Danger (Part 2)

5.3K 141 8
                                    

#UNEDITED

Sorry kung may makikita kayong Typo's and Wrong grammar. Bangag si Miss Aee Guys. 

Anyways, Add me on Facebook guys, chikahan tayo. I badly need names para sa leading lady ng iba pang Hari. Wala na ako maisip ee. 

SALAMAT !!!!!!




Paglabas nila sa Safe Room, Agad silang tinutukan ng baril ng mga tauhan ni Argus.

Tinago  ni Michael si Marg sa likod nya at sya ang humarap sa mga tauhan ni Argus. "Wala ring saysay ang ginagawa mo pare, Mamatay din sya Tulad mo."

Kasabay non ay ang putok ng baril. Dalawang magkasunod na putok ng baril. "Fuck !" Agad  napatingin si Marg sa pinanggalingan ng boses na iyon. At doon nakita nya si Lord.

Nakita nya ang dalawang tauhan ni Argus na walang buhay. "Are you okay ? Fuck ! Am i late Babe ?" Nag aalala nitong tanong sa dalaga habang patuloy na tinitignan nito kung may sugat ba ito sa katawan.

"Okay lang ako Von. Ang safe ni Daddy. Nabuksan na, si Argus."

"That Asshole ! Don't worry, that safe is not the real one." Nang masiguro ni Lord na walang tama ng baril si Marg bukod sa pasa nito sa mukha ay humarap ito kay Michael. 

"Thank you, for keeping her safe" Bagama't nagulat, tumango nalang si Michael at kumuha ng baril. Naglakad sila papuntang Lobby kung nasaan ang mga tauhan ni Yvo. Nadatnan nilang wala ng buhay ang ilan sa mga tauhan nila at tauhan ni Argus. 

Napansin din ni Lord ang pagkakagulo sa labas, mukhang may mga bagong dating na tauhan si Argus sa isip ni Lord. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Marg habang pinoprotektahan ito sa mga nais na manakit dito. lumapit ang ilang mga tauhan nila sa kanya para protektahan sila.

"Oh, Mr. Black is here" then a smirk form into his lips. It's Argus. "Fuck you Argus !" Galit na sigaw ni Lord sa kanya. 

"You know what ? Akala ko matalino ka ? Matapang ? Pero ng dahil sa isang babae, you let your guard down. And because of your craiziness to her ? You might die early." Tila nang iinis pa nitong sabe. 

Nanatiling kalmado si Lord habang nakikipagtitigan sa kanya. Fuck you Yvo ! Where are you ! Sigaw ni Lord sa utak niya. 

"Nakuha mo na ang safe ni Daddy. Ano pa bang kailangan mo ?!" Sigaw ni Marg sa kanya. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin kay Argus. At kahit labag sa loob ni Lord, umalis siya sa likuran nito at humarap kay Argus. She's not coward. Hindi siya naging Pulis para lang maging sunud sunuran lang sa kanya. Tama na ang pagiging sunud sunuran nya kanina. 

"Oh, Princess, wala na akong kailangan pa. Ang gusto ko nalang ay Mamatay ka !" At kasabay non ay ang pagtaas ng kamay ni Argus, itinutok nito ang baril kay Marg. Agad na hinila ni Lord si Marg at tulad nito, itinapat din niya ang baril kay Argus. 

"You will fucking die in my own hands before you could kill my Wife. Asshole !" Pero tinawanan lang siya ng lalake. "Am i ? Well let see...." Kasabay non ay ang pagpasok ni Manalo sa lobby. 

Napatingin lahat ng tao na nasa lobby kay Manalo na kakapasok lang. At agad na gumuhit ang sakit sa mga mata ni Marg ng makita niya itong lumapit kay Argus. 

"What Princess ? Feeling betrayed ?" Sabay tawa nito. "Lahat ng tao Princess may katumbas na halaga, kaya Tulad ng sabi ng Daddy mo, Wag kang magtiwala sa kahit na sino. Money is important than friendship." 

Nagkatinginan sina Manalo at Marg. Walang kahit na anong makitang emosyon si Marg kay Manalo. Gusto niyang tanungin ito kung bakit ? Kung bakit ito ang pinili niyang desisyon ? Nagkamali nga ba siya sa pagkakakilala sa binatang pulis ?

Lord Devon Black (Demon#1)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon