CHAPTER TWENTY FOUR

Start from the beginning
                                    

**********************

"Eyz pupunta ako sa inyo dyan muna ako matutulog"

Nag text ako kay Eyz ....

Nasa kotse ako ngayon at tinatahak ang papunta sa bahay nila Eyz madali lang namang malamang bahay nya ito dahil nasa pinakadulo ito ng subdivision at wala ng bahay kilala naman ako ng gwardya dito kaya okay lang

Habang papunta ako sa bahay nila ay mah kotseng humaharurot paalis..

Tss hindi man lang nagiingat ang bilis mag patakbo

"Beshy!!" Nakangiti akong bumaba at sinalubong sya kahit na halata naman na busangot ang mukha nya

"Sino yung bumisita sa iyo na nakakotse?" Natigilan sya sa tinanong ko at bahagya pa lalong bumusangot

"Si Xyrus" Xyrus? At talaga nga naman

"Nakakapunta na sya dito?!" At ng ssbihin ko iyo ay bigla syang nagmamaktol

"Ihhhh yun na nga at ang nakakainis pa gusto nya dito matulog!!"

"At pinayagan mo?" Nakapamewang pa ako kaya mabilis syang umiling

"Syempre hindi sinabi ko nga na sasapakin mo sya sa oras na dumating ka kaya ayun" napatango tango ako at nilibot ang tingin sa bahay nya

"Oh dito na lang ba tayo Forever?!" Napatawa sya at umirap sa akin

"Beshy una sa lahat walang tayo! At pangalawa! Walang Forever! Wala!" Napailing na lang ako at tuluyan ng pumasok maganda naman yung bahay nila pero ang nakaagaw lang ng pansin sa akin ay yung necklace aa ilalim ng family picture nila

"Bakit may naka display na necklace dito?" Nagkibit balikat lang si Eyz at dumiresto sa kusina

"Ewan ko gusto kasi ni mommy ilagay lang daw dyan.. ang nagbigay daw kasi nyan ay mahalaga sa kanya" napatango na lang ako silver yung kwintas pero may pendant yon parang kilala ko yung kwintas na toh!

Inilabas ko ang kwintas na suot ko yung bigay sa akin ni JT bago... Aisshhh basta yun na yon!

Magkatulad nga! Kainis! Paano naging mag katulad toh?

"Beshy kain na tayo!"  Pumunta na ako sa dining room pero hindi ko maiwassng magtaka...

Paano?

Bakit magkatulad! Oo maraming klase ng ganon pero ..

"Kanino nyo po ibibigay yan?"

"Sa mahalaga sa akin"

Arghhhhhh sumasakit na naman ang ulo ko

"Beshy okay ka lang" ngumiti na lang ako kay Eyz kahit na masama pa rin ang pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko pero pinilit kong umarte ng normal ganyan naman tayo eh lagi naman tayong nagpapanggap na masaya kahit hindi naman talaga.. saan nanggaling yon?

Kumakain kami ngayon at wala man lang nagsasalita wala naman akong sasabihin at bukod pa don ay masakit ang ulo ko

"Eyziel Perez!!" Tiningnan ko si Eyz at nakita ko pa syang napatampal ng noo

"Naku naman" bigla syang tumayo pero lumingon naman sya sa akin

"Teka lang ha?pupuntahan ko lang si Mama hindi ko naman alam na uuwi sya ngayon" natatawa na lang akong tumngo at umalis na sya..

Nandito ang mama nya ibig sabihin ay maari na akong magtanong tungkol sa kwintas

Dahil wala naman gaanong tao ay naririnig ko ang sigawan nila

"Ma! May bisita ako!"




"Bisita?! Sa dis oras ng gabi?! Baka naman syota mo yan!"



"Kaibigan ko po ang bisita ko"



"Lalake?! aba baka naman bukas makalawa may apo na ako!"



"Ma ano akala mo sa akin yung kwinukwento ko sa iyo si Brielle!!"




"Brielle niloloko mo ba ako Eyziel?! Eh wala ka namang kinukwento!"



"Hehe wala ba basta papakilala kita"

napailing na lang ako bakit kaya wala kaming ganyang paguusap ng mommy ko? Ako kaya ang may kasalanan? Hindi naman sa ayaw ko pero parang may nagtutulak sa akin na huwag silang kausapin para sa kaligtasan ko hindi ko alam

Naguguluhan na talaga ko

"Ma bestfriend ko si Brielle beshy si mama" tumayo naman ako at nilingon ko yung mama ni Eyz pero biglang sumakit ang ulo ko

"Beshy ! Ano bang nangyayari sa iyo?"









"Tita mano po!"

"Hahaha ang cute mo naman"

"Hoy hindi mo naman yan pamangkin"

"Eh ano ngayon? Hahaha"









"Brielle iha okay ka lang ba?"- mama ni Eyz

Ipinilig ko ang ulo ko at baka sakaling mawala yung mga imahe na nakikita ko sh1t bakit ba napapadalas ito?!

"Siguro ay dapat magpahinga ka na"

ayoko pa sana pero mas lalo lang sumasakit yung ulo ko

Napatigil ako ng marinig ko yung mama ni Eyz na magsalita

"Alam kong marami kang gustong itanong pero sana wag mo ng tangkain hindi ko rin masasagot yon"

napakuyom ako ng kamao pero ngumiti sa kanila

"Aakyat na po ako"

napabuntong hininga ako pakiramdam ko oago na pagod ako







******************
To be continued

Worst Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now