N O T E?

9 0 0
                                        

Sinimulan ko na halungkatin ang bag para maghanap ng kahit ano na magbibigay sa akin ng kahit kaunting kaliwanawan sa taong ito na si Josh ngunit wala akong makita ni isa,  maski sa kaniyang cabinet na puro damit ay hinalungkat ko maski sa mga sulok-sulukan ng kwarto. Hanggang sa may nakita akong kahon na maliit sa kaniyang drawer,  kulay itim at puro may tape na transparent na nakapalibot dito. Dali-dali akong kumuha ng gunting sa kusina at bumalik kaagad para buksan ang kahon.



----------------

2 2 ??

(Blade with blood)

1 2 7 ??

(Rooftop of a building)

5 2 8 ??

(Scandal photo)

Nahulog ko ang kahon,  at hindi ko mapigilan ang mga kamay kong hindi manginig. Huwag mong sabihin na?




----

"Huwag ka diyang lalapit."

"Alam niyo ba yung sabi-sabi na..."

"Ang weird niya."

Hindi ako makahinga ng maayos,  nanginginig ako,  nagbibigat ang dibdib ko,  sandali lang wala akong ginagawang masama sa inyo,  bakit parating ako??

Pauwi ako ng mga oras na iyon.

Dilim.

Galit.

Poot.

"Josh..."

May mga kalalakihan na nagtatago sa dilim at bigla na lamang akong hinabol,

"Josh."

Sakit.

Galit.

Tahimik.

Sarap.

Hindi ko makita ang mga mukha nila basta tatlo sila at tumatawa...

"Josh?!!"

Tama na! Tumigil na kayo...

"Josh?!"

Sabing tama na?!!!!!

"ANAK!"

nagising ako sa malakas na sigaw ng nanay ko,  mga luha sa aking matang bagong gising at grabeng pintig ng puso'y waring puputok na sa pag-tibok.

"Na nanaginip ka ng masama..."

"Ahh..." Walang lumalabas ni isang salita sa bibig ko na gusto kong sabihin sa nanay ko.

"Ayos ka lang..."

Tinignan ko ang mata niyang nanlalaki sa kabang ano na ang nangyari sa akin.

Bumangon ako sa pagkakahiga at tinulak siya palabas sa kwarto. Hindi ko mapigilan ang pagnginig ng aking kamay at pagtulo ng luha ko.

C O L O R (editing process ongoing)Where stories live. Discover now