Chapter 7 - Picking Up The Pieces

1K 21 6
                                    

Chapter 7 – Picking Up The Pieces

Love’s POV

Hearts they never lie. But our mind does.

Lumabas kami ni Gabriel sa Mcdo dahil nagwoworry siya kay Mary para daw kasing iba yung aura ni Mary nung nabasa niya yung text. Naglalakad kami papunta ulit sa school nang makita namin si Mary at James, magka-holding hands at papunta sa KFC.

Sabi niya ang tito niya ang nagtext pero bakit kasama niya si James ngayon? Tinignan ko si Gabriel at tama nga ako, nasasaktan si Gabriel ngayon. Yung kamay niya nakayukom na.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya sinundan ko na din siya, eto ang Gawain ko ang sundan ang lalaking mahal ko. Nasasaktan siya ngayon alam ko yun dahil alam ko din na mahal niya si Mary, dati nagbulag-bulagan ako, kasi hindi ko pa nakikita yung Gabriel na mahal si Mary pero kanina nung niyayakap niya si Mary I saw and felt it. Mahal na mahal niya si Mary.

He is the person who will always lend his shoulder to Mary.

Kung papaano siya magalala para kay Mary, ramdam ko yun. Ou nasasaktan ako kasi mahal ko si Gabriel pero may magagawa ba ako kung si Mary ang mahal niya? Kung ang turing lang niya sa akin ay isang stalker niya?

Patuloy ako sa pagsunod sa kanya kahit nasa school na kami bigla siyang tumigil at lumingon sa akin, and when he did I saw hurt in his eyes. “Pumunta ka na sa klase niyo.” Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero sinundan ko parin siya.

Narrating namin ang Building C, pinindot niya yung elevator at sumakay sasakay na din sana ako “Talagang susundan mo ako?” tanong niya,

Sumakay na ako “Ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

Masakit nga siguro ang makita ang mahal mo na kasama ang taong mahal niya, alam ko yun kasi naramdaman ko din kanina yun. Sobrang sakit. Ano pa kaya yung nararamdaman ni Gabriel ngayon lalo na kung alam nating lahat na yung lalaking mahal nung babaeng minamahal niya sasaktan lang yung tao? Na ikaw na laging nandiyan hindi makita pero sa isang text lang sumama na si Mary.

“Ok lang ako.” Sabi niya “Wag ka ng lumabas ng elevator makita ka pa ng mga classmate ko alam mo naman yung mga yun.” Paalala niya.

Ou nga pala stalker ang tingin sa akin ng mga tao dito, bawal bang gawing admirer nalang?

Mary’s POV

Masaya ako! May date kasi kami ngayon ni James, sabi niya susubukan niya, naniniwala ako sa kanya dahil mahal ko siya, gusto kong maging masaya siya, siguro nga nagpapakatanga ako pero siya naman diba yung nagsabi?

Pero dahil din dun nagaway kami ni Gabriel, akala ko ba he’ll support me? Pero bakit ayaw niya? Ganun din si Love pero si Jewel ok lang naman sa kanya, bakit ganun yung dalawa masama ba talagang umasa na kaya ni James?

Ang huli kong narinig kay Gabriel “Kung diyan ka masaya eh basta don’t go running to me when he hurt you.” ayan yung sinabi niya.

Medyo nasaktan ako kasi bakit ganun diba? Sabi niya he’ll always be there for me kung saan ako sasaya he’ll support pero bakit ngayon? Wala na ba yung friendship namin?

Pumunta na ako sa meeting place namin ni James, nandun na siya at nakatingin lang sa langit pumunta na ako sa kanya “James.” Pagbati ko sa kanya.

“Tara?” pag aya niya naman sa akin, naglakad lakad na kami sa park kung nasaan kami, maganda dito, pero tahimik lang si James, after namin sa park nagpunta kami sa Ocean Park.

Waiting For the MagicianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon