Chapter 17

836K 17.1K 5.9K
                                    

Chapter 17
Kimchi

"Hello?" sagot ko nang tumawag si Brendt sa aking cellphone.

He's been bothering me since he left Sarto pagkatapos kong kumain sa may rooftop ng manggang hilaw kasama siya. Ayaw ko kasing magpasundo sa kaniya pero pinipilit niya pa rin ako hanggang ngayon. He's really persistent.

"Are you sure na ayaw mong magpasundo?"

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tanong na niya ito.

"I'm doing nothing and the boredom's killing me. Gusto kitang sunduin at ihatid sa inyo." sabi niya.

"I told you, Brendt. Ilang beses na. Huwag mo na akong sunduin. I have my own car at kasabay ko si Nikki mamaya pauwi." pagtanggi ko sa kaniya.

He sighed, and I'm hoping that he's finally giving up. "Okay..." sabi nalang niya. "But call me if you need anything, okay?" pahabol niya.

"I will." sabi ko para matigil na siya.

Muli siyang nagpaalam sa akin bago ibinaba ang tawag.

Naging matahimik ang buhay ko nang tumigil na kakakulit si Brendt at nagawa ko nang magfocus sa trabaho ko kahit na hindi na ito ganong karami katulad ng dati. Kulang na nga lang ay wala na akong gawin sa sobrang konti ng nakalinyang mga papeles sa akin.

"Kailan ka ba magmamaternity leave?" biglang tanong sakin ni Nikki habang nag-aayos ng gamit nang sumapit na ang oras ng uwian.

"Nikki, hindi pa nga lumalaki yung tiyan ko eh." sabi ko. "Kayang-kaya ko pang magtrabaho at gumalaw-galaw. I don't need to take a leave yet."

"To be honest, Sandra... Nang nalaman ko ang tungkol sa'yo, naisip kong hindi mo naman talaga kasi kailangang magtrabaho." sabi niya sa akin. "We both know na maiintindihan naman ni... Sir Sean kaya ka magle-leave habang buntis ka para matutukan mo lang ang sarili mo at ang magiging anak niyo." sabi ni Nikki nang pabulong upang walang makarinig sa kaniya na ibang kasama namin sa trabaho.

"Kaya ko pa ang sarili ko, Nikki. Huwag kang mag-alala." I assured her.

She sighed in defeat to convince me from stop working. "Sige na nga't hahayaan na kita kung ano ang gusto mo." sabi niya. "Pero ililibre kita ngayon sa kahit saan mo gustong kumain. Kain muna tayo bago mo ako ihatid sa amin."

Tumango naman ako't pumayag sa kaniyang gustong mangyari.

We were just about to leave our cubicle when we're done fixing our things, when a familiar feminine voice called my name.

"Sandra!" tawag ni Shannen sa akin.

Napabuntong hininga naman ako bago nakangiting hinarap si Shannen.

"Hmm... Medyo plastik tayo ngayon ah." rinig kong pabulong-bulong ni Nikki sa akin, ngunit binaliwala ko nalang 'to dahil nakalapit na si Shannen sa akin.

She's wearing a very genuine smile while facing me, while I'm trying my best to give her a smile.

"Bakit po, Ma'am?" I politely asked Shannen.

"Pwede ka bang mag-overtime bukas? Kahit dalawang oras lang, please..." pakiusap niya sa akin. "I think I'll be comfortable working with you, specially because you're close to Sean. And don't worry! I'll buy lots of food para hindi ka magutom. I won't tire you that much too, of course. I know that your baby's important to Sean kaya pangangalagahan ko rin siya."

His Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon