Chapter 7

35.8K 767 9
                                    

WALANG pagsidlan sa kaligayahan si Alyssa nang sumunod na mga araw. Wala ni bakas ng pagtutol si Jaime nang magsabi sila ni Jim. Ang gusto pa ngang mangyari ng matanda ay madaliin ang kanilang kasal.

"Oh, Alyssa! I'm so happy for you." Si Melba na niyakap ang kaibigan. "Ngayon pa lang ay iisipin ko na kung ano ang ireregalo ko sa inyo. Iyong erotic ang dating..."

"Luka-luka kang talaga," natatawang sagot niya. "Kailan ba ang big day?"

"Ngayong araw na ito makukuha ni Jim ang lisensiya namin. Hindi namin gusto ng engrande, Mel. Family and close friends affair lang ito. At bukas, aalis kami ni Jim para bumili ng gamit para sa damit ko. Ang Tiya Andrea na ang magtatahi. Gusto kong ibigay sa Tiya Andrea ang kasiyahang siya ang gagawa n'on. Iyon naman ang trabaho ng tiya ko noong bago pa lang silang nagsasama ng Papa. Kaya siguro, six weeks mula ngayon ang scheduled date."

"At sa garden ng mansion ang kasal at reception, Mel." Umupo ang dalaga at tila nangangarap na nakatanaw sa malayo.

Iiling-iling na ngumiti si Melba. Tuwang-tuwa para sa kaibigan.

At sa nakalipas pa uling dalawang linggo ay naging abala ang magkasintahan sa pag-aasikaso ng mga bagay para sa kasal.

"Hello, honey..." Si Jim sa malat na tinig, isang araw na tawagan siya. Bahagya itong umubo.

"May sakit ka ba, Jim?" nag-aalalang tanong ni Alyssa. "Nasaan ka ba ngayon?" Sandaling lumayo sa linya ang kasintahan at narinig niya ang pag-ubo at marahang pagsinga nito.

"Sorry, hon... masakit talaga ang ulo ko. Akalain ko ba namang itong edad kong ito ay mukIlang tatrangkasuhin pa yata ako. "

"May matanda ba at bata sa sakit? Nasa bahay ka ba? Did you take any cold tablets?"

"Honey, all I need is a kiss from you and I'll be fine. Lord, I miss you." Muli ang marahang ubo.

Bahagyang natawa ang dalaga. "Kahapon lang tayo nagkita nang umaga, Mr. Villaroman, Jr."

"And I miss you already, Mrs. Villaroman, Jr. to be. Mag-undertime ka, hon. Come over here and let's make love. Hindi na naulit iyong nangyari sa video room, ah. And that was three weeks ago!"

Hindi mapigil ni Alyssa ang matawa nang malakas.

"Marinig ko lang ang boses mo, honey, nag-iiba na ang pakiramdam ko. You can see it for yourself. Kaya kong tiisin ang sakit ng ulo ko but not this ache of wanting you," kasunod niyon ang singhot at sunod na pag-ubo.

"May sakit na at lahat pero kung ano-ano pa ang naiisip mo," nangingiti pa ring wika ni Alyssa though she felt warmth inside her. Sasabihin na lang sana niyang darating siya nang muling magsalita si Jim.

"Honey, I'll call you back. Sumesenyas ang maid, may tawag sa kabilang linya galing ng opisina." At nawala na ito sa linya. Nagkibit ng balikat ang dalagang ibinaba ang telepono. Pag-angat niya ng mukha ay si Conchita ang nabungaran niya.

"Si Jimmy ba ang kausap mo? Nasa opisina ba?"

"Nasa bahay ho at maysakit."

"He didn't look sick noong umalis ako. Baka naman nagdadahilan lang?"

Gustong mainis ng dalaga sa tiyahin ng kasintahan pero nagpigil siya. "Malalaman ko dahil hindi na ako papasok sa escuela. Pupunta ako doon mamaya paglabas ko dito."

Tumango-tango ang matandang babae. "Kung ako sa iyo ay hindi na lang ako pupunta." Pagkasabi nito ay lumabas na ng silid. liling-iling na ipinagpatuloy ng dalaga ang ginagawa.

Nang hapong iyon paglabas niya ay nagbayad ng tricycle si Alyssa para ihatid siya sa bahay ng mga Villaroman. Sa may tabing daan na lamang siya bumaba at nilakad ang mahabang driveway patungo sa mansion.

For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon