CHAPTER TWO

2.1K 98 7
                                    


Bianca’s POV

“MISIS, may acute myeloid leukemia po si Bianca. Isa itong klase ng blood cancer na walang cure. Usually, it begins in cells that turn into white blood cells. Nagsisimula rin ito sa bone marrow na siyang soft inner parts of bones. Hindi nagma-mature ang bone marrow cells ni Bianca na dapat ay nangyayari…”

“Doc, tell me honestly… Is my daughter dying?”

“Nasa stage 3 na ang cancer ni Bianca, Mrs. Mercado--”

“Doc! Answer my question!”

“Yes. I am sorry pero gaya ng sinabi ko, walang cure ang ganitong klase ng leukemia. Ang magagawa lang natin ay bigyan ng treatment si Bianca para mas humaba pa ang kanyang buhay. May mga treatments options akong idi-discuss sa inyo later on at titignan natin kung ano ang pwede at kaya ng katawan ni Bianca.”

Hinding-hindi ko makakalimutan ang usapan na iyon ng mommy ko at ng doctor na tumingin sa akin last week. Kaya pala sakitin ako at mabilis mapagod ay dahil may sakit ako. At hindi lang basta-basta sakit kundi terminal na ang case ng cancer na sumisira sa katawan ko.

And because mahina nga ang katawan ko at madali akong makapitan ng sakit, palagi akong nakasuot ng face mask kahit nasa bahay lang ako. Imbes na sa school ako nag-aaral ay sa bahay. Home study. May personal teacher ako na nagtuturo sa akin. Some says na masyado akong pa-rich kid or pa-sosyal dahil sa bahay ako nag-aaral pero they don’t know na naiinggit ako sa kanila kasi nagagawa nilang makipagsalamuha sa kapwa nila estudyante. May mga nagsasabi na ang arte ko kasi naka-face mask ako paglalabas at kaunting hawak lang sa ibang bagay ay maglalagay agad ako ng alcohol sa kamay. They don’t know kung gaano ko kagustong tanggalin ang face mask ko para makahinga ako nang maayos at makasagap ng hangin or maipakita sa lahat kung paano ako mag-smile.

Pero because of my illness, marami akong na-realize sa buhay at isa na diyan ang life is neither long or short. We may never know when our last stop is. But always remember, make every moment count with no regret…

Ang dami ko kasing gustong gawin na hindi ko naman pwedeng gawin dahil sa kalagayan ko. Ang dami kong gustong kainin, puntahan pero hindi ko makain at puntahan dahil sa maselan kong kondisyon. Dahil hindi pa naman mahina ang katawan ko ay nagpupunta lang kami sa hospital kapag treatment ko na. Ayoko rin naman na mag-stay sa hospital dahil feeling ko mas lalo akong magkakasakit doon. Hindi ko gusto ang amoy ng hospital. Atleast, kahit nandito lang ako sa bahay namin, nakakapaglakad-lakad ako dito sa garden. Hindi katulad sa hospital na maghapon akong nakahiga.

As of now, nasa garden ako ng aming bahay. Pinasadya ko talaga ang garden na ito dahil I love flowers. May mga tanim ako dito na roses, orchids at kaunting sunflowers. Pinaka gusto ko ang sunflower. Sa tatlong klase ng bulaklak na tanim ko ay iyon ang pinaka inaalagaan ko dahil mahirap silang alagaan. Parang ako lang. Dapat binibigyan ng extra care para tumagal ang buhay.

Ngunit sa kabila ng lahat, masasabi ko pa rin na blessed ako dahil mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko. Kaya nilang bilhin ang pangangailangan ko lalo na pagdating sa aking medical needs. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil sa akin Niya ibinigay ang sakit na ito imbes sa isang tao na walang kakayahang tustusan ang gamutan sa ganitong uri ng sakit o taong mahirap. Ano na lang ang mangyayari kung sa isang mahirap napunta ang sakit kong 'to? Iniisip ko pa lang ay parang nadudrog na agad ang aking puso.

Naglalakad-lakad lang ako sa aking garden at pinagmamasdan ang mga tanim kong bulaklak. Huminto ako sa hanay ng mga sunflower at masaya silang tinignan. Siguro kapag namatay ako at mabubuhay ulit, gusto ko ay maging sunflower dito sa aking garden sa next life ko. Para naman makakasama ko pa rin ang mommy at daddy ko. Tanggap ko na naman na hindi na gagaling ang sakit ko, na one of these days ay mawawala na ako. Nang malaman ko ang kondisyon ko ay tinanggap ko na ang bagay na iyon. Isa pa, doon din naman pupunta ang lahat ng tao-- sa kamatayan. Iba-iba nga lang ng oras at paraan.

Heaven Can WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon