[17] ♕ Mmm...

2.1K 51 2

Hana's POV...

Ang aga kong nagising. 5:00 am palang. Di kasi ako makatulog ng maayos. Alam niyo naman siguro kung bakit...

Magluluto nalang siguro ako. Madali lang naman magluto kapag di ako natatamad. Hehehehe. Nagpunta muna ako ng CR para maghilamos.

Pagkababa ko binuksan ko agad yung ref. May bacon naman at hotdog yun nalang siguro.

Inuna kong lutuin yung hotdog. Habang nagluluto ako di ko namalayan na gising na pala ang magaling kong mister.

“Ang aga mo naman.” sabi ko sakanya pero di ko siya tinitingnan. Naligo na rin siya.

“May practice kami. Kaya dapat maaga. Gamitin mo yung kotse mo at magpahatid ka sa driver.” sabi niya at umupo na. Haysst di ba niya alam yung salitang salamat.

“Ayoko ako na magdadrive late kana rin uuwi mamaya kaya wala akong sasakyan ko magpapahatid ako. ” sabi ko sakanya at tinapos na yung ginagawa ko.

“Sige. Ikaw bahala Misis ko.”

“Psh. Anong misis mo? Hoy Mister! Wag mo akong mamisis misis mo ha? Baka malaman niyan ng lahat tapos may sabihin silang di maganda. ” sabi ko sakanya. At tinitingnan ko siya ng masama.

“Ang oa mo yata. Hays. Ang hirap magkaroon ng Misis na parang alam na niya ang mangyayari. ” ngiting-ngiti na sabi niya. Ang oa ko nga. Ano ba kasi nangyayari saakin? Ang oa ko na. Noon naman di ako ganito.

“Bahala ka nga sa buhay mo!” sabi ko sakanya.

Mmm... Ang sarap naman ng luto ko. Kahit na ganito pero ang sarap. Hehehehe.

“Aalis na ako Misis ko. ”

“Wala akong pakialam sa buhay mo! Lumayas kana! ”

“Sige na aalis na ako. At teka... Talo mo pa buntis kong magsungit. ”

Hinabol ko siya hanggang makaalis yung kotse niya. Walang hiya ang ganda ng umaga ko tapos siya ang dahilan kong bakit panget? Papatayinnnnnnnn ko siyaaaaaaaaaa.

Ang aga pa. 6 am palang. Maliligo na ako dadaan din ako sa pinakamalapit na mall at bibili ng mga gamit.

MALL.. 

Nag-ikot ikot ako. Ang dami na rin ng pinamili ko. Kaya naisipan kong pumunta na sa cashier.

“Miss  3,471 po.” sabi ng babae. Ganoon pala kadami ang pinamili ko. Grabe ah.

Kinapa ko yung wallet. What the?! Nasaan na yun! Sa bag ko. Hinanap ko isa-isa pero wala talaga. Haysst naalala ko inilagay ko pala yun sa sala para makita ko at madala ko yun. Tsh. Wala talaga.

“Miss, magbabayad ho ba kayo? ”

“Wait lang po ha? May tatawagan lang ako.”

Tatawagan ko ang mokong yun baka sakali makatulong. Bakit ko ba kasi iniwan. Amg tagal naman sagutin.

“Hanniel? ”

“Mmmm... ”

“Eh... Kasi ano eh... Nakalitmutan ko yung wallet ko. Nandito ako sa mall. ”

“Pinakamalapit na mall sa SU?

“Oo yun nga...”

“Kakausapin ko yu g cashier...”

“What?! ”

“Sige na ibigay mo na ying phone.”

“Oo na sige na.”

Di ko muna pinatay. Kinausap ko yung babae at ibinigay mo yung phone.

“Miss, okay na po. Thank you. ” nakakapagtaka ah? Di naman siya nagbayad pero pinadala niya. Ang galing ah.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!