25

8.7K 171 17
                                    

Chapter 25: Ally to Rival

TW: betrayal, might trigger your trust issue

Ciara's pov

"Nasaan na tayo, Hannah?" Tanong ko, habang nagd-drive pa rin ito, pamilyar din ang mga dinadaanan namin.

"Medyo malayo pa tayo." Sagot nito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Naalala mo 'yung pinuntahan natin noon? Kung saan namatay 'yung mga parent ko? Sa Santa Rosa, nandoon sila ngayon, sigurado ako," sagot nito, tumango naman ako.

Sa dami ng lugar, doon pa talaga?

"Hindi ko alam kung bakit doon nila naisipan pang magkita, hindi ko alam kung anong pinaplano nila." Nilingon ko si Hannah nang maramdaman ko ang pagiging seryoso sa tono ng pananalita nito. Naiintindihan ko kung bakit bigla na lang siyang naging seryoso, dahil iyun nga ang lugar kung saan pinatay ang mga magulang niya.

"Kailangan na nating bilisan, kinakabahan ako sa gagawin nila kay Tyron. Hindi maganda ang kutob ko." Maya-maya lang ay hindi na rin ito mapakali at panay ang galaw ng mga daliri niya at ang binti niya. Halatang natataranta, kaya naman napalunok na lang ako dahil pati ako ay nadadamay sa kaba niya.

"A-ako rin," nag-aalalang saad ko.

"Hannah." Pagtawag ko sa kanya.

"Mag seat-belt ka pala, dali! Bibilisan ko na!" Sabi niya, tumango naman agad ako at nagseat belt.

"Thank you," pagpapasalamat ko.

"Mamaya ka na mag-thank you kapag nakarating na tayo do'n at nailigtas na natin si Tyron, hindi pa natin alam kung anong naghihintay sa atin doon, kaya huwag ka munang magpasalamat," saad nito at mabilisang pinaandar ang sasakyan.

'Tama siya. Ang sabi niya ay teriyoryo nila, ang ibig sabihin no'n ay hindi lang dalawang tao ang makikita namin don tulad nang na-encounter ko kanina. Paniguradong marami sila at mas mahihirapan kami.

Ilang minuto lang rin ay nakarating na kami sa Santa Rosa, sa harap mismo ng building

"Andito na tayo," aad ni Hannah, agad naman akong bumaba at susugod na sana sa loob, nang tawagin ako ni Hannah at kunot noo niyang hilain ang braso ko pabalik.

"Sandali, saan ka pupunta?! Nababaliw ka na ba? Huwag ka munang sumugod basta-basta! Paano kung may mga armas sila! Huwag kang maingay, dahan-dahan lang tayong papasok, okay?" Sambit pa nito, pilit akong pinapakalma. Napatango naman ako bilang tugon, bago kami tuluyang makapasok sa loob. Malawak ang building at hindi namin alam kung saan kami liliko.

"Asan ba sila?" Tanong ko kay Hannah, napakaraming daan at hindi namin alam kung saan ang dapat naming unahing puntahan.

"Hindi ko rin alam, hanapin natin, tara dito tayo!"

Napatigil ako habang naglalakad, nang may marinig akong boses.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" Narinig kong sigaw ng babae sa hindi kalayuan, dahilan para mabilis kong lingunin ang direksyon kung saan ko narinig 'yun.

"Tulong!!" Sigaw naman ngayon ng lalaki na tukuyang nagpalaki ng mgamata ko.

"T-tyron!" Sambit ko at tatakbo na sana papunta sa kinanggagalingan ng boses na 'yun, nang pigilan ako ulit ni Hannah.

"Bakit?" Tanong ko.

"Shh! May naririnig akong footstep!" Sabi niya, habang may pinapakingga. Saglit ko namang itinikom ang bibig ko at pinakinggan rin iyon. Napalunok ako nang may marinig nga ako.

What if I die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon