SOLELY- not

0 0 0
                                    

"No man is an Island."

Isa sa mga quota na sawang sawa na akong pakinggan. Truism a'right but I don't think a man can't be alone. Oo, hindi kaya pero kinakaya at nakakaya naman ng mga tao na maging mag-isa hindi ba? Pano nila nasabi na hindi nila kayang mag-isa? Nasubukan na ba nila? Hindi pa, 'diba?

Ganyan ang paniniwala 'ko noon. Maybe because since I was a small kid, I was exposed to people whom being a solitary is a curse of the family, which are my grandpa and mother. He was left by his wife when mother was born and so is she. As a child, of course I'll be asking every matter that come to my innocent mind— which is then fed by things about being left alone and being hurt. At iyon nga, nakalakihan ko na ang ideyang wala na ngang tao ang magtatagal sa tabi mo ay masasaktan ka pa. Lahat naman ng tao ay takot masaktan hindi ba?

Pero lahat ng agam agam ko ay nawala ng makilala ko siya. Isang kaklase na naging kaibigan. Pinakilala niya sa akin ang salitang "komportable". Pinagkatiwalaan niya ako. Gusto niyang maranasan ko lahat ng mga makakapagpasaya sa akin. Lahat ng mga bagay na sa tingin niya ay mapapasaya niya ako ay ginawa niya kahit magmukha na siyang tanga. Pero dahil lamang daw iyon sa mahal niya daw ako, at mahal ko din siya. Hindi ako tanga para hindi malaman ang mararamdaman ko pero marahil bobo ako para hindi maisip na kapatid lamang ang turing niya sa'kin. Pero mas ayos na iyon kaysa wala hindi ba? Sige. Tinanggap ko. Umamin ako sakanya, ilang buwan mula ng sabihin niya na kapatid lamang ang turing niya sa'kin. Ngumiti siya. Nginitian niya ako. Tuwa ang naramdaman ko. It's a non-euphoric feeling.

Hindi ako nagsisisi na umamin ako kahit na masakit. Masakit dahil ngumiti siya ngunit alanganin. May iba pang mas hihigit sa'kin, madami ka pang makikilala na worth it nang narraamdaman mo. Ang sakit pero kinaya ko. Ngunit ang hindi ko kinaya ay ang katotohanang may kasintahan ka na, at matagal mo na din siyang niligawan. Wala akong alam. Wala akong ka-alam alam dahil kung alam ko ay hindi sana kita nilasing at ginawa ang pinaka-desperadang aksyon.

"No man is an Island."

Totoo 'yan. Ngayon talagang naniniwala na ako. Oo, iniwan si lolo at mama ngunit kaagapay pa din nila ang isa't isa. Oo, iniwan ako ng tatay ko pero andyan sila. Oo, wala akong kaibigan dahil takot ako.

But you came and you changed it all, still, we're humans and we fvck up. That's what happened.

Being alone is impossible. No one can live only by themselves. Masaya ka na. Masaya na ang pamilya niyo at pati na ang kambal niyong anak at ako ay nandito lamang at pinapanood kayo ng tahimik. Hawak ko sa aking mga braso ang agnas na bangkay ng aking anak. Nangingitim na siya ngunit ang ganda niya parin. Hinalikan ko ang mumunti niyang noo bago ibaling muli sa inyo ang aking mga titig. Mga kutsilyong nakatarak sa inyong dibdib at bala ng baril sa gitna ng inyong noo. Mga katawang balot ng dugo. Ang saya tingnan. Hindi na magiging mag-isa ang kaluluwa ng anak ko dahil sisiguraduhin kong sasamahan na ninyo siya. Napangisi ako.

"Eto na 'ko."

SOLELY- notWhere stories live. Discover now