ERNEST'S POV:

"Tonight's the night" excited na sabi sakin ni Joseph kaya tumango lang ako

Ngayon na kasi yung opening ng bago branch ng restaurant ko and ibig sabihin nun ay ngayon na rin yung araw kung saan gagawin na ni Kyle yung matagal nyang plinaplano.

Nag decide si Kyle na ituloy yung plano kahit na against si Yvan sa gagawin nyang ito pero di naman namin masisisi si Kyle kung gusto talaga nyang ipakilala si Ysabel na girlfriend nya sa buong student body. Tsaka siguro naman kaya nyang protektahan si Ysabel at andito rin naman kami para tumulong sa kanya kung sakaling may manakit kay Ysabel.

Ang kinatatakutan ni Yvan ay yung magiging reaksyon ng linta girls kapag nalaman nilang may bagong girlfriend si Kyle dahil dati grabe na yung ginagawa nila kay Ashley noong bago palang sila ni Kyle. Pero tumigil rin yung pananakit nila kay Ashley dahil sya ang leader ng MG, na kung saan ito ang naging second most powerful group sa buong St. John nang dahil lang kay Kyle dahil sya ang leader ng F4, the most powerful group in the whole campus.

Kaya nga kung sana lang di malaman ng mga linta girls na may girlfriend kami dahil sa ayaw na ayaw nila na pumasok kami sa isang serious relationship dahil para sa kanila dapat palagi kaming single para magkaroon sila ng chance. Okay lang sa kanila yung fling relationship or makipag flirt kami sa iba't ibang babae as long na di kami bumubuo ng commitment sa isang babae.

Kung magrereact sila ngayon dahil malalaman nilang si Ysabel ang bagong girlfriend ni Kyle then pano nalang kung malaman nilang mag asawa na pala sila. Kung magaling gumawa ng paraan si Samantha nun para lang masaktan si Ysabel physically, tiyak na mas magaling ngayon ang linta girls dahil sa mas mautak sila sa mga bagay na makakasakit ng ibang tao tsaka sobrang dami nila.

"How are we going to continue our plan kung wala naman yung mismong gumawa nung plano" asar na sabi ni Joseph sakin
"Di pa rin ba sila dumadating?" tanong ko naman sa kanya kaya umiling lang sya
"As you can see wala pa rin si pinuno" sagot nya kaya naman tinignan ko yung suot kung relo para icheck yung oras
"Anong oras na! Kailangan na nating umpisahan yung party" worried na sabi ko kaya naman agad nyang nilabas yung phone nya mula sa bulsa nya
"We should call him" seryosong sabi nya kaya tumango lang ako tsaka na sya nag umpisang mag dial sa phone nya

Kung sino pa talaga yung gumawa ng plano, sya pa talaga yung late.

"Where the hell are you?" tanong ni Joseph dun sa kausap nya sa phone at tiyak na si Kyle yun dahil sya lang naman yung inaantay namin ngayon dito
"Bilisan mo dahil kayo nalang ang wala dito" sabi nya ulit tsaka nya na pinatay yung tawag sabay harap ulit sakin
"What did he say?" tanong ko sa kanya
"Let's start nalang daw!" sagot nya kaya naman inirapan ko lang sya
"Why would we start without him?" asar na tanong ko naman sa kanya
"That's what he said!" sagot naman nya sakin
"Asan na ba daw sya?" tanong ko sa kanya ulit tapos nagkibit balikat lang sya
"Hindi nya sinabi kung asan na sya banda pero sabi nya ay papunta na daw sya" sagot ni Joseph sakin tsaka na sya naglakad papunta dun sa flatform nitong restaurant

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya sa harapan para tuluyang umpisahan yung party na dapat ay kasama rin si Kyle at Yvan.


JOSEPH'S POV:

"What take you so long?" asar na tanong ko kay Yvan pero di sya sumagot
"Asan si pinuno?" tanong ko ulit sa kanya
"Nasa bahay" sagot nya naman sakin
"Bahay? Ano namang ginagawa nya sa bahay nyo?" shock na tanong ni Ernest sa kanya
"Nasa bahay si ate Ysa and ayun busy silang nag aaway" walang ganang sagot nalang nya samin tsaka sya umupo sa tabi ko
"So talagang ngayon pa sila mag aaway" asar na sabi ko sa kanya tapos nagkibit balikat lang sya bilang sagot

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!