12

5.9K 122 2
                                    

Sakiya Ashanti.

I woke up late and hungry. Bumuga ako ng hangin at bahagyang hinaplos ang ulunan ni Rakki na siyang dahilan kung bakit ako nagising.

I even saw missed calls from Micu. Ang sabi, dapat papasok ako ngayon. Nagiwan ako ng pagkain ni Rakki para pwede siyang kumain at uminom kahit wala ako.

Sumakay ako sa motor ko at kaagad na tumungo ng Heilthor. Wearing a 3/4th white polo. Bahagya kong binuksan ang unang dalawang butones nito, isinuot ko na rin ang ID ko at hinayaan na nakalugay ang buhok ko.

Mabilis akong nakarating ng Heilthor. Pagbaba ko ng motor ay kapansin pansin ang pagtingin ng ibang istudyante sa akin. Sa tingin ko ay vacant nila kaya nasa labas sila. Bahagya kong inayos ang pagkakasuot ng salamin ko at isinukbit sa balikat ko ang itim na bagpack.

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko para bahagyang umayos ito ng kaunti. Exactly 9:35 narating ko ang room ko. Medyo tumigil pa ako sa nakasaradong pintuan ng tumunog ang tiyan ko. I'm hungry.

Kumatok ako ng tatlong beses. Lahat ng mata ay nasa akin. Muntik na akong matawa ng makita ang mga mukha nilang parang nakakita ng multo.

Ngumiti sa akin si Micu na siyang prof at patapos na ang klase. Tinaasan ko lang ito ng kilay at akmang hahakbang papasok ng may bumulusok sa akin na kung ano.

Sinalo ko ito ng walang kahirap hirap at akmang ibabato pabalik sa taong iyon ng marahas na tumayo siya at tumatawa.

"Chill! Gusto lang kitang i-welcome back," malaking ngiti na sambit ni Yiell Hwang. Napairap ako sa kawalan at binato parin sa kanya ang patalim na iyon, this time sinigurado ko na masasalo niya ito.

Tahimik na umupo ako sa pwesto ko at tumunganga sa gilid. Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng message.

To: Micu

Stop discussing. I'm hungry.

Nakita ko na bahagyang tumigil si Micu sa pagsasalita explaining how simplification in Mathematics work. He excused himself and grab his phone. Kunot na kunot ang noo nito at sumulyap sa akin. Hindi naman ako nagreact.

Kapagkwan ay nagtype siya ng message at sinabing

"Class dismissed." Hindi ito lumingon at tuloy tuloy sa paglabas sa classroom. Naiwan ang mga kaklase ko na nagtataka pero ipinagsawalang bahala nila iyon.

Tumingin ako sa wrist wat-- heck. Napalingon ako sa may pintuan at doon ko nakita sila Yiell Hwang na palabas na ng classroom.

"Hwang." Lumingon siya sa akin. Binato ko naman sa kanya ang isang box.

"Ano 'to?" He asked.

"Give me back my wrist watch." Walang ganang tugon ko. Sinuri niya ang nakabox na relo na hinagis ko dito. Nagtataka din ang tingin niya sa akin maging ang mga kasama niya.

"I thought you're broke?" I shrugged. Lalong kumunot ang noo niya, halos kaparehas ito ng relo na nasira ko nung isang araw na gamit niya.

"Damn, where did you brought this?" Manghang saad niya at lumapit, akmang ibabalik ang relo na yan.

"Germany." Tumingin ako sa kanya. "Ibalik mo na sa akin ang wrist watch ko, come on." Hinubad niya ang wrist watch ko na suot niya.

"This is an antique leather, Sakiya. I saw this online worth $50000." Ingat na ingat niyang ibinaba ang wrist watch ko. "Pwede ng ibenta."

Isinuot ko naman iyon sa left arm ko at tumayo na. Wala naman na akong business sa kanila. Kapansin-pansin din ang mapanuring tingin ni Striel Zerist sa akin at nung isa nilang kasama. I don't know what his name.

Ang kilala ko lang ay si Striel at Hwang-- oh, the million-dollar smile. The other two? Hindi na.

Nilagpasan ko sila at nagtuloy sa cafeteria. Naririnig ko pa ang pagtatanong ni Yiell habang nakatingin sa relo na binigay ko dito. Bumili ako ng pagkain at hindi pinansin ang tingin nila sa akin.

Inilapag ko ang bag ko sa lamesa ng pangdalawahang katao pati ang pagkain ko at nagsimulang kumain.

"Look, hindi ko matatanggap 'to." Nagangat ako ng tingin. Yiell Hwang na seryosong nakatingin sa akin.

"It cost $3000, Sakiya. I was just joking when I said that you need to pay my wrist watch. Hindi ko na naibalik yang relo mo kasi umalis ka kaagad at hindi na nagpakita ng dalawang linggo." I look at him boredly.

Ibinaba ko ang tinidor.

"I didn't buy that." Sambit ko. "It's a give away from my friend who owns the brand."

Nanlaki ang mata niya.

"Kung ayaw mo, edi wag." I shrugged. "Just don't bother me anymore."

Parehas kaming natigilan ng maramdaman ko ang pagbuhos sa akin ng malamig na juice?

"The hell, Lisa?" Gulat na sambit ni Yiell at sinubukan na tumayo pero hindi yata alam ang gagawin.

"I told you Yiell, stop flirting with another girl."

Marahas na tumayo ako at kinuha ang isang baso ng tubig na dapat ay inumin ko at ibinuhos sa kanya kasama yung baso. Napasinghap siya, pati yung mga nasa cafeteria.

"Kung may problema ka sa kanya edi dapat siya yung binuhusan mo ng juice, tanga."

Lalong nanlaki ang mata niya na pati ang spaghetty na dapat ay kakainin ko at konti pa lang ang nababawas ay inihagis ko sa kanya kasama yung plato.

May nagabot sa akin ng puting panyo, medyo natigilan ako ng makita kung kanino iyon at sa lahat ng ibibigay ay puting panyo pa. Papalitan ko na lang.

Ipinunas ko iyon sa mukha ko, inalis ko ang salamin ko at inayos ang sarili.

Napatigil na lang ako ng may jacket na pumalibot sa akin.

"Stop." Mariing sambit niya. Lalong kumunot ang noo ko, at tiningnan si Striel na mariin ang tingin sa akin at namumula ang tenga. The heck?

Napairap ako sa kawalan at nilampasan si Valderama na siyang nagbuhos ng juice sa akin. Dumeretso ako sa CR at kaagad na inayos ang sarili. Hinubad ko ang polo na suot ko at dineretso iyon sa basurahan. Wala na, may mantsa na.

"Walang kwenta."

Pinunasan ko ang sarili gamit ang tissue atsaka isinuot ang jacket ni Striel. Paglabas ko ay nakita ko si Striel na may kausap.

"Pahiram muna, balik ko bukas."

Tiningnan niya lang ako. Akmang lalagpasan ko siya ng may maalala.

"Yung panyo," tumingin ako sa kanya. "Balik ko bukas."

Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Lahat sila ay nagtataka kung bakit suot ko ang jacket ng pinakamamahal nila.

Bumuga ako ng hangin at napahawak sa sariling batok.

I smell like him.

×

Truth Behind Her Glasses [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon