Paalam na ba?

2.2K 34 3
                                    


~ Di ko mailarawan ang sayang nararamdaman
Habang yakap yakap kita dito sating tagpuan
Humihiling na sanay wala ng katapusan
Ang mga halik, yakap at init nang ating pagmamahalan.

Habang masaya tayong nag kwekwentuhan
May isang sulat kang inilahad saking harapan
Sabi mo'y wag ko munang basahin
Mamaya na pag ako na ay susunduin

Tumango ako sa utos mo at sa iyoy bumaling
Di ako nakakasiguro pero tila iba ang iyong tingin
At nang dumating na ang oras sa iyong pag alis
Di ko maiwasang ang kaba at pg tulo ng aking pawis

Para akong nakaramdam ng masamang pangitain
At sinubukan kong tingnan ka ng diretso sa mata at gustong tanungin
Pero biglang kumirot ang puso ko
Ng masilayan ko ang mga luha mo

Habang papalayo ka sakin di ko maiwasang isipin
Na baka ito na ang huli sa atin
Binasa ko ang sulat mo na binigay sa akin
At parang gumuho ang mundo ko ng malaman ko na akoy iyong lilisanin.

Nabasag ang puso ko, at humina ang pagtibok nito, di ko maintindihan kung bakit
Pilit ininda ang pait at sakit
Pero tutuparin ko parin ang pangako ko dahil kagaya ng sabi

Handa akong samahan ka kahit saan.

~J

Love Quotes and Poems inspired by I love you since 1892 by @UndeniablyGorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon