JOSEPH'S POV:

"Well, I think we need to ask what he thinks about this para wala rin syang masabi satin later on" seryosong sabi ni Ernest samin
"At sa tingin mo paano natin sya tatanungin kung sa di naman sya sumasama satin" sabi ko naman kaya napaisip rin si Ernest
"Matagal ko ng napapansin na parang di na sya sumasama satin" sagot naman ni Kyle kaya tumango lang ako
"Minsan ko na nga lang sya makita! Maybe twice a week ko lang sya nakikita" seryosong sabi ko naman
"If he doesn't come to us then we will go to him instead! Tayo na ang mag aadjust para sa kanya" sagot naman ni Ernest kaya ngumiti lang ako
"Bakit ba sya di sumasama satin?" seryosong tanong ni pinuno samin
"Naging busy na sya masyado sa girlfriend nya" sagot ko naman kaya nag smirk lang sya
"Silang dalawa ni Tristan naging busy na sa mga girlfriend nila" sagot naman ni Ernest
"At sino naman ang girlfriend ni Tristan?" tanong ulit ni Kyle samin kaya inirapan ko lang sya dahil sa tanong nya
"What the hell! Parang ikaw lang ata ang hindi updated" natatawang sabi ko kaya tumawa rin si Ernest
"Sino nga?" curious na tanong nya samin
"Girlfriend ni Tristan yung kapatid ng asawa mo! Yung isa sa kambal" sagot naman ni Ernest kaya di na sya nag salita pa

Di ko rin alam dito kay pinuno kung bakit wala syang kaalam alam sa mga bagay bagay. Palagi naman namin syang kasama ni Ernest pero ewan ko kung bakit parang wala syang idea tungkol sa mga ganap ngayon dito sa school.

"Buti pumayag si Yvon na maging shota ni Tristan" natatawang sabi nya samin kaya ngumiti lang rin kami ni Ernest
"Si Yvon?" naka ngiting sabi ko tapos biglang tumawa si Ernest
"Wala ng nagawa si Yvon dahil sa pinag tulungan sya mismo ng bestfriend at nang kakambal nya para lang maging girlfriend sya ni Tristan and it's kind of funny because via text lang naging sila" natatawang sabi naman ni Ernest

Wait!

"Kung mag patulong rin kaya ako sa asawa mo para maging kami na talaga ni Jessica!" natatawang sabi ko tapis bigla akong binato ni pinuno unan
"Mandadamay ka na naman ng tao" sabi naman nya kaya nag smirk lang ako
"Yes naman! Caring husband" natatawang sabi ko kaya inirapan nya lang ako

Andito kasi kami ngayon sa rooftop kung saan wala na naman si Yvan. Naka tambay kami ngayon dito dahil sa hindi nasikmura ni pinuno yung Joshua na kasama na naman nila Jess at Ysabel.

Pinag uusapan kasi namin ngayon yung plano ni pinuno na gagawin nya sa opening nung bagong resto ni Ernest. Kailangan rin kasi namin yung ideas ni Yvan.

"Let's go" sabi ko tsaka ako tumayo tapos tinitigan lang ako nitong dalawa
"And where are we going?" seryosong tanong naman sakin pinuno
"Para hanapin si Yvan! Miss ko na rin si bunso" sagot ko kaya ngumiti lang sila tsaka na rin sila tumayo tsaka na kami nag lakad paalis dito sa may rooftop

Kung di pupunta si Yvan samin kami na mismo ang pupunta sa kanya. Hindi na ata nya kayang iwan yung bago nyang girlfriend.

Pero sa totoo lang miss ko na rin sya masyado dahil sa matagal ko na syang di nakikita at nakakasama.

"Nakita nyo ba si bunso?" tanong ko dito sa mga taong nasa hallway
"Nasa room sya kasama ni Andrey" sagot naman nung isang student kaya naglakad kami papasok ng room nila at saktong nakita namin si Yvan kasama si Andrey

Yung feeling na naka tayo kaming tatlo dito sa may pinto with our big smile.

"Long time no see bunso" masayang sabi ko sa kanya kaya tumawa lang sya tsaka kami nag lakad palapit sa kanya
"Alam mo bang nag tatampo sayo si pinuno" natatawang sabi ni Ernest kay Yvan
"Bakit?" curious na tanong ni Yvan tsaka sya tumingin kay Kyle
"Dahil sa hindi mo na sinasamahan mga tropa mo at talagang mas pinili mo na si Andrey kaysa saming mga bestfriend mo" natatawang sabi naman ni Kyle kaya tumawa lang rin sya
"Andrey wag mo agawin yung bunso namin. Iiyak talaga ako pag nawala samin si bunso" pang asar na sabi ko kay Andrey tapos yumuko lang sya dahil sa nahihiya sya samin

Masaya rin pala minsan kung ibang tao yung pinagtritripan namin! Hindi yung mag bff nalang palagi yung pinag tritripan naming tatlo. Pero mas masaya talaga kung si pinuno ang pinag tritripan namin dahil sa sobrang asar talo sya.

YVAN'S POV:

"Iwan ko nalang muna kayo" sabi ni Andrey tapos akmang tatayo na sana sya ng hawakan ni Joseph yung balikat nya
"Babe, don't leave" kunwaring malungkot na sabi naman ni Joseph kaya inirapan lang sya ni Andrey tsaka naman sya hinampas ni Ernest sa balikat kaya natawa lang sya ng malakas
"Tigilan mo na nga sya bago pa man din sya maging amazona tsaka wag mo kakalimutan na bestfriend sya ni Yvon" natatawang sabi ni Ernest kay Joseph
"So ano naman ngayon?" curious na tanong naman ni Joseph sa kanya kaya ngumiti lang si Ernest at Kyle
"Baka kasi pag nang asar ka pa lalo maging amazona yan kagaya ni Yvon" natatawang sabi naman ni pinuno kaya ngumiti malang rin si Joseph dahil sa gets nya na yung sinasabi nung dalawa naming kaibigan

After umalis ni Andrey agad namang umupo itong tatlo sa tabi ko.

"Pero bat nga kayo andito?" tanong ko sa kanila tapos inirapan lang ako ni Joseph
"Di ka na kasi sumasama samin" asar na sagot ni Joseph kaya di nalang ako sumagot dahil sa kasalanan ko rin pala kung bakit sila andito ngayon

Di ko naman sinasabi na masama na pumunta sila dito sa room. Nagulat lang kasi ako dahil sa andito sila. Never kasi silang dumadalaw dito sa classroom namin dahil sa apat na lugar lang talaga sila mahahanap during break time and that is the cafeteria, rooftop, their classroom and detention.

"Dahil sa di ka na pumupunta samin, kami na mismo ang pupunta sayo" sabi naman ni Ernest kaya ngumiti lang ako
"Kami na ang nag aadjust para sayo" sagot naman ni Kyle kaya tumawa lang ako

Alam kung di rin kasi nila ako kayang tiisin na di nakikita. Lalo na pag may kailangan silang tatlo sakin.

"Pero bat nga talaga kayo andito! Alam ko namang di nyo ako pupuntahan dito pag wala kayong kailangan" seryosong sabi ko sa kanila kaya sabay sabay lang silang tumawa.

Sabi ko na nga eh!

Tsaka lang naman nila ako hinahanap pag may kailangan sila.

"Ano nga?" seryosong tanong ko sa kanila ulit
"Opening ng bagong resto ni Ernest this weekend" sagot ni Joseph sakin
"So?" tanong ko naman ulit sa kanya
"Ano nga bang meron?" tanong naman ni Ernest dito sa dalawang kasama namin kaya hinampas lang sya ni Joseph
"Napaka ano mo rin minsan!" asar na sagot ni Joseph sa kanya kaya ngumiti lang sya
"Ano ba kasi talaga yun! Napaka dami nyo pa kasing echos uso namang sabihin nalang agad" asar na sagot ko sa kanila
"May plano kasi si pinuno" mahinahong sabi naman ni Joseph sakin
"Plano? Anong plano?" curious na tanong ko sa kanila dahil sa wala akong idea kung ano yung planong pinagsasabi nila
"Plano nya para sa ate mo" sagot naman ni Ernest kaya parang naging isang malaking question mark yung mukha ko

Plano?

Plano nya para kay ate??

"And what the hell is that?" tanong ko kanila tapos bigla silang ngumiti ng sabay sabay

As in sabay sabay umangat yung dalawang dulo ng mga labi nitong tatlo.

Itong tatlong to halatang may plinaplano na naman..

At sana naman di ako tututol doon.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!