Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]

95.3K 1K 176

Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]



Part 2 ng flashbacks! 2nd Year naman this time. Comment and vote pag nagustuhan nyo XD



--



Hindi pa rin pinapansin ni Rocky si Janine kahit nakipagbreak na ito kay Wes. Alam naman nyang dun din ang ending ng dalawa, sa isang hiwalayan. Buti na lang at nasa Cebu si Rocky buong vacation kaya wala syang pakialam at alam sa break up ng dalawa. Kay Vivien lang nya nalaman yon, thru YM! Chat pa.



Pero nagulat sya nang boyfriend na ng (temporary ex) bestfriend nya si TJ Guerrero. Of all people, si TJ pa! Mayabang, gwapo, magaling sa basketball at matinik sa babae, TJ Guerrero. Ang isa pang nakakagulat, dinate nya si Janine. First time lang kasi may dinate si TJ na taga-Charleston, puro taga-ibang school kasi ang tipo nito.



First day ng 2nd year, II-Newton sila noon. Walang kibong pumasok si Rocky sa loob ng classroom at umupo sa tabi ni Barbs.



"Oh, narinig mo na yung balita?" bulong nito kay Rocky.



"Oo naman. Syempre good news yon eh," sarcastic nyang 

sabi.


As if on cue, pumasok si Janine sa room, all smiles. Hinatid pala sya ni TJ na kumaway pa bago umalis. That scene made Rocky sick. TJ and Janine, what a bad combination.



But the next scene shocked her: nilapitan ni Janine si Chester. Gulat na gulat si Rocky. Sa lahat ng classmate na pwedeng takbuhan, si Chester pa ang naisipan ng babaeng to! Her inner devil reared its ugly head. Alam nyang ginagamit lang ni Janine si Chester para pumasa sa subjects nito.



Tahimik lang kasi si Chester, mostly siguro dahil nakakatakot ang bestfriend nitong si Barbs. Matalino, cute kaso kulang sa height. Sya ang pinakamaliit na lalaki sa klase nila. May ilang nagkakacrush dito kaso nadadale talaga sa height.



"Bestfriend mo naman inaagaw oh," sumbong nya kay Barbs.



"Psh. Bayaan mo na. Iniwanan mo sya eh, talagang maghahanap sya ng ibang makakapitan."



She just stared at Barbs. Gusto nyang sagutin ito na hindi sya ang unang nang-iwan. 

Na si Janine ang unang nang-iwan sa kanilang dalawa. Na ito ang unang nagbago. Kaso.. hindi nya kayang sumbatan si Barbs kasi alam nyang tama ito.


Halata kina Janine at Chester na naging close ito. Nalaman nya kay Vivien na naging tutor pala ni Janine si Chester nung summer sa Algebra at dun na nagsimula ang closeness ng dalawa. Biglang syang nag-alala para sa kaibigan. Baka kasi magkagusto na si Chester dito. May ganung aura kasi si Janine na lahat magugustuhan sya, tapos icoclose ka. Before you know it, may gusto ka na sa kanya.



Pinalagpas muna ni Rocky ng ilang araw bago nya kausapin si Chester. Naging groupmates kasi sila sa project nila sa Asian History, at sa bahay nina Rocky sila gumawa.



(O__O) "Ano ba yang tanong mo sakin Rachel! Wag ka nga!"



If I FallRead this story for FREE!