Chapter 5: Restaurant

Magsimula sa umpisa
                                    

Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Hindi na ako umangal kasi magaaway na naman kami eh. Sanay naman na ako. Sabihin na lang natin this pass few weeks naging close kami. Para na kaming magbestfriends.

Naglalakad kami sa mall nang may nakita kaming isang stall na pwedeng magpagawa ng necklace bracelet churva churva.

"Clair, gusto mong bumili tayo?" tanong niya saken. Tumango na lang ako as an answer.

"Good Morning Ma'am and Sir." bati saamin ng saleslady

"What can I do for you po?" tanong niya saaken-este kay Trey pala. Kung makadikit kasi etong babaeng eto sa kabilang side ni Trey daig pa ang linta eh. Nakakaasar! Ewan ko kung bakit ako naaasar. Basta naaasar ako sa babaeng malanding to! Arrgg!

"Papagawa po kami ng Necklace ang Bracelet." sabi ni Trey.

Tinuro naman saamin yung way.

"Sir, paki fill upan na lang po yung form. Ilan po ba papagawa nyo?" -Malanding linta

"2 Bracelet tapos 2 Necklace. Tig-dalawa kami"-Trey

"Kapatid nyo po sir?" sabi nung Malanding Linta

"Hindi."-Trey

"Girlfriend po?" tanong ulis ng Chismosang Malanding Linta.

"Hindi." WTF? Pagtabuyan ba ako!? Shet lang ah!

"Ah. Ano nyo po siya sir?" aba'y chismosa talaga ah!

"Wag kang-" naputol sinabi ko namang bigla siyang magsalita

"Asawa ko siya" sabi niya with makalaglag panty na ngiti

Nakita ko namang nadismaya yung babae

"Bakit sinabi mong asawa mo ako ah!" pabulong kong sigaw sakanya

"Ang cute mo kasing magselos eh" naka smirk niyang sabi

"Ewan ko sayo! Titingin lang ako ah!" hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi feeling ko namumula na ako sa sobrang Hot ko eh. Oo, ako talaga yung hot. Wag kayong assuming.

20 minutes ang nakalipas natapos din ang walang hiyang Necklace ang Bracelet na yan! Nakabili na rin ulit ako ng pagkain kasi nagutom agad ako.

"Jandrei? Bakit Jandrei?" tanong ko. Kasi naman Jandrei yung nakalagay sa Necklace ko, sa bracelet ko naman Trey. Ganon din sa Necklace niya pero sa Bracelet niya nakalagay Jaxine.

"Pinagdugtong na pangalan natin. Jaxine tapos Andrei." sabi niya.

"Bakit Jaxine sa bracelet mo hindi Clair?" tanong ko sakanya

"Jaxine kasi you are the ONLY Jaxine for me."

"Anong Connect?" nagtataka kasi talaga ako sa tanong niya eh

"Basta. Tanongin mo na lang ako kung bakit pangalan mo sa Bracelet mo."

"Grabe, ang sweet nang asawa ko no?" sarkastiko kong sabi "Sige po ASAWA KO, anong meaning ng name mo sa Bracelet ko?" tanong ko while emphasizing the Word asawa ko.

"Paalala ko muna sayo. Wag na wag mong tatanggalin yan hangan sa hindi pa tayo tapos. Ayokong makitang hindi mo suot yan. That symbolize our relationship, tatanggalin mo lang yan kapag wala na tayo. Ang meaning din niya ay pangalan ko malamang." sabi niya.

"Ang corny mo pre! Sarap mong ngudngod sa pader eh!"

"Alika na nga! Uwi na tayo. Ang hangin mo nanaman eh." sabi niya tapos umalis na kami sa Mall.

Nagkulitan lang kami hangan sa magutom ulit ako.

This time pumunta na kami sa 5 star restaurant.

Papasok na kami ng restau kaso bigla niya akong hinila pabalik.

"Sa iba na lang pala tayo kumain." Seryoso niyang sabi

"Bakit kasi sa iba na lang" Di ko na kaya nagugutom na talaga ako eh

"Wag ka nang makulit." seryoso parin yung tono niya na halatang nagpipigil ng galit

"Bakit ba kasi!" nagugutom na talaga ako. Kumalas ako sa pagkahawak niya, nakatawid na kasi kami sa kabilang way.

"KAKASABI KO LANG NA WAG KA NANG MAKULIT DIBA!? HINDI KA BA MAKAINTINDI!?" Sigaw na talaga niya. Bigla naman akong namatay sa loob. Oo, iyakin ako. At feeling ko anytime tutulo na luha ko.

"So-sorry. A-akala ko kasi... Uhhhmm. So-sorry.. So-sorry kung makulit ako." sabi ko pero hindi ko natuloy kasi tumalikod na ako. Ayokong makikita niya akong umiyak

Trey's POV

"KAKASABI KO LANG NA WAG KA NANG MAKULIT DIBA!? HINDI KA BA MAKAINTINDI!?" Shit! Hindi ko alam kung bakit ko siya sinigawan. Naalala ko nanaman kasi eh. Nandun siya sa Restau.

"So-sorry. A-akala ko kasi... Uhhhmm. So-sorry.. So-sorry kung makulit ako." nakikita ko nang namuo luha niya. Para naman akong tinusok ng napakalaking karayom. Napakalaki kong tanga.

Tumalikod siya saken after nyang sabihin yun tapos nagsimula na siyang maglakad.

"Una na ako ah. Sorry ulit." sasakay na dapat siya sa jeep nang bigla ko siyang yakapin sa likod. Halata ko namang nagulat siya.

Umalis muna kami tapos sinakay ko siya sa kotse kong nakapark malapit kung nasaam kami. Sumakay naman siya sa shotgun seat.

"Sorry kung nasigawan kita. Nagulat lang ako eh." Tumingin siya sa kabilang bintana.

"O-o-ok-okay l-la-lang" Nauutal-este humahagulgol niyang iyak. Iyakin pala siya. Hindi ko alam. Akala ko lang kami matapang siyang tao

"Humarap ka saken." sabi ko sakanya pero hindi parin siya humaharap

"Harap kana saken please." this time niyakap ko na siya. I don't know pero parang gusto nang makawala ng puso ko.

Humarap naman siya tapos nakita ko yung mata niya sobrang namamaga na dahil umiyak siya.

Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit

"Sorry na please. Wag ka nang magalit saken. Sorry kung nasigawan kita. Sorry na please. Patarawin mo na ako. Please." Pagmamakaawa ko sakanya

"No, hindi ka dapat magsorry saken. Kasalanan ko naman eh. Masyado akong naging makulit. Umuwi na lang tayo. Pagod na rin ako." Sabi niya na medyo hindi na nauutal. Hindi na rin siya umiiyak katulad kanina.

Hindi na ako umimik at nagmaneho na ako. Nag saksak siya ng earphones sa tenga niya.

35 minutes ang byahe namin. Walang imikan. Walang usapan.

"Thank you. Inggat" yun lang sinabi niya at umalis na.

*Calling 09*********

"Hello sino eto?" Tanong ko sa kabilang linya, unknow number kasi

"Hello?" Tanong ko ulit, hindi kasi sumasagot

"Alam mo, kung prank call lang eto, hindi ako nakikipag biruan sayo!" Sigaw ko, nakakapuno na kasi.

Pero bago ko pa mababa. May nagsalita sa Kabilang Linya

"Rhei-Rhei" isang tao lang ang alam ko kung sino ang tumatawag saken niyan

"C-Clair?"

----------

A/N: Hanggang dito na lang po muna. UD muna po ako sa iba kong stories ^3~

Are you, The One? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon