Chapter 4

839 42 7
                                    

Chapter 4

Sabrina's POV

NANG magising ako ay naka bihis na si Gracy at may hinahalungkat sa bag niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin siya sa gawi ko at biglang sinarado ang bag niya at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik at tumayo na para maligo. doon nalang kami mamaya kakain ni gracy sa canteen.

Kinuha ko yung towel at nag simulang maligo at pagtapos ko ay lumabas na ako at nakaupo si Gracy sa higaan niya at nakatitig sa kawalan. Pumunta ako sa kabinet at kinuha na yung uniform namin at nagsimula ng magbihis ng matapos akong magbihis ay lumabas na kami ni gracy at sinarado yung kwarto namin at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad kami ay biglang may humarang si Olivia at si Almira nakataas ang kilay na nakatingin saakin si olivia at tiningnan niya si Gracy at ngumiti.

"Well, mabait naman pala itong si Gracy, diba? " Yumuko si Gracy sa sinabi ni olivia. "At ikaw naman tandaan mo magtutuos pa tayo hindi muna kita gagalawin dahil baka may makaistorbo pa pero malapit na tandaan mo ikaw ang uunahin ko at kung hindi man ako ang makapatay sayo ay meron namang iba ang pwedeng sumaksak sayo patalikod." Nakangisi niyang sabi at tumingin kay Gracy, tiningnan ko naman si Gracy ng may pagtataka ng magangat siya ng tingin naglakad na paalis sila Olivia at binangga pa ako ng malakas muntik na akong matumba pero naalalayan agad ako ni Gracy.

"Tara na ate wag muna silang pansinin siguro wala lang silang mapagtripan kaya tayo yung pinagtritripan nila." Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad at ng pumasok ako sa room ay kakaunti palang ang tao o demonyo ng umupo ako sa upuan ko ay lumapit si Diane at may matamis na ngiti. May kailangan to.

"Hello, Sabrina pwede bang makahingi ng favor na sana ilapit mo naman ako kay Xander." Nakangiti niyang sabi saakin tiningan ko lang siya at nilagay muna ang bag ko sa likod at umupo ng maayos. "Nakita ko kase kayo kahapon na naguusap at parang close na close kayo, wala naman kayong relasyon diba?" Tumango ako bilang sagot nagliwanag naman yung mata niya at umupo dun sa isang upuan na bakante sa tabi ko.

"Gusto ko sanang mapalapit din sa kanya pero para kasing nakakatakot siya pero ang hot niya pa din kahit nakakatakot yung presensiya niya." Maarte nitong sabi na saakin tinitingnan ko lang siya habang nagsasalita na gusto niya daw si Xander at matagal na daw niya itong crush at nagpapansin daw siya lagi at ng makita niya daw itong nagalit ay tumigil na daw siya kase nakakatakot daw ito pag nagalit well nakakatakot nga siya sa mga mata niya palang kagabi.

"Kung gusto mong mapalapit sa kanya bakit hindi ikaw yung lumapit hindi yung nangaabala ka pa, kung gusto mong mapansin ka niya magpakilala ka" Sabi ko sa kanya at bigla nagbago yung itsura ng mukha niya.

"Hindi mo ba naiintindihan hah!natatakot nga ko diba? Alam mo ba yun! ohh! sisimulan ulit natin sa simula ng magets mo!" Sigaw niya sa akin at tumayo na siya ng may nanlilisik na mata.

"Ang ayoko sa lahat yung hindi sinusunod yung sinasabi ko ehh! kung hindi mo susundin yung sinabi ko sayo humanda ka!"sabi niya at biglang binalibag yung upuan na inupuan niya kanina. Tingin niya matatakot niya pako, eh mas nakakatakot nga yung mukha nung dalawang impakta.

"Ano papayag ka ba o hindi?!" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa kung makaasta siya parang kaya niya ang lahat.

"At bakit naman kita susundin sino ka ba?!" Pangmamaliit ko sa kanya at mas lalong nanlisik yung mata niya at akmang sasampalin na ako ng sipain ko siya sa tuhod at napababa naman siya at nakaharap yung mukha niya saakin at bumwelo muna ako at sinampal siya.

*pak

"Tsk! Kilalanin mo kasi muna yung babanggain mo!" Nakangisi siya habang hawak hawak yung pisnge niya at tumawa. Baliw

"Hindi mo kilala yung kinakalaban mo." Sabi niya at tumayo na. "Matapang ka Sabrina, matapang ka hindi mo pa ako kilala at yang tapang mo mawawala din yan." Sabi niya at parang proud na proud sa sarili niya na kayang kaya niya ang lahat.

"Bakit ako ba kilala mo? Hindi ko hahayaan na ako yung madehado dito, dahil hindi naman ako yung nagsimula, at sino ka nga ulit? Umalis kana nga sa harap ko at baka kung ano pang magawa ko sayo, shoo!" Inirapan niya muna ko bago umalis at di parin mawala yung tingin niyang matatalim sakin.

Biglang may pumasok sa room namin si Xander. Anong ginagawa niya dito? Lumakad siya papunta sakin at ngumiti. Ngumiti din ako at umupo na dahil medyo awkward padin at bakit siya andito?

"Magaling Sab, lumaban ka hanggang makakaya mo. Ang cool mo kanina at andito ako para may sabihin sayo" Sabi niya ng kami lang ang nakakarinig at ang lapit lapit ng mukha niya saakin. Medyo naalibadbaran ako dahil doon.

"Ano?, at pwede bang wag masyadong malapit yang mukha mo!" Tumawa lang ito at lumayo ng onti.

"Diba ka dorm mo si Gracy?" Tumango naman ako. "May nararamdaman lang akong kakaiba sa kanya. Nakasalubong ko kasi sya kanina at ibang iba siya sa nagpakilala sakin" Napaisip naman ako doon dahil totoo nga yung sinasabi ni Xander. May kakaiba nga kay Gracy parang hindi siya yun.

"Di naman siguro." Dahilan ko dahil baka may problema lang ito. Iintindihin ko siguro muna ito, magsasabi din siguro ito.

"Paanong hindi? Sabagay ikaw yung nakakakilala sa kanya" Dumating na yung subj. Teacher namin. "Sige na Sab. Pwede bang sabay ako kumain sa inyo mamaya ni Gracy?" Tumango naman ako para umalis na ito.

Tumingin ako sa gawi ni Diane at matalim padin ang titig nito saakin, nginitian ko ito at mukhang naasar. Natawa nalang ako dahil doon.

--


Ingat mga bebeh sayang ang lahi natin always wash your hand at use alcohol at wag muna makipag usap ng harap harapan gawa ni Xander HAHAHA love y'all muah.

By:LoveisBlind2209

Imperial Academy(school of demons) (✔Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon