GEMINI

56 0 0
                                    

            Nagtetext na naman siya. Ano bang gusto niya ngayon? Pickles naman o! Gusto ko na nang tahimik na buhay, yung walang nanggugulo ng takbo ng isip ko. Hindi ko kasi alam kung saan lulugar. Madaming tao na sinasabi na “Masama ang mag-expect”, oo alam ko yun. But if someone is giving you reasons valid enough to expect then, is it still wrong to do so? Ang hirap kasi ng ang gulo gulo ng utak ng gusto mo. Bwisit. Buti pa ang isang linear equation, kung gusto mong makuha ang transfer function, laplace transform at algebra lang okay na.

Ian: Hoy.

            Ang sweet talaga nito magtext. NAPAKASWEET o. Magrereply ba ako o hindi? Hay. Reply? No Reply? May 5 minutes na ata akong nakatitig lang sa phone ko. Nakakaalala lang naman to kapag may kailangan. Alam mo yun, pahiram nito, pahiram niyan. Minsan naman nangangamusta.

Ako: Hoy ka rin! Kung maka-Hoy naman to. XD

Ian: hoy.hahahahahahah

            Nawala naman kunot ng noo ko. Haha. Baliw baliw din lang talaga to. Nagreply na rin ako, baka mahalaga.

Ako: hoy nga! Bakit ba?

Ian: Yung book mo. Pakita ka naman sa school.

            Hindi na ako iimik pa. Violent reaction!! Sabi na kasi. May kailangan to. Arggggg!!!!!!! Sasabunutan ko na ang sarili ko. Pero pero, sayang pagkakaayos ko ng buhok ko. Naka-bowtie kasi. Hihi! Wag na. kalma kalma lang girl.

Ako: Lagi lang kaya ako sa canteen o sa lib. :p

            Pupusta akong ng 10k, hindi na to magrereply.

            2 minutes…

            5 minutes….

            30 minutes…

            2 hours…

            Okay. Oo na, inaantay kong magreply siya. Ang pathetic ko lang. Para akong umaasang magkasnow sa Pilipinas. Hindi dadating yung time na yun.

“HOY ADRIANNA ADELAIDE!!!!!!!”

            Amf. Anong meron ngayon? National “Hoy” Day ba? Wala naman sa trending topics sa Twitter e. Haha. Tapos buong buo pa sinabi yung name ko. Pasigaw pa. wew... Sino ba yung maingay…

“Hoy! Adri!! Tama na kakaPBB Teens mo diyan. Punta ka na dito sa loob para makasimula na tayo,” si Dean pala.

“Oo na! Oo na. Baliw ka, PBB Teens ka dyan!” hihi. Pumasok na ako sa loob ng recording studio. Yup. Recording studio nga. At bago pa kayo magtanong, hindi po ako artista. Well, hindi masyado. Youtuber po ako and ngayon magcocover kami ng banda nina Dean ng kanta. Oi! Secret lang yun ha!! Hehe. Nakamake-up nga ako, tapos contact lense na kulay violet, nerd glasses na hello kitty (ano?basta!gets niyo naman na yun di ba? Haha) at syeeempreee malaking sleeveless shirt, jeggings, at favourite vans ko. :P POSE!!! Teka, name ko pala.

Ako po si Adrianna Adelaide Ramirez. 19 years old at isang ECE student. Hihi. Sabi nila arogante o mayayabang daw ang mga engineering student pati yung mga tapos na. Hindi naman siguro lahat. Madami akong professor na mayabang, aminado ako dun pero may ipagmamayabang din naman nga, ikaw na ang maging quizzer at board top notcher. Wew! Ang dami ko na agad nasabi, more or less naman wala kayong pakialam kung anong program ko sa college. Hoho! Sige na sige na, performance mode na.

Bale, may five members ang band nina Dean. Si Dean ang lead vocalist/guitarist, si Sam naman bassist and backup vocals, Rob ang sa rhythm minsan sa keyboard din, tapos si Mark yung drummer. Lahat sila college student din sa university na pinapasukan ko tapos isang department lang kami pero si Dean at Mark lang yung ECE din,kaklase at kabarkada ko to be exact.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GEMINITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon