GC 53 (CHAPTER 53)

32.2K 1.2K 1.8K
                                    

"Wag mo 'kong tinatakot Rhea. Baka himatayin ako rito sa takot!" pabilis nang pabilis ang paglalakad namin dahil sa kaba.

My heart's beating so fast, pakiramdam ko sasabog na.

"Totoo nga, p-pakiramdam ko nasa likuran natin siya. Bibilang ako ng tatlo, ha? Tapos sabay tayong tumakbo," utos niya kaya mahigpit akong humawak sa kanya.

"Isa.. dalawa.. tat--" Tatakbo na sana kami ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

May sumigaw sa likod!

"Ma'am na-naiwan niyo 'yung sukli niyo. Pagkalabas ko kasi ng restaurant wa-wala na kayo do'n." Hingal na sabi nung waiter sabay abot ng 58pesos.

"Eh? Kuya naman, e! Sana ibinulsa mo na lang. Papatayin mo kami sa takot, jusko! Tip mo na lang sana 'yan. Akala ko talaga may sumusunod sa amin," saad ni Rhea sabay abot ng pera sa lalaki.

"Pasensya na ho, Ma'am. Sige salamat po. Ingat kayo," sagot niya sabay talikod.

I sighed, "Kaloka naman, Rhea! Hindi mo lang alam kong gaano ako natakot. Tara na nga, bilisan mo nang maglakad."

"Aba malay ko, malakas kasi akong makaramdam. Hayyy! Nawala tuloy 'yong pagkalasing ko, tara inom ulit?" aya niya sabay akbay sa akin.

Mahina ko siyang hinampas sa balikat. "Gaga! Parehas lang tayo. Na-trauma na kasi ako sa ganyan. Naalala ko nang pumunta ako kina Devon, iyong kaibigan ko. Habang pauwi ako pakiramdam ko may sumusunod sa akin."

Tuloy-tuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan hanggang mapansin naming nasa harapan na kami ng gate kaya dahan-dahan namin itong inakyat. Iniingatan naming hindi makagawa ng anumang ingay dahil 11 PM na at baka mahuli kami ni Ate Badet.

Daig pa namin ang magnanakaw habang paakyat ng hagdan, hanggang sa may biglang kung anong sumulpot sa harapan namin.

"Ay potang--- huhuhu! Ate Badet naman eh! Nakakatakot ka! Ba't ba ganyan yung buhok mo huhu." Saad ko.

"Katatapos ko lang maligo. Hindi pa ako nakakapagsuklay," mataray na sagot niya.

"Kadiri. Alas onse na ng gabi pero kakatapos mo lang maligo?" Pagsasalita ni Rhea. Amoy na amoy ko ang alak sa bunganga niya.

"Kadirihin ko mukha niyong dalawa riyan, e. Saan naman kayo galing, ha? Bakit magkasama kayong dalawa? Kailan pa kayo naging close?" umirap siya matapos magsalita.

"Pake mo ba? Umusog ka nga dyan. Dadaan kami. Inaantok na ako. Usog!" Sagot ni Rhea.

Tumingin ng masama si Ate Badet sa kanya kaya agad akong nagsalita. Mukhang alam ko na ang mangyayari, e. Mabuti na lang at sanay na ako tuwing nagsasagutan sila, pero minsan nag-uusap naman sila ng matino, 'yong iba tawanan pa. May mga araw lang talaga na mainit ulo nila sa isa't isa.

"Ah, hehehe. Lasing po siya, huwag niyo na ho patulan. Sige po, mauna na po kami," paalam ko.

"Nakakaasar! Nanay ka ba namin, ha Mag-asawa ka na kaya? Para naman mabawasan 'yang kasungitan mo! Mga dalaga kami, bente na ako, kaya ko na ang sarili ko. Anong gusto mo nasa kwarto lang kami?!" sigaw ni Rhea.

Huhu, lasing na talaga.

"Hoy Rhea. Makapag salita ka! Magbayad ka muna ng renta mo!" Sagot ni Ate Badet.

Nilabas naman ni Rhea ang wallet niya saka inabotan ng pera si Ate Badet bago magsalita, "O, ayan! Sobra pa 'yan, keep the change basta tumigil ka na kakatalak! Tara na nga, Zhavie!"

Hinala niya ako paakyat sa second floor, halos matumba pa kaming dalawa sa hagdan. Pinagtinginan tuloy kami ng dalawang babaeng nasa kabilang unit dahil sa lakas ng boses ni Rhea.

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon