Chapter 1

778 13 2

Lola, kwentohan nyo naman po ako la, nababagot na kasi ako dito eh. Bat ba naman kasi walang wifi dito. Hayyyss ;(

O siya, sige apo. Pag bibigyan kita kung ipapangako mo sakin na maniniwala ka sa kwento ko ha? Tugon pa ni lola.

Oo naman la, promise po, naka ngisi kong sabi ni lola at excited na excited pa.

Nagbabakasyon kami ngayon kina lola na mama ni papa, dito sa Sitio Maligaya, Purok Dating Tagpuan. Nakakatawa ang name ng place noh? Hahaha parang ang weird lng pakinggan at tila ba may naka tagonh istorya sa likod nito hahaha. Awoooo. Hahaha

Nasa Maynila kasi si papa busy sa work nya bilang enhenyero at kasalukuyang gumagawa ng isa sa pinaka sikat na company sa QC kaya puspusan sa trabaho at napapabayaan na nga nya minsan yung health nya eh kaya minsan nag aalala ako kasi di namin sya nakakasama mag bakasyon kina lola. At si mama naman ay busyng  busy sa negosyo nya na mga paintings at sculptures na mula pa sa Italy at iba pang bansa kaya kami nalang dalawa ng kapatid ko ang andito kina lola ngayon.

La, sige na po la :( pag mamakaawa ko kay lola.
Naku, mamaya na apo, mag sasaing muna ang lola mo, nakalimotan ko na alas dyes imedya na pala ngayon, malapit na tayong mag tanghalian.

Ayyy la, promise po tutulungan kita la kwentohan nyo lang po ako. Pakiusap ko pa.

Hay ang kulit mo talagang bata ka, manang mana ka talaga sa papa mo, alam mo ba na ang papa mo nung bata pa ay sobrang hilig sa kong ano anong mga misteriosong kwento at hindi talaga ako titigilan nun kung hindi ko sya kwekwentuhan kahit alam naman nya na gawa gawa ko lang naman ang iba para tumugil na sya sa pangungulit, nakangising sabi ni lola at napa tulala pa sabay smile.

Teka, misterioso? Naku, naku, mahilig din ako nyan ahh. Mahilig rin ako sa horror at sa mga historical fiction na mga kwento. Naeenjoy ko kasi yung goosebumps eh hahaha. Ang weird ko talaga.

Ako nga pala si Mariella, 23 years old nako, tanda na noh? Pero di ko parin na memeet si forever! Hahaha chos, graduate na nga pala ako sa Architecture. Kaya nga ako nandito ngayon kina lola Cresencia ehh may project kasi akong ni re research para sa isang proposal at para mag hanap hanap ng mga makalumang disenyo. Gusto ko kasi ng mga vintage look. Parang na fefeel mo talaga yung uniqueness ng isang bagay. Parang napa ka original tingnan.

May isa akong kapatid ang pangalan niya naman ay Henna, parang henna lang na temporary tattoo pag may pyesta diba? Hahaha ano ba naman to si mama at papa pinangalan pa kong parang makaluma tas yung kapatid ko naman parang tattoo lang ang peg hahah! Summer ngayon kaya sumama sya sakin mag bakasyon dito. Mag gre grade 10 na nga pala sya ngayong pasukan, 15 years old na sya at mag si 16 na ngayong November. Di kami minsan nag kakasundo kasi iba yung hilig namin sa isa't isa, pero kahit ganun di naman kami nag aaway. Kahit dalagita pa sya, kitang kita na ang taglay nyang kagandahan. Mahaba at napaka itim ng kanyang buhok. Sobrang puti nya at may tangkad na hanggang 5'4. Sakto ang kanyang pangangatawan, si mataba at di rin payat.

~
Sige na nga patuloy na tayo sa kwento 😂 ang daldal mo kasi bes.

~

La, aasahan ko yang kwento mo ha na secret lang natin, pangungulit ko kay Lola sabay tawa ng malakas.

Ate, Lola, ano pong kwento yan? Share nyo naman yan, singit pa ni Henna. At bakit naman secret yun? Nagtatakang tanong ni Henna.

Ayy naku la wag nyo pong i share sa kanya la, sakin lang po. Nakasimangot na ngayon ang mukha ni Henna. Haha sarap kasi asarin eh.

Ayan sige Henna lakwatsa pa, hahahah di namin ishe share ni lola yung kwentuhan namin kanina, bleee pagbibiro ko pah.

Edi wag magbabasa nalang ako ng wattpad, tugon ni Henna sabay irap na habang naka upo sa rocking chair na halatang luma na at kapansin pansin na ang pag creak nito.

Dating Tagpuan (inspired by I love you since 1892)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon