CHAPTER 17

964 21 0
                                    

Christof's POV

Umuwi na ako ng bahay. Galing ako sa condo ni Mhin. And I admit, I missed her. Sabik ako sa bawat dampi ng mga labi niya.

Lalaki lang ako. Mabilis matukso. Pero kailangan kong pigilan habang maaga pa.

Dahil alam kong mauulit at mauulit ang nangyare samin.

Kaya habang kaya pa, di ko hahayaang malaman ni Armie.

"Oh saan ka galing?" tanong sa akin ni Armie.

"Ah eh.. Diyaan lang Hon. Tara kain tayo sa labas?" aya ko. Baka makahalata pa siya.

"Ah Hon. Magimpake ka. Aalis tayo."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Nag-aya kasi yung nagorganize last time nung show na mag-outing. At sa Suuuuubiiiic yon! Exzoited na ko Hon! Emeghed!" halata mo ang pananabik ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

Okay na rin 'to. Atleast di na siya maghihinala sakin.

"Ganun ba Hon? Ilang days?" at agad ko siyang binigyan ng halik sa mga labi.

"Mga 5days daw eh. O diba? Makakapagbonding tayo! Hahaha kaya magtiis ka muna. Sa Subic mo na ituloy yang iniisip mo."

"Eh Hon sino ba makakasama natin?"

"I dunno pa eh. Mamaya pa natin malalaman mga 5pm ang call time eh."

"Parang biglaan ata?"

"Oo hon. Kasi kung pinaplano, malaki ang chance na di matuloy. Kaya sige na magimpake kana."

Agad na akong umakyat. Para magayos ng mga gamit ko.

Few hours later...

Nakarating na kami sa meeting place ni Armie. Pero di ko inaasahan ang mga magiging kasama namin.

"Oh hi Armie. Kasama mo pala ang fiance mo." at agad akong tinignan ng malagkit ng ex ko. Oo si Carmina. Di ko inaasahan na nandito siya.

Kainis kung kailan balak kong iwasan siya dahil sa nangyari samin.

"Ah oo. Carmina this is Christopher. Hon this is Carmina. Hehe alam ko namang ngayon lang kayo nagmeet." pakilala ng asawa ko. Sh*t this is awkward.

"Ah yeah. Hahaha actually, NGAYON ko lang nameet ang fiance mo." sabay titig na may pang asar na ngiti si Mhin. Nanadya siya. But she looks even hotter.

"Hahahaha FYI. Hindi ko na siya Fiance. Coz we're oficially husband and wife." proud na pagkakasabi ni Armie habang ako naman ay di pa rin makapagsalita.

Sino ba namang di kakabahan kung magkaharap ang present wife mo at ex girlfriend mo. Syempre nakokonsensya rin ako.

"Oh really? Well congratulations. Payo ko lang, ingatan mo ang husband mo. Baka mamaya,...." sabi ni Carmina pero di ko narinig ang sumunod dahil ibinulong na niya kay Armie ang karugtong.

"Hehehe sige mauna na ako sa inyo ha." at tuluyan ng umalis.

Armie's POV

"Oh really? Well congratulations. Payo ko lang, ingatan mo ang husband mo. Baka mamaya, may umagaw. Bantayan mong mabuti." sabay ngiti saken ni carmina. Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Pero anong meaning non?

Well siguro dahil uso ang mga palabas ng ahasan ng asawa tulad ng The Legal Wife kaya siguro pinayo saken ni Carmina yun.

Napakahot kase ng Hon ko. HAHAHAHA almost perfect nga eh.

Balita ko kase mahilig daw manuod 'tong si Carmina eh. Hahahahaha. Buti concern siya sakin.

"Oh Armie!" napalingon kami ni Christof sa tumawag sa akin

"Oh ikaw pala Ken! Kasama ka rin pala?" tanong ko habang pansin kong si Christof na medyo sumama ang mga titig kay Ken habang ang fafa kennedy ko ay nakangiti.

Haha landi ko kahit may asawa na ko noh?

"Ah oo eh. Sinamahan ko lang si Ate Carmina. Baka kasi may mangyaring masama." sa pagkakasabi niya non ay nahalata kong nagkatitigan sila ng seryoso. Ngunit agad namang nagbawi ng tingin si Kennedy at nginitian ako.

Okay nawiwirduhan ako sa mga tao ngayon ha. Para bang may di ako alam. Yung bang mga titig nila sa isa't isa eh para bang may kahulugan?

Ays di bale na.

"Hon let's go. Sumakay kana sa kotse."

Agad naman akong sumunod sa sinabi ni Christof. Oo may sarili kameng kotse. Bakit? Mayaman kami eh

Pero srsly? kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Iba aura ni Christof eh. Tahimik lang siya.

"Hon tahimik mo ha! Problema?" basag ko sa katahimikan habang nasa byahe.

"Nothing." wow! Ang cold ha! Siguro nagseselos to.

"Nagseselos ka no! Kasi kasama rin si Ken? Don't worry. Mas pogi ka don." sabay kindat ko sakanya nung lumingon siya saken. He gave me his sweetest smile.

Medyo inaantok na rin ako. This past few days kasi parang nag-iba yung sistema ng katawan ko. Madalas akong antukin. I dunno why. Kaya mabilis na rin akong nakatulog.

Author's POV

Mabilis nakaiglip si Armie habang si Christof ay patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Marami ang bumabagabag sa kanya. Gumugulo sa isipan. Di siya mapakali dahil kasama sa Subic si Kennedy na kinaiinisan at pinagseselosan niya. At lalong lalo si Carmina na kapatid pala nung lalaking yon.

Pero biglang naagaw ng pansin niya ang babaeng katabi niya ngayon na mahimbing sa pagkakatulog.

Sinulyapan niya ito at nginitian.

Nakarating na sila sa Subic. Medyo gabi na rin kaya dumiretso na sila sa kanya kanya nilang kwarto.

Mabilis rin nakatulog ang lahat. Dahil paniguradong kinavukasan ay eenjoyin na nila ang dagat.

Armie's POV

12am nagising ako. Habang ang pinakamamahal kong asawa ay mahimbing sa pagkakatulog sa tabi ko.

Matutulog na sana ako ng biglang umilaw ang phone ni Christof.

Kinuha ko iyon at agad tinignan. Bakit? Angal kayo? Asawa ko na to no. HAHAHA.

But unfortunately, parang nanlamig ang buong katawan ko sa nabasa ko. Unknown number ang nagtext.

"Be ready for tomorrow. I wanna have a second round. :)"

Armie's POV

F*ck. Anong second round? Wala akong ideya kung babae o lalaki ang nagtxt pero para bang may inililihim sakin si Christof.

Ayokong maghinala, tama Armie. Wag kang maghinala. Mahal ka ng asawa mo. Pinangakuan ka niya na mamahalin ka niya hanggang dulo.

Ah oo baka barkada nya lang to.

Bago mawala ako sa mood eh napagpasyahan kong matulog.

Kinabukasan....

Sumapit ang umaga at nakatitig si Christof kay Armie habang tulog na tulog ito.

Di rin nagtagal ay nagmulat ng mga mata si Armie.

"Goodmorning Hon" sabi no Christof kay armie at sinunggaban ng halik.

"Hon! Stop! Di pa ko nagtotoothbrush!" sabi ni Armie habang si Christof ay pumaibabaw na sa kanya habang hinahalik halikan ang leeg nito.

"I don't care. I want you." sabay halik.

Di rin nagtagal ay naganap ang isang mainit na pagmamahalan.

You will be MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon