name ni Hana, bigla ko itong pina-imbestigahan.”

“Bakit mo naman pina-imbestigahan? Ano bang gusto mong malaman?! ”

“Hanniel, calm down. ”

“At sasabihin ko sayo na mag-iingat ka. Alam kong inosente kayo pareho dito. Kaya mag-iingat kayo. Di ko kailangan sabihin bawat detalye hindi ako nasa posisyon para sabihin lahat ng nalaman ko. Masyadong madilim na kaya uuwi na ako. Hinihintay pa ako sa bahay. ” paalam niya at bigla niya akong iniwang nakatulala. Di ko siya magets. Di ko alam kong ano ang gusto niyang sabihin.

Arghhhhh. King ina to.

Bakit ba ang talino niya masyado? Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinawagan siya.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!