CHAPTER 3

13.5K 198 5
                                        

AUTHOR'S POV

Kakaalis lng ni thunder sa building ng kumpanya ni bettina at nasa sasakyan na siya ngayon at nagmamaneho. habang nagmamaneho siya, gigil na gigil siya sa babaeng yon at parang ngayon palang nag sisi na siya kung bakit ang babaeng yon pa ang naisipan niyang pagpang gapin na maging nobya niya

"what a brat! nakakainis ang babaeng yon! humanda ka bettina lauren, pahihirapan kita bilang girlfriend ko!" sabi ni thunder sa loob ng sasakyan niya

nang makarating na siya sa opisina niya, doon niya nailabas ang lahat ng inis niya sa babae, napapagalitan niya ang mga empleyado niya kahit ang mga nadadaanan niya kanina nasisigawan niya kahit wala namang ginagawa

trabaho lang siya ng trabaho ng hindi napapansin ang oras at biglang may pumasok sa opisina niya kaya napa angat siya ng tingin dito

"mom? what are you doing here? im still working, sa bahay niyo nalang sana ako inantay!" sabi ni thunder sa mama niya na siyang dumating

lumapit naman ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at ganon rin si thunder dito. at umopo ang ginang sa harap niya kung saan may upoan

"iho, galing kasi akong mall, namili lang ako, at malapit naman mag non working hours kaya hihintayin nalang kita para sabay na tayo okay?" sabi ng mommy niya na tumayo tapos nag lakad at lumipat ng upo sa couch ng opisina niya

"fine mom! tatapusin ko nalang ang mga to at uuwi na tayo." at ibinalik na ni thunder ang tingin niya sa mga papeles niya

"anyway iho, makikilala mo mamaya ang fiance mo, inimbita ko sila sa bahay para mag dinner kaya darating sila mamaya with her family so please pag bigyan mo na ako, gusto ko nang mag asawa ka, gusto ko ng magka apo!" pagka sabi non ng ginang napa angat nanaman siya ng tingin dito at hindi niya alam ang sasabihin

pinipilit kasi siya nitong mag girlfriend para mapakasalan na niya, pero hindi niya ginagawa kahit maraming babaeng may gusto sa kanya. Oo nambababae siya ngayon pero walang seryoso, sa kama lng at hanggang doon lang.

Dahil para sa kanya sayang lang ang oras niya para sa mga babae kung seseryosohin ang mga ito. ang totoo niyan, galing siya sa long time relationship niya for 5 long years, at sobrang seryoso niya rito, pero pinagpalit lang siya nito kaya hindi na siya nakipag relasyon pa. that was a year ago when it ended.

at binuhos nalang niya ang sarili sa kakatrabaho dahil para sa kanya, mabubuhay naman siya ng walang ka relasyon, pero ang tao kailangan ng pera para mabuhay.

magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa dito ang babaeng hindi niya inaasahang darating sa loob ng opisina niya. nakangiti ito sa kanya ng nakakaloko, at nasa likod niya ang secretarya niya

"Sir im sorry po, hindi ko po siya napigilan, sabi niya po Girlfriend nyo daw po siya!" sabi ng secretarya niya na mahihimigan mo sa kanya ang takot dahil narin kanina pa siya nito napapagalitan

"its okay, you may leave" sabi niya sa secretarya niya at umalis na ito at sinarado ang pinto

naglakad naman ito palapit sa kanya, at hindi maiwasan ni thunder na tignan ng kabuohan ng babae, kaya napalunok siya ng tignan niya ito dahil ang perpekto talaga ng katawan niya, idagdag mo pa ang magandang mukha nito.

"done checking me out baby chicken?" sabi ni bettina na kinagat pa ang labi niya at, umikot pa siya

pero sa pag ikot niya, hindi niya inaasahan na may makita siyang matandang babae na nakatingin sa kanilang dalawa at nakangiti ito, kaya bigla siyang nahiya at yumoko siya

tumayo naman ang ginang at lumapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya para itaas, at binitawan at lumayo ng konti at inikutan siya

"Wow iho, girlfriend mo to? sigurado kang pinatulan ka ng babaeng to?" tanong ng mama niya

"Mom!" sabi ni thunder na nakatayo na at lumapit sa kanila, at hinila si bettina papunta sa likod niya para mailayo sa mommy niya

"Sana naman kasi pinaalam mo sa amin na may girlfriend kana, para hindi na ako nag hanap ng fiance mo." sabi ng mommy niya na halatang nagtatampo

