Chapter 5: Restaurant

38 4 0

Clair's POV

It's Sunday. Nandito kami ni Trey sa chruch.

Hoy! Walang malisya ah! Nandito kami para magsimba hindi magpakasal. Hay! Ano ba etong iniisip ko! Nakakabaliw na ako.

I think...... I think...... I'm.... Hungry. ^_^ hahaha! Kala nyo kung ano na ano?

"Trey, uhmmm Trey." sabi ko sakanya humarap naman siya sabay sabing

"Hmmmm?"

"Nagugutom na ako." nakayuko kong sabi

Aba'y! Tinawanan ako ng mokong! Ang sarap batukan nito ah!

"Hep! Hep! Hep! Alam ko yang iiisip mo. Subukan mo lang! Mamaya na tayo kumain pagkatapos ng mass." sabi niya saken.

Wala naman akong ginawa kundi sumunod.

Natapos na ang mass at lumabas na kami.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya saken

"Kahit saan basta merong Fries! Coke Float! Big Mc! Garlic Pepper Beef! tsaka Fried Chicken! Basta maraming maraming pagkain."

Hindi na siya sumagot at naglakad na lang kami.

Habang naglalakad kami para akong teenager na pasulyap-sulyap sa crush ko. Ngayon ko lang naman naexperience yung ganon eh. Yung parang gustong kumawala ng puso mo.

"FoodCourt tayo." sabi niya.

"Ayoko sa FoodCourt. Maraming tao. Ang babaho ng mga yun eh." at talagang nagpout pa ako

"Hahaha! Oo alam ko. Ang dami mo kasing order eh." sabay gulo ng buhok ko.

"Haysstt! Lahat na guluhin mo wag lang ang buhok ko! Sira ulo ka talaga eh no!" sigaw ko kaya nagtinginan yung mga tao saamin. Yumuko na lang ako.

Naramdaman ko na lang biglang may humawak sa baba ko tapos inangat yung ulo ko. "Don't look down. Sayang ganda mo." sabi niya saken tapos kimindat. Naramdaman ko namang manginit yung mukha ko sa ginawa niya.

"Ang cute mo pagnagblublush." nginitian niya ako. Kapag yang ngiting yan ang binibigay niya feeling ko I'm safe, feeling ko ang gaan ng pakiramdam ko, feeling ko ang saya saya ko. feeling ko- haiisstt! No. Hindi dapat ako magpaapekto sakanya. Dapat hindi ako magapaapekto.

Love is just a Game. Whoever falls first Loses.

Kahit alam kong matagal na akong talo. Gusto ko paring lumaban.

It's against Pride and dignity.

Gusto kong patunayan sa lahat na may silbi ang bakod ko. Nalagyan ko na ng extra stick ng mighty bond eh.

Nandito na kami ngayon sa FoodCourt. Don't get me wrong. Ayoko dito kaso no Choice. Wala nang upuan na natira sa mga fast foods na napuntahan namin eh. Ayoko ko naman sa mamahaling restaurant kasi walang Fries.

"Gusto ko ng Ice Cream." sabi ko out of the Blue, kaya naman hinawakan ko na lang labi ko.

"Hahaha! Alika na tapos na naman na diba?" tumayo na siya tapos naglakad hinawakan ko yung laylayan ng damit niya dahilan para humarap siya.

"S-saan naman tayo pupunta?" tanong ko sakanya.

"Gusto mo ng Ice Cream diba? Halika bili tayo. O, baka naman ayaw mo? Sige wag na lang." sabi niya tapos akmang uupo ulit pero pinigilan ko siya.

"Hindi alika na!" sabi ko tapos tinaas ko pa yung mangas ng damit ko.

Tumayo siya tapos pinisil yung ilong ko "Cute mo." sabi niya habang pinipisil yung ilong ko.

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!