Manunulat
MATAAS ang sikat ng araw. Kaya siguro mainit din nag dugo ng editor ko sa akin. Kanina niya pa ako ginigisa rito sa office niya.
"Ano na naman 'to, Serenity?"
Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa takot. Kapag nagagalit siya ay nagiging kahalintulad niya ang isang halimaw na hindi ko makakalimutan. Halimaw na itago na lang natin sa pangalan na Ursula.
Bata pa lang ako ay panakot na sa akin ito ng aking tiyahin.
Gayon pa man, mahal ko 'tong editor ko. Minsan lang talaga ay grabe siya magalit.
"Ang pangit na naman nang kinalabasan! Paano ka magkakaroon ng libro na bebenta sa mga bookstores kung ganito kapangit ang mga sinusulat mo!"
Nakayuko lang ako, nagpapa-awa na lang para hindi na siya magalit pa. Kahit masakit ang nga sinabi niya ay kailangan ko iyong tanggapin, "Pasensya na po Miss Andy, aayusin ko na lang po." Naisipan ko nang tumingin sa kanya pero matulis pa rin ang tingin niya sa'kin.
"Hindi, ayusin mo muna ang sarili mo," humina na ang boses niya at medyo kumalma na siya. Parang naaawa na nga siya sa'kin, "Alam ko masakit ang lokohin ka ng boyfriend mo pero hindi dapat apektado pati pag susulat mo. Bumalik ka rito kapag nakamove-on ka na."
Napakamot na lang ako ng ulo. Kaya pala siya naawa sa'kin dahil sa ginawa ng gago kong boyfriend, este ex-boyfriend.
"Binabalik niyo na naman ang past, e. Past is past na. Tapos na ako mag move-on."
"Tigilan mo ako, Serenity! Mahal na mahal mo pa 'yang si Liam! Kitang kita ko 'yan sa mga mata mo," sumenyas siya para umalis na ako. "Bumalik ka rito after three months."
"Three months pa? Hindi ba pwedeng after three days lang?" Pagmamaktol ko. Sobrang tagal naman nang sinabi niya, baka magutom na ako lalo n'yan, "Three days lang Miss Andy, buo na ulit 'tong puso kong winasak ng manloloko na 'yon! Makakapagsulat na ulit ako."
Hindi na siya nagsalita pa. Tinignan na lang niya ako na para bang gusto niya akong kainin nang buhay. Hindi ko na pinagpilitan ang manuscript ko. Maiinis ko lang siya lalo at baka hindi na niya ako kunin ulit.
Lintek kasing three month rule na 'yan, e! Sino ba kasing nagpauso n'yan? Iba-iba naman ang mga tao kaya panigurado na may taong kayang mag-move on ng tatlong araw.
Umalis na lang ako at nakipagkita sa matalik kong kainbigan na si Cooper.
Ilang minuto rin akong naghintay sa takoyaki store na malapit sa apartment nila. Palagi na lang talaga siyang late pero naiintindihan ko siya. Madami siyang pinapalamon kaya masyado siyang busy sa trabaho.
Tinapik niya ako sa braso ko, "Anong problema?" Nakakunot na ang ang noo niya. Sumimangot ako pagkatapos ay bumuntong hininga, "Si Miss Andy na naman? Patingin nga ng manuscript mo."
Minsan, hindi ko na kailangan mag-explain sa kanya dahil kilalang kilala na niya ako.
Ilang oras kami sa store dahil sa pagbabasa niya kaya ang dami kong nakain na takoyaki. Ubos na naman ang pera ko. Kailangan ko na naman mag doble kayod nito. Pambihira talagang buhay to, "Lord, ano bang ginawa ko? Bakit niyo ako pinapahirapan nang ganito?"
Binatukan ako ni Cooper.
"Anong pinagsasabi mo d'yan?"
Tinignan ko siya nang seryoso. "Simula bata, iniwan na ako ng mga magulang ko. Naiwan ako sa masungit na tiyahin. Tinaguyod ko ang sarili ko mag-isa simula high school. Kayod kalabaw araw-araw. Flast chested pa ako at hindi gano'n kagandahan. Akala ko sasaya na ako dahil nakilala ko na si Liam pero t*ngina, sasaktan lang din pala ako. Manloloko siyang hayop siya!"
BINABASA MO ANG
Polaris (Published under IndiePop)
FantasySi Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng kasikatan. Ang nobela na hango sa kanyang heartbreak. Pero dahil sa isang kababalaghan ay nabuhay ang...