"im sorry mom, pero dahil nandito nalang din kayong dalawa, mom this is my girlfriend bettina nephthys lauren, and baby this is my mom christina henson!" sabi ni thunder sa kanilang dalawa, napangisi naman si bettina sa isip niya dahil sa tinawag nito sa kanya na 'baby'

tinignan naman niya ang ginang na nakangiti sa kanya, siya naman lumakad para makalapit sa matanda at inilahad ang kamay niya dito at tinangap naman niya ito

"Hello mrs.henson, sorry po sa nakita niyo kanina." arte ni bettina sa harap nilang dalawa

"No its okay iha, ang cute niyo nga tignan eh, bagay na bagay kayo ng anak ko, siya nga pala? kelan kayo magpapakasal?" tanong ng mama ni thunder na muntikan ng ika bali ng takong ni bettina.

dahil kahit nakatayo lng siya muntikan na siyang matumba mg marinig ang sinabi ng mom ni thunder. pero nahawakan naman ni thunder ang bewang niya

"Mom, hindi pa namin napag uusapan ang bagay na yan okay? bago lang kami sa relasyong to kaya please, wag mo munang itanong yan." sabi ni thunder at tumingin kay bettina

"why are you here? akala ko tatawag ka?" bulong niya kay bettina na ngayon nakabawi na sa pagkagulat niya kanina

"i just want to see you baby chicken" medyo nilakasan niya ang pagkakasabi niyang yon para marinig ng mom ni thunder tsaka kinidatan pa ito

sa isip naman ni bettina, natutuwa siyang naiipit sa sitwason si thunder. 'Let me start my game baby chicken' nasa isip ni bettina

"ah mrs.hens****" pinutol naman ng mama ni thunder ang sasabihin ni Bettina

"tita or mommy nalang iha, alam ko naman na don din kayo papunta ng anak ko" ngiting ngiting sabi ng mom ni thunder

"okay po mommy" nakangiting sabi ni bettina tapos tumingin kay thunder na naka kunot ang noo at sinamaan siya ng tingin

'ano kayang ginagawa ng babaeng to? bat sinasakyan niya masyado si mommy, masama ang kutob ko dito' sa utak ni thunder

ibinalik naman ni bettina ang tingin niya sa ginang at nginitian ito ng matamis.

"ah mommy, yung tungkol sa kasal, actually nag propose na si thunder sa akin mga 5 beses na rin po kaya lang hindi pa ako pwedeng magpakasal, dahil nasa kontrata ko yun bilang modelo, baka nahiya lang si thunder na sabihin na nag propose na siya dahil lahat ng proposal niya tinanggihan ko. kung sana hindi lang ako naka kontrata mommy edi sana nakapag plano na kami ngayon, naawa nga ako kay thunder dahil umiiyak nalang siya pag tinatanggihan ko!" sabi ni bettina na umakto pang nanghihinayang at naiiyak

ang mukha naman ni thunder ay parang hindi makapaniwala sa narinig niya, ginawa pa talaga siyang kawawa sa harap ng mommy niya 'ang babaeng to, nakakailan nato'

"naku kawawa naman pala ang anak ko, kaya naman niyang bayaran ang kontrata iha, iho bakit hindi mo nalang binayaran ang kontrata niya?" tanong ng ginang sa kanya pero bago makasagot si thunder sumagot na si bettina

"mommy yan din po ang gsto ni thunder pero ayaw ko po dahil ayaw ko pong may mamagitan sa amin na pera, at kaya ko naman din pong bayaran yon, kaya lang pag nangyari yon, hindi na ako mabibigyan ng panibagong kontrata ng management, at masisira ang pangalan ko kaya tatapusin ko nalang po, 6 na buwan nalang man po ang hihintayin" sabi ni bettina na ikinatuwa ng ginang

"okay, pagkatapos ng anim na buwan, aasahan ko na magpapakasal na kayo. anyway iho, mauuna na ako sayo, baka kasi may date pa kayo, at ika cancel ko na yung dinner mamaya sa prospect ko sanang maging fiancé mo dahil akala ko wala kapang magandang girlfriend!" tapos ngumiti ang ginang sa kanila at hinalikan sila sa pisngi at umalis na agad

"that was easy, baby chicken!" sabi ni bettina habang naglalakad papunta sa couch at umopo at nag dikwatro at tinignan niya sa mata na seryosong nakatingin din sa kanya si thunder

dahan dahan namang lumapit si thunder sa kanya at umopo sa harap ng couch niya at nag titigan sila ng seryoso at sabay silang napa smirk

'is this the way how you play huh?' sa isip ni thunder

'that was just an intro thunder' sa isip ni bettina

Couple OR Trouble(DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon