Thanks po talaga sa mga bumoboto :) 

Read and enjoy po kayong lahat

------------------

Chapter 62

-----------------

Pumunta kaming apat sa isang restaurant na pagmamay ari nila Toby. Syempre, sinabi ko kasi kay Toby yun. And as acting as my second bestfriend, kailangan daw kasama siya tsaka libre na daw lahat pag kasama siya. Hahaha. No choice, libre eh >:) at Dahil nasa isang high class restaurant kami ngayon. Mga tuxedo sila at dress naman kami ni Princess. 

" bakit si Alisha ang napili mong maging date sa prom? " tanong ni Kuya kay Ranz

" Uhmm, dati ko pa kasi siya gusto, as in Like. Nahihiya naman ako kasi may boyfriend siya " sabi ni Ranz

" So, umalis lang boyfriend niya , nilala-- " sabi ni Toby kaya tinapakan ko yung paa niya para di na niya matuloy sasabihin niya

" Aray " sabi ni Toby sabay tingin sakin, tinignan ko din siya with matching panlilisik ng eyes para tumigil na siya

" ano Toby? " tanong ni Ranz

" Wala, wala nuh " -Toby

Tapos umorder na kami. Gusto niya ako? Joke ba yun? Eh nakita ko nga na naghahalikan sila ni Natasha eh.

Hmmm. Maybe my decision was wrong afterall. Siguro di dapat ako pumayag. Maling mali talaga eh. Pero let's see kung deserving ba talaga siya.

Kinuha ni Ranz ang wine niya sabay tayo ko naman, plano ko toh eh. para matapunan niya ako ng wine sa white dress ko. At syempre, IT WORKED! >:)) Bwahahaha! tawang mandirigma! 

" So-sorry " sabi ni ranz, sina kuya naman napatayo. ano toh? standing ovation? Hahaha.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang damit ko pero dahil red wine yun, may stain padin. Natataranta na siya. Biglang inanggal ni Ranz ang kanyang tuxedo at pinaupo ako. Pagkatapos kong umupo ay ipinatong niya sa akin yung tuxedo niya. gentleman :)

" tha-thankyou " sabi ko.

" wag ka na magthankyou ako naman yung may kasalanan eh "

another point, mapagkumbaba siya.

Pero may iba sa kanila ni Daniel. May IBA talaga, may something eh.

O siguro, dahil mas kilala ko lang talaga si Daniel dahil bestfriend kami for 4 years.

At ayun, dumating na ang mga pagkain at kumain na kami. 

" Ang sarap ng pagkain dito " -Ranz

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!