Kwentuhan sila ng kwentuhan. Nakikitawa lang ako sakanila habang nag iintay ng order. Napansin ko namang parang nakatingin sakin si Bea kaya tinignan ko din sya. Nagtaas lang ako ng kilay at iniwas nya din yung paningin nya sakin at tumingin sa phone nya.

Kinakausap sya nila Kat na syang katabi nya.

"Whoooo! Andito na!!" -sigaw ni ate Ells

Nakita ko yung waiter na may dalang dahon ng saging at pinatong nya yun sa ibabaw ng table namin. Kasunod nun ang mga kanin at mga ulam.

"Buddle fight?! Nag papapayat nga ako eh"

"1.2.3. Gooooooo! HAHAHHA!" Sigaw nung mga kasama ko na takam na takam sa pagkain

"Well. Sino ba namang hindi?! HAHAHHAHA"

Kain dito, daldal dun, inom tubig kain ulit. Ganyan ang nangyare samin ngayong gabi. HAHAHAHA. Halos lahat tuwang tuwa. Kahit mga rookies nakikisali na rin.
"Ate Ella! Hinay hinay naman! HAHAHAHA. Alam naming food is life pero baka dahil sa food wala ka ng life. HAHAHAHA" Pang aasar ni Jia at tumawa naman kaming lahat.

"Manahimik ka Morado! You only live once! Kaya sulitin ang bawat libre!" -ate Ella

"Naks may paganon na si Jolibee! HAHAHAHA!" -ate Ly

"Sapak gusto mo?" -ate Ella

Buong dalawang oras ay puro tawanan lang ang naganap. Nagyaya ng lumabas si ate Ly kaya lumabas ns kami.

"Ate Ly! Sakin na po  sasabay si Jho" -Bea

"Sige. Ingat sa pag da-drive"

Tumango lang si Bea at pinaupo nya ako. Pinaandar na nya at pumunta na kami sa dorm. Mas nauna kami sa kanila dumating. Dami kasing alam na daan ni Bea.

Ilang minuto lang ay dumating na sila. Pumasok naman na kami sa loob.

"Guys! Kunin nyo na yung mga gamit nyo tapos ayusin nyo na sa bago nyong mga room"

Tumango nalang kami at pumunta na ako sa room ka dati. Ka roommate ko si ate Ella at Jia kaya siguro ganun kami ka close.

Nauna akong pumasok dun at una kong kinuha yung maleta ko. Ilang sandali lang ay narinig ko naman na bumukas yung pinto. Nakita ko si ate Ella at Jia.

Tumingin ako kay ate Ella at.....

"Mamimiss ko kayo mga bebe!" Sabi ni ate Ella at niyakap kaming dalawa ni Jia
"Parang ewan naman ate Ells. Akala mo talaga isang bansa ang pagitan natin eh no" natatawang sabi ni Jia

Kumalas sa pagkakayakap si ate Ella at binatukan si Jia. Natawa naman ako sa kanila.

"Huy mga te! Mag ayos na tayo! Maya maya tatawagin na tayo ni ate Ly eh."

Tinalikuran ko na sila at nag ayos na ulit ng mga gamit ko. Naramdaman ko naman na nag aayos na din sila ng kanila.

"Mga bebe! Baba na tayo sa sala" sabi ni ate Ly

"Sige Aly, sunod kami" sagot ni ate Ella.

Tumango lang si ate Ly at sinarado na ulit yung pinto.

"Tara na mga bebe. Baba na tayo" -ate Ella

Tumango kami at dinala na ang mga gamit namin. Isang maleta na malaki at isang unan na pooh lang naman ang dala ko.

Nung nasa hagdan na kami, pahirapan bumaba kaya nag decide si ate Ly na dito nalang mag usap usap sa taas.

"Guys, paki ayos na lang ang bawat room natin ah. May dinikit akong rules and regulation sa bawat kwarto. Sana ay masunod nalang. Kung may kelangan pa kayo, nasa room 2 lang ako. Sige na, isalansan ng maayos ang mga gamit. Matulog na din pagkatapos. Goodnight everyone!" Sabi ni ate Ly

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: May 21, 2018 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

The World Isn't With UsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